Kabanata 26

310 5 1
                                    

Kabanata 26
Under the Rain

After that day, hindi na muna bumalik dito si Yael. Maybe because Lolo told him to give me some space. Let me breath and think.

I'll be a hypocrite kung sasabihin kong hindi ko nami-miss si Yael. 'Coz seriously? I missed him damn much. I want to see him, I want to hug him, I want to hear his goddamn voice and his naughtiness. Pero nahihirapan ako. Alam ko sa sarili kong napatawad ko na siya. Oo, mabilis. Pero wala, eh. Mahal na mahal ko siya. Kung pagpapakatanga na itong ginagawa ko, handa kong gawin ito paulit- ulit. Handa akong magpaka- tanga para lang sa kanya.

Pagbaba ko ng kwarto, sa hagdan pa lang ay naririnig ko na si Lolo na may kausap. Nang makita ko siya, nakatayo siya at hawak- hawak niya ang cellphone niya. Minsan may signal naman sa lugar na ito. Kaya lang malimit lang na mahina kaya laging emergency calls lang ang gumagana.

" What? Bakit ang bilis naman ata? I thought sa katapusan pa ng taon? 3 months na lang naman, bakit hindi pa tapusin?" sabi ni Lolo sa taong kausap niya sa kabilang linya.

Sandaling natahimik si Lolo. " Ano? Papunta na rito? Hindi na ba pwedeng ipagpaliban? Ngayon lang ulit kami nagkasama...." muling hayag ni Lolo, bakas ang lungkot sa kanyang boses.

Hindi ko na masyadong nasundan pa ang sinasabi ni Lolo sa kausap niya. May kung anong kaba ang siyang bumalot sa akin. Shit! Bakit? What's this?

Muli ko sanang papakinggan ang pinag- uusapan nina Lolo ng marinig ko ang boses ni Manang mula sa likuran ko. Napalingon ako sa kanya at nakita ko siyang kalalabas lang ng kusina. Pinupunasan niya ang kamay gamit ang basang hawak niya.

" Oh, Lorraine. Halika na dito kakain na..." pag- aaya niya sa akin.

Napalingon siya sa direksyon ni Lolo na kanina ay tinitignan ko. " Naku, Lorraine. Bawal makinig sa usapan ng mga matatanda. Halina, kakain na tayo..." muling pagyakag niya.

Tumango ako at nagsimula ng lumakad papunta sa kusina. Tahimik akong umupo sa pwesto ko. Samantalang si Manang ay naroon lamang, nakatayo at nakamasid sa bawat galaw ko. Meron bang problema?

" Bakit hindi mo siya kinausap, Lorraine?" panimulang tanong niya.

Napatigil ako sa pagsubo ko ng pagkain ng magtanong si Manang. Kahit hindi niya sabihin ang pangalan ng tinutukoy niya ay kilalang- kilala ko na ito. Hindi ako sumagot.

" Alam kong wala akong alam sa nangyari sa inyo. Pero isa lang ang masasabi ko. Kita naman na mahal mo siya at mahal ka rin niya. Kaya habang maaga pa, ayusin niyo na ito. May pagaalangan ka ba sa nararamdaman niya? Dapat ikaw mismo, sa sarili mo Lorraine, dapat alam mo ang totoo. Hindi mo ba nararamdaman ang pagmamahal niya? Alam kong ramdam mo iyon..."

Tinignan ko si Manang. Ngumiti ako ng pilit sa kanya. Itinuon kong muli ang aking pansin sa pagkain. Maya- maya ay nakita kong pumasok na sa kusina si Lolo. Tapos na niya atang kausapin ang kaninang kausap niya sa cellphone niya.

Napakunot- noo ako ng makitang parang hindi mapakali si Lolo at parang lungkot na lungkot. Tinawag niya si Manang. Pareho silang lumabas ng kusina.

Naiwan akong mag- isa rito. Huminto ako sa pagkain. Patuloy na nanunumbalik sa akin ang mga kataga ni Lolo, yung explanation ni Yael at ang kani- kanina lang na litanya ni Manang.

Dapat ba kinausap ko si Yael? Dapat ba pinakinggan ko siya? Ang daming tanong sa isip ko. Siguro nga tama sila. Dapat kausapin ko si Yael. Mahal ko siya. Tama rin si Lolo. Natural lang na masaktan ang tao dahil nagmamahal sila. At kapag nagmahal ka, kaakibat nito ang sakit.

Bukas na bukas rin ay kakausapin ko siya. Matagal- tagal na rin naman kaming magkakilala. Kahit na hindi ko alam ang buo niyang pagkatao ay minahal ko siya. Minahal ko siya hindi dahil sa alam ko ang buong buhay niya, minahal ko siya dahil sa kung ano siya. Kung ano ang pagkataong ipinapakita niya sa akin.

That Naughty ProbinsyanoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon