Kabanata 16

371 6 0
                                    

Kabanata 16
Bitchy Lorraine

Kinabukasan, sobrang maaga akong nagising. Mga alas- singko ata ng madaling araw iyon. Medyo madilim pa nga ang kalangitan at medyo malamig pa ang samyo ng hanging dumadampi sa aking balat.

Tahimik pa ang buong paligid, palatandaan na nasa kahimbingan pa ng kani- kanilang tulog ang mga kasama ko.

Paglabas ko ng bahay ay naabutan ko si Manang Lucy na nagwawalis sa bakuran dahil maraming dahon ang nagkalat sa paligid na galing sa mga punong naririto.

" Oh, Lorraine. Ang aga mo naman atang nagising," bati niya ng mapansin niya ang presensya ko.

Ngumiti ako pabalik. " Medyo hindi po kasi naging maganda ang tulog ko, eh..." sagot ko naman dito.

Kunot- noo niya akong tinignan. " Bakit, Iha? Binangungot ka ba kagabi?" takang tanong niya.

Dahil sa sinabi ni Manang, muling nagbalik sa alaala ko ang nangyari noong nakaraang gabi. Damn, Levin! That asshole! And Arnie, too. Kapag naaalala ko iyon, lalong nag- iinit ang ulo ko at para bang kumukulo ang dugo ko.

" Parang ganoon nga po, Manang...." sinubukan kong itago ang pagka- iyamot ko. At sa tingin ko naman ay nagtagumpay ako. " Ah sige, Manang. Maglalakad- lakad po muna ako. Baka sakaling lumamig--- este malimutan ko yung panaginip na iyon," pagpapaalam ko.

Nakita ko ang oagtango niya bilang pagsang- ayon kaya naman ay nagsimula na akong maglakad.

Habang naglalakad ako, may nakasalubong akong isang grupo ng mga lalaki. Base sa mga itsura nila, mukhang maglalaro ata ang mga ito ng basketball. Kilala ko ang dalawa dahil kasama ito ni Yael noong una kaming nagkakilala. I know their faces but I forgot their names. I'm not really good when it comes on memorizing names.

Hindi ko na sana papansin ang mga ito subalit tinawag ako ng isa sa kanila.

" Lorraine," tawag sa akin ng isang lalaki.

Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan. Napa- whoa naman siya. " Ang suplada mo talaga," komento niya sabay tawa. " Buti at nagagawa kang tagalan ni Yael..." dugtong pa niya sa naunang pahayag.

Nagkomento rin ang isa pa. " Oy, ano ka ba Eriol. Paano hindi matatagalan ni Yael iyan... eh di ba--- Aray!" hindi na niya naituloy pa ang sasabihin dahil siniko siya nung si Eriol. Matapos ng pagsiko ay binatukan pa siya ng lalaking nagngangalang Eriol.

" Sige, Lorraine. Mauna na kami..." paalam ng isa pa nilang kasama. Nagsimula na silang maglakad habang hinihila yung isa pa nilang kasama.

" Ano ba, huh? Nakakadalawa ka na!"

" Ang daldal mo kasi eh!"

Ilan lang iyan sa mga linyang narinig ko mula sa kanila bago sila tuluyang makalayo. Napailing- iling na lamang ako at nagpatuloy na sa muling paglalakad.

Saktong magbe- breakfast na ng magbalik ako ng bahay. Naabutan ko silang lahat na nasa harap na ng hapag kainan. Kumpleto sila, si Lolo, si Kaye, si Levin- gago at si Arnie. Naku! Pangalan pa lang niya. Kumukulo na ang dugo ko eh. Ah... may nakalimutan ako. Naririto rin pala si Yael. Ano pa bang bago doon? Araw- araw namang naririto iyang lalaking iyan. Halatang at home na at home.

" Saan ka galing, apo?" tanong ni Lolo ng makaupo ako sa silya ko.

" Diyan lang po, Lo. Nagpahangin. Masyado na kasing polluted dito. Kaya kinakailangan kong makalanghap ng malinis at preskong hangin..." sagot ko naman. Pinagkadiinan ko pa yung huling salita.

Pasimple kong tinignan si Arnie na ngayon ay pinaghahainan ng pagkain si Yael. Napatiim bagang ako. Hanggang dito ba naman?

" Hindi ko alam na slave ka na pala ni Yael, Arnie? Or acting wife ka na pala...." I said sarcastically to her.

That Naughty ProbinsyanoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon