Chapter 5: Pretend

18 2 0
                                    

Sa patuloy na pagluha ng mga mata ko. Kahit na nagiisip ako ng masasayang nangyare sakin di ko pa rin maiwasan na isipin ang mga nangyare kanina lang.

Ilang saglit pa dumating na si Abby para matulungan ako sa problema ko.

Tumakbo siya ng dahan dahan at alalang alala para sakin. Sa patuloy paring pagluha ng mga mata ko. Naiisip ko ang lahat ng effort na ginagawa ng kaibigan ko. Yung mga effort na gagawin niya lahat para lang matulungan ako sa mga poblema ko, yung effort na kahit hirap na hirap na siya di parin siya papaawat basta lang matulungan ako.

Hanggang sa...

"KIM! Ok kalang ba? Ayos kana ba ngayon? Ano ba nangyare? Ikwento muna."

"Abby! Bakit ganun." Naitanong ko sa kanya habang nakayuko at lumuluha pa rin hanggang ngayon.

"Anong ganun? Ikuwento mo na kasi."

"Ganito kasi ang nangyare."

Habang lumilipas ang mga oras. Nakwekwento ko na kay Abby ang lahat. Kitang kita ko ang talagang pagaalala niya para sa akin. Naikwento ko rin ang hindi niya pagkilala sa mukha ko na kahit matagal na kaming magkakilala. Makakalimutan niya rin pala ako.

At naikwento ko na nga kay Abby ang lahat. Kahit siya ay may kunting pagluha sa mga mata.

"Pero ang pinagtatako lang eh bakit ganun na ang mukha at katawan niya?" Tanong ni Abby na may pagtataka.

"Ayun na nga rin ang pinagtatako na kung talagang kilalang kilala niya ko di niya ko makakalimutan at makilala niya parin ako kahit na matagal na kaming di nagkita."

"Hayss kung pwede lang akong maging ikaw. Di ko hahayaang magkaganyan ako."

Nang sinabi sakin ni Abby sakin yun nagkaroon ako ng ideya para hindi na ko hanapin ni Taba! Tinanong ko si Abby kung pwede ba siyang maging ako kahit ilang minuto lang at para di na maghintay sakin si Taba.

"Huh! Sandali bat ako?"

"Abby! Alam naman nating ikaw lang ang pinaka maganda sa ating dalawa kaya naman kung hindi alam ni Taba na ako ikaw malamang na sasabihin niya na ako nga talaga ikaw dahil alam niya o nakatatak sa isipin niya na maganda pa rin ako."

Biglang nanahimik si Abby at nagisip isip. Tinanong niya ko matapos niyang magisip.

"Kim kung magiging ako ikaw? Pano yung mga memory niyo na baka itanong niya sakin?"

"Naiisip ko nayan kanina Bie. Ang gagawin mo lang kakausapin mo siya at kakamustahin mo siya kung wala kang alam sa sinabi niya nasa likod mo lang ako para malaman mo kung ano yung sasabihin mo. Ok?"

Malamang Abby paba tatanggi sakin? Kaya naman pumayag na si Abby sa pinagusapan namin. Matapos nun tumawag ulit ako kay Taba kung nandun paba siya at tama lang dahil nandun pa siya. Kaya nagpunta na kami ni Abby at sinimulan na namin ang pagpapanggap namin.

Habang naghihintay na si Taba nagready na kami ni Abby. Kaya naman ako tinawagan ko na si Taba.

"Hello Taba? Nandyan na ko san kana ba?"

"Katelyn! Uhm? Oo nandito pa ko nasan kana ba? Nandito ko sa pinag usapan natin kanina."

Kaya naman pinapunta ko na si Abby para kausapin si Taba. "Abby! Go na! Gogogogo galingan mo ahh!" At lumapit na nga si Abby kay Taba.

"Uhm... Nicholas?" Humarap si Taba sa harapin ni Abby.

"Huh! Katelyn! Kamusta kana!? Hahaha! Ikaw nga yan! Wow! Maganda ka parin talaga kahit noong mga bata pa tayo." Nagulat ako sa pangyayare na biglang niyakap ni Taba si Abby.

Biglang sumakit ang puso ko at parang paluha nanaman ang mga mata ko pero napaisip ako hindi ko malaman kung bakit ganun ang mga reaction ko. Hindi naman kami ni Taba para masaktan ako ng ganito? Kaya naman pinabayaan ko nalang yun at tuloy parin ang paguusap ni Abby at Taba.

"Uhm... Ok lang naman ako Nicholas. Eto ganun parin ang buhay." Sagot ni Abby.

"Ahh... Uhm Katelyn malalim narin ang gabi noh? Uhmm gusto mo bang ituloy nalang natin to bukas?"

Di alam ni Abby ang sasabihin niya pero bigla nalang ako namangha sa sinabi niya.

"Huh! Uhm... Nicholas hindi na kasi ako pwede bukas dahil aalis narin ako at bukas na ang flight ko papuntang Tondo."

"Huh! Haha... Galing naman ng tadhana natin. Nagkita nga tayo pero mukhang sandali lang dahil aalis ka narin pala."

"Sorry Nicholas at hindi ko rin pala nasabi say simula palang. Sana mapatawad mo ko?"

"Okay lang Katelyn. Sulitin nalang natin tong gabing to? Para makapagkamustahan naman tayo. Pwede?"

"Ganun ba sige pwede naman." Kaya naman nagusap na sila Abby at Taba. Ako naman? Yun tumutulong parin ako kung sakaling di alam ni Abby ang mga kinukwento ni Taba.

You're The BossWhere stories live. Discover now