Kabanata 20

342 6 0
                                    

Kabanata 20
Friendship

Tatlong araw nang sunud- sunod na nagpupunta rito si Yael para manligaw. Ni isang araw ay wala pa itong mintis. Napapahanga nga ako sa angkin niyang katiyagaan. Kahit na pinapahirapan siya ni Lolo ay hindi niya inaalintana ito. Alam ko namang nakikita ni Lolo iyon. At kahit na hindi gawin iyon ni Lolo, alam kong nakikita naman niya na mahal na mahal ako ni Yael. Protective lang talaga si Lolo.

Sa hapagkainan, walang kaimik- imik ang lahat. Ramdam ko ang pagiging awkward sa buong paligid at hindi ako masanay- sanay sa ganoong sitwasyon. Noong bagong dating kasi nila, sobrang ingay namin. Pero ngayon, sobrang.... I can't say the right word to describe kung gaano kabigat ang awra sa paligid.

" Eto, Lorraine..." si Yael habang nilalagyan ng gulay ang plato ko.

Napangiti ako sa kanya and I mouthed ' thank you' nawala ang ngiti sa aking mga labi ng marinig ko ang pagbagsak ng kutsara sa sahig.

Pare- pareho kaming napatingin sa direksyon ni Arnie. Sa kanyang kutsara kasi ang nahulog.

" Sorry..." awkward na paghingi niya ng paumanhin bago yumuko at kinuha ang bumagsak na kubyertos.

Muli ko siyang tinignan pero umiwas siya sa aking tingin. Parang ayaw niyang makasalubong ang aking mga mata.


Nagpupunas ako ng kamay nang biglang pumasok sa kusina si Arnie. Kakatapos ko lang maghugas ng pinggan. Magmula nang insidenteng iyon sa kwarto kung saan kami nakita nina Lolo, hindi na ako nilapitan ni Arnie at Levin. Kahit na inis na inis ako noon kay Arnie, mas nanaig pa rin sa akin ang pagkakaibigan namin ngayon. Ever since my mom died, sila ni Kaye ang nariyan sa tabi ko. Nung mga time parang may malaking pader sa pagitan namin ni Dad. Sila yung nandiyan sa tabi ko through my ups and down. Sila yung napagsasabihan ko ng lahat ng hinaing ko.

Kumuha lang siya ng tubig. Mataman ko siyang inobserbahan. Ramdam ko ang panlalamig ng pakikitungo niya sa akin. And I feel so guilty about that. Oo, nainis ako sa kanya dahil sa pagiging desperada niya. Yung pagiging clingy niya kay Yael na wala na sa lugar. Pero masisisi ko ba kung ganoon siya? Never siyang nagkaroon ng boyfriend. Ni wala naman siyang manliligaw.

Aalis na sana siya ng magsalita ako. Sobrang hesitant pa nga ako kung kakausapin ko siya pero mas nanaig yung kagustuhan kong mag- kaayos kami.

" Arnie..."

Nilingon naman niya ako. Pero hindi ko mabasa yung reaksyon niya. Lumapit ako sa kanya. Hindi naman siya gumalaw sa kinatatayuan niya. " Can we talk?" I asked her.

Hindi siya nagsasalita. Silence filled the entire room. After a few minutes ay nagawa na niyang magsalita. " What do you want to talk about?" malamig na tanong niya.

Hinila ko siya palabas ng bahay. Mabuti na lamang at hindi siya nagpumiglas, nagpatianod siya sa aking paghila. Nadaanan pa nga namin si Kaye. Nagtataka siyang tinignan kaming dalawa. Subalit mabilis naman niyang natanto kung ano ang gagawin ko. Susunod sana siya sa amin but I gestured her na huwag kaming sundan kaya nanatili na lang siya sa pwesto.

Inalis ko ang pagkakahawak ko sa kanya ng makalabas na kami. " Ano bang gusto mong pag- usapan, Lorraine? Why do we need to go outside?" ramdam ko ang inis base sa tono ng pananalita niya.

Pumikit ako ng mariin. Humugot ako ng malalim na hininga.
" I'm sorry, Arnie..." Finally, I said it.

She stared at me, nakakunot- noo. Muli, katahimikan na naman. Nabasag ang katahimikan ng sarkastiko siyang tumawa. " Sorry? You're sorry for what, Lorraine? Sorry kasi inagaw mo sa akin si Yael? Sorry for acting like a bitch to me? Sorry for hurting me? Ano? Saan ka ba nagsosorry?" and there she bursted out.

Napapikit ulit ako. Napayuko. " Sorry for everything," sincere kong sinabi. I am really, really sorry.

Tumawa ulit siya. " Wow, huh? Ngayon ka pa talaga nag- sorry, huh? Alam mo namang gusto ko si Yael! As a friend, I was expecting you to support me! Pero ano? Sinulot mo siya! You seduced him, Lorraine!" sinabi niya atsaka ako dinuru- duro

Napailing ako. " No, I didn't! I didn't seduced him kasi mahal ko na siya---" isang malutong na sampal sa kanang pisngi ko ang nagpahinto sa akin mula sa pagsasalita. Napahawak ako sa pisngi ko. Ramdam ko ang hapdi ng pagtama ng kanyang palad sa aking balat.

" You loved him? Kung mahal mo pala siya? Bakit hindi mo sinabi? Why didn't you tell me? Bakit mo kailangang i- bitch out ako Lorraine? Why?" Muli niya pa akong sinampal, ngayon sa kabilang pisngi naman. Napapikit muli ako.

" Kasi, huli na ng marealize kong mahal ko siya! I realized it when he was already with you!" pahayag ko.

" Nainis ako. Kasi before, ako yung lagi niyang kasama! Ako yung laging nagpapatawa sa kanya! And when you came, nagbago ang lahat. He changed. And I hate his changes! Gusto ko yung Yael na pilyo. Iyong kapilyuhan na ako lang ang nakakita! Hindi iyong ganito.. hindi niya ako pinapansin. Yung binabalewala niya ako. I used to be the only girl na nakakalapit sa kanya.. yung sobrang close."

Tinignan niya ako ng masama. " So, kaya ka pala naiinis sa akin? Kasi nagseselos ka?!"

Natahimik akong bigla. I wasn't able to talk kasi nakuha niya yung nais kong iparating.

" Alam mo, Lorraine? Sa ating dalawa ako yung selos na selos sa iyo? You know what..." she paused for awhile at himinga ng malalim.

" Everytime na magkasama kami ni Yael, he always talked things about you. Alam mo yung tipong kami ang magkasama, ako yung kasama niya. Pero ikaw yung laman ng isip niya?"

She's now faking a smile. Kita ko ang pangingilid ng mga luha niya. " Ang manhid mo, Lorraine. Sobrang manhid mo! Kung tutuusin nga, ang dali lang mabasa ni Yael. Iyong way ng pagtingin niya sa iyo? Makikita na may nararamdaman siya para sa iyo!"

Napatitig ako sa mukha Arnie. She's now crying at the same time, she's also wiping the tears that fell down on her cheeks. " At eto pang mas matinde! Ako naman itong si tanga. Sige pa rin. Sige pa rin sa paglapit sa kanya. Pilit na ipinagsisiksikan ang sarili ko sa kanya..."

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil may pumatak na luha gaking sa aking mga mata. "Hush. I'm sorry, Arnie..."

Humiwalay siya mula sa pagkakayakap ko. Muli niyang pinahid ang kanyang luha habang umiiling. " I'm sorry too, Lorraine. Sorry if I caused you pain. Kung mahal niyo talaga ang isa't isa. Handa akong magparaya. But promise me one thing, Lorraine. Mahalin mo siya..."

Napatango ako. I'll promise, Arnie. Mahal na mahal ko si Yael.

Naramdaman ko ang pagyakap pabalik sa akin. Sa araw na ito may narealize ako. Kahit na ano mang pagsubok ang pagdaanan niyo, kahit na gaano pa karaming bagay ang sumubok na sirain kayo. When the bond between the both of you is strong, talagang mas mananaig ang friendship more than anything else.

That Naughty ProbinsyanoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon