Kabanata 24

319 5 0
                                    

Kabanata 24
Kristel

" Okay na ba? Nabili mo na ba ang mga nakalista?" paninigurasong tanong niya.

Napatingin ako kay Yael muli kong ibinalik ang tingin sa isang 1/2 crosswise na papel na hawak ko kung saan nakalista ang mga supplies na bibilhin namin.

I pouted my lips. " Eto na nga, eh. Tinitignan ko pa..." sabi ko.

Maingat na sinuyod nang paningin ko ang buong listahan. I checked if all the supplies needed were complete para hindi na kami pabalik- balik. Nang satisfied na ako ay muli akong lumingon sa kanya at nginitian siya. " Yup. Okay na. Tara sa cashier?" pag- aaya ko.

Nagsimula na kaming maglakad ni Yael papunta sa cashier. Nakasunod lamang ako habang siya ay tulak- tulak ang cart na laman ang mga pinamili namin.

Nasa bayan kami ngayon. Dapat ay si Manang na lamang ang mamimili subalit nagpumilit ako. Nag- aya kasing magsimba si Yael kaya naman napagpasyahan na lamang namin na isabay na rin ang paggo- grocery para isa na lamang lakaran. Mahal kasi ang pamasahe papunta sa bayan kung magmumula ka sa lugar namin kaya mas makakamura kami kung ganitong isang lakaran na lamang.

Nang makapila kami sa counter. Pansin ko ang paninitig ng ibang mga babaeng nasa unahan namin. Hindi ako ang tinitigan nila kung hindi ang lalaking katabi ko. May ilang mga babae pa ngang pasimple kung magpapansin. Naku! Asa naman kayong papansinin kayo ni Yael. Ako lang ang apple of the eye niya. AKO LANG!

Napa- irap ako ng lumapit ang isang babae kay Yael. " Hey, Handsome..." pag- agaw ng pansin niya rito.

Napaangat naman ng ulo si Yael. Tinignan rin niya ang babae. Napairap ako sa hangin at napanguso. Tinignan ko ang babae from head to toe. Nakita ko namang ngiting- ngiti si Yael na nakikipag- usap sa babae. Naku! Kung nakamamatay lang ang masamang tingin, kanina pa walang malay na nakahandusay at hindi na humihinga ang epal na babaeng ito. Grr...

Ikinawit ko ang braso ko kay Yael at hinila siya papalapit sa akin. Napalingon naman sa akin si Yael na pilit na itinatago ang pilyong ngiti sa labi. Sa gilid ng mata ko, tinignan ko ang babae at nakita kong napataas ang kilay niya sa ginawa ko. Lakas ng loob nitong taasan ako ng kilay! Let me teach you a lesson, bitch! Hindi mo kilala kung kanino ang lalaking nilalandi mo.

In one swift motion, I kissed Yael on the lips. Saglit lang dapat iyon pero biglang iginalaw ni Yael ang labi niya. Kaya ang saglitang halik ay tumagal ng sampung segundo.

Hinarap ko ang babaeng lumalandi kay Yael kanina. Nakita ko naman siyang nagwalk- out dala dala ang cart niya. Maging ang ilang babaeng kanina pa nakatitig kay Yael ay napaiwas rin.

" Ay, may girlfriend pala. Sayang." rinig kong sabi nung isang babae. Palihim akong napangiti. Mabuti at alam mo! Tseh!

Naramdaman ko ang paghapit sa akin ni Yael sa bewang para mas mapalapit ako sa kanya. " I know what you did earlier, Miss. Jealous, huh?" he whispered. Kahit na hindi ko siya nakikita alam kong he's grinning from ear to ear.

I looked at him in the eye. " So what if I'm jealous, Mister? May magagawa ka ba roon?" I hissed.

Mas lalong lumaki ang pagkakangiti niya. " Wala. Pero you can do something about that, Miss. Mark me, own me.." he whispered in my ears huskily.




Matapos naming mag- grocery ay pumunta kami ng simbahan. Hindi na namin naabutan ang misa dahil pagdating namin ay patapos na ito. Kung kaya nagdasal na lamang kami sa loob.

Habang nakaluhod. Nakapikit akong nagdadasal.

' Lord, thank you for all the blessings na natatangap ko at ng pamilya ko. Sana po, palagi niyo kaming gabayan at protektahan araw- araw. Sorry po para sa mga nagagawa kong kasalanan. Lahat ng tao ay hindi perpekto, marami kaming pagkakasala, pero nagagawa niyo pa rin kaming patawarin.'

That Naughty ProbinsyanoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon