Kabanata 27

396 6 0
                                    

Authors Note: Warning. SPG




Kabanata 27
I love You

Habang bumubuhos ang malakas na ulan, panay rin ang pagbuhos ng mga luha ko mula sa aking mga mata. Medyo masakit na rin ang mata ko hindi lang dahil sa kakaiyak kundi pati na rin sa tubig ulan. Nanginginig na rin ako sa lamig dahil basang- basa ako hanggang sa aking undergarments.

Punung- puno ng putik ang paa ko hanggang sa aking binti. Baha na rin ang nilalakaran ko. Pero hindi ako nagpatinag. Pinuntahan ko ang bahay ni Yael. Walang ibang maririnig na ingay sa paligid kundi ang pagbuhos ng malakas na ulan. Kumatok ako sa pintuan. " Yael?! Yael?!" tawag ko. Napahilamos ako ng mukha.

Nang walang sumagot ay napagpasyahan kong sumilip sa nakabukas na bintana. Baka tulog lang siya. Pero wala akong makitang tao sa loob.

Bagsak ang balikat akong umalis sa bahay niya. Napatingala ko. Yael... Asan ka na ba?

Habang naglalakad ako palayo, naalaala kong hindi lang pala ito ang maaari niyang puntahan. Tama. Sa kubo. Para akong nabuhayan loob.

Patuloy akong naglalakad sa baha. Napatigil ako at napadaing ng may maramdamang matulis na bagay ang gumuhit sa binti ko. Napaluhod ako. Nakita ko ang isang nakausling alambre. Nakita kong dumudugo na ang sugot na nahiwa ng alambre. Pinulot ko ang alambre tsaka itinapon sa malayo.

Kahit na may sugat, nagpatuloy ako sa pagtahak papunta sa kubong madalas naming pagtambayan noon.

Makalipas ng ilang minutong lakaran ay naaninag ko na sa malapit ang kubo. Kahit may iniinda, nagawa ko pa ring tumakbo. May nakita akong ilaw galing sa loob ng kubo. At hindi sa kalayuan, nakita ko ang kanyang kalabaw na nakatali sa puno ng mangga. Paniguradong narito lang siya. Nang makasilong ako sa kubo ay siya namang pagtindi lalo ng ulan. Napatili ako ng biglang nakita ko ang pagguhit ng kidlat at kasunod noon ay ang pagdagungdong ng malakas na kulog.

Nakapikit akong sumandal sa dingding ng kubo. Halos mapamura ako ng biglang may humawak sa braso ko. Pagmulat ko ng mata, bumungad sa akin ang nag- aalalang mata ni Yael. Damn!

Walang anu- ano ay mabilis ko siyang niyakap. Napahagulgol ako ng maramdaman ko siyang yumakap pabalik sa akin. Kaya hinigpitan ko ang yakap ko. Alam mo yung pakiramdam na ayaw kong humiwalay sa kanya? Dahil sa oras na humiwalay ako, pakiramdam ko ay tuluyan na siyang malalayo sa akin? Ayaw ko ng ganon. Ayaw ko nang muling makaramdaman ang ganoon.

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin kahit na ayaw ko. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinunasan ang luhang naglalandas sa aking pisngi.

" Hush, Lorraine..." pag- aalo niya sa akin. Pero hindi naging sapat iyon para bawasan ang bigat na nararamdaman ko. At ang katotohanang iiwanan ko siya.

Inayos niya ang buhok kong basang- basa. Inipit niya ang ilang nagdikit- dikit na hibla sa likod ng tenga ko.

" Ano bang ginagawa mo rito? Bakit ka nagpa- ulan?" Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Nananatili ang tingin niya sa binti ko. Narinig ko siyang nagmura. At sa isang iglap lang ay naramdaman ko ng buhat- buhat na niya ako.

Napayakap ako sa kanya ng biglang kumulog ng malakas. Ibinaon ko ang mukha ko sa leeg niya. I felt his breath suddenly become raged.

Pumasok kami sa loob ng kubo. Pina- upo niya ako sa papag na naroon. Nang maiupo niya ako ay tsaka siya tumayo. Hinubad niya ang pang- itaas niyang damit at tsaka pinunit ito. Kahit na malakas ang ulan rinig na rinig ko ang pagpunit niya rito.

" Bakit mo pinunit ang damit mo?" tanong ko sa kanya.

Sinamaan niya ako ng tingin. " Huwag ka ng mag- inarte, Lorraine. Kita mo ba iyang binti mo? Dumudugo na? Gusto mo bang maimpeksyon iyan?"

That Naughty ProbinsyanoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon