Kabanata 13

383 5 0
                                    

Kabanata 13
Chance

Buong araw ata akong naii- stress. Ugh! Hindi naman sa hindi ako masaya dahil andito yung mga kaibigan ko, kaya lang... bakit ba nila kailangang isama dito yung si Levin. Oo, iyong hinayupak kong EX. Past na nga bakit kailangan pang umeksena sa present? At ito pa! Itong pang si Arnie! Jusko! Ayoko ko sanang sabihin ito pero gosh! Hindi ko akalain na may kakatihan rin pala iyon? Akala mo tatahimik lang yun pala nasa loob ang kulo. Dalawang araw. Dalawang araw na niyang nilalandi si Yael. God! Tapos ang nakakaasar pa, kapag kausap ko si Yael, eh sisingit siya. Sarap nilang pag- untugin ni Levin- gago eh. Shit! Then, isama na rin natin si Yael. Wiling- wili naman siya sa paglalanding ginagawa ng kaibigan ko.

" Baka naman mapino mo na yang giniling na baboy, apo.."

Napahinto ako at napalingon ako kay Lolo na kakapasok pa lang ng kusina. Naramdaman ko ang pag- init ng pisngi ko dahil sa kahihiyan.

Grr.. Bakit ba ako naiinis sa pinaggagawa ni Arnie at Yael? So what kung maglandian sila? Bakit parang ang big deal para sa akin no'n?

" Ayos lang iyan, Lolo. Ayaw nyo nun, hindi na kailangan nguyain. Pagsinubo, lunok na agad." Ewan ko lang kung nahalata ni Lolo ang tinatago kong pagkaasar sa aking boses.

Napatawa naman si Lolo. Matapos no'n ay muli na siyang umalis sa kusina. Kasabay naman ng pag- alis ni Lo ay siya namang nakita kong pagpasok sa kusina si Yael. Nakasunod naman sa kanya si Arnie. Parang aso lang eh no?

" Yael!" tawag ko sa pangalan niya.

Lumingon naman siya sa'kin. At ngumiti. " Bakit, Miss?" he asked.

Nakita kong napatingin si Arnie sa akin. There's sadness in her eyes. Bakit? Naalala ko tuloy ang pag- uusap namin ni Arnie noong unang gabi niya rito.

* FLASHBACK*

" Lorraine.."

Narinig ko ang mahinang pagtawag ni Arnie sa pangalan ko. Mahina lang ang boses niya dahil dis- oras na ng gabi at tulog na rin si Kaye. Nasa iisang kwarto lang kami. Muli niyang tinawag ang pangalan ko. Umungol ako para malaman niyang gising pa ako. Bakit ba nang- iistorbo pa siya? Can't she see? Natutulog na ako?

Bumangon siya at pumunta sa hinihigaan ko. " May gusto sana akong itanong..."

Pupungay- pungay akong bumangon at umupo. " Hmm.... ano ba iyon?" tanong ko pabalik habang kinukusot- kusot ang aking mata.

" Ano... Ano kasi.... si Yael...." Parang nawala ang antok ko ng marinig ang pangalan niya. What? What about Yael?

" Bakit? Anong meron kay Yael?" I asked.

" May girlfriend na ba siya?" tanong niya ulit.

Umiling ako bilang sagot.

" Eh, nililigawan?"

Napa- kibit balikat ako. Hindi ko alam, pero wala naman akong nakikitang nililigawan nun dahil ako lang naman ang babaeng lagi niyang nakakasama. May ilang nagpapansin pero hindi naman iyon pinapansin ni Yael. Hindi ko nga alam sa lalaking iyon, eh.

" Bakit mo tinatanong?" Kahit na may hint na ako ay ginawa ko pa ring tanungin iyon.

Ilang segundo siyang natahimik bago sumagot. Parang naghahanap ng mga tamang salitang sasabihin o di kaya naman ay nag- iisip kung sasagutin pa ba niya ang tanong ko. And then I heard her deep sigh.

That Naughty ProbinsyanoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon