Kabanata 19

370 7 0
                                    

Kabanata 19
Ligaw 101

Kinaumagahan, tanghali na ako nagising. Hindi naman totally tanghali, kaya nga lang sikat na sikat na ang araw. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi. Dahil hindi ako pinatulog ng halik na iyon ni Yael. Punyeta! Sa tuwing pipikit ako, parang nararamdaman ko pa rin ang labi niya. Ang mainit, malambot, masarap at eksperto niyang labi.

" Hoy, Lorraine! Bakit namumula ka diyan? Bumangon ka na nga! Nasa baba na iyong manliligaw mo. Kanina ka pa hinihintay!" sabi niya, naramdaman ko ang paghila niya sa kumot na nakabalot sa akin.

Nanlaki ang mata ko at mabilis na napabangon. What the heck?

" Oy! Oy! Saan ka pupunta?" pigil ni Kaye sa akin ng bubuksan ko na sana ang pinto. " Huwag mong sabihin sa akin na haharap ka sa kanya ng ganyan ang itsura mo?"

Kunot- noo ko siyang sinalyupan. Oh my god! Ngayon ko lang naalala. Hindi pa pala ako nakakapaghilamos, toothbrush at nakakapagsuklay. Dali- dali akong humarap sa salamin para i- check ang sarili ko. Nice. May morning star pa ako, magulo ang buhok at syempre--- wala akong panis na laway. Hinablot ko ang tuwalyang nakasampay sa likod ng pinto. Maghihilamos ako sa baba wala kasing banyo rito sa itaas.

Iiling siya ng makita ko. Binuksan ko ang pinto. Bago ko pa maisara ay narinig ko pa siyang nagsasalita. " Napaghahalataan ka masyado,Lorraine. Na- miss mo ba agad si Yael?" Narinig ko rin siyang humagikhik.

" Tseh!" Iyon lamang at nangingiti akong bumaba.

Walangya talaga iyong si Kaye. Mabuti na lamang at hindi siya nagalit sa akin kagabi. Kasi nga di ba? Gusto ni Arnie si Yael at heto ako't parang inagaw si Yael sa kaibigan namin. Pero nakakagulat pa rin yung reaksyon niya.

Nang makababa ako ng hagdan ay sinilip ko pa kung nasa salas si Yael. Napahinga ako ng maluwag ng makitang walang tao roon. Mabuti na lang. Nakakahiya kapag nakita niya ako na ganito ang itsura ko. Baka ma- turn off siya sa akin.

Liliko na sana ako papunta sa banyo ng biglang pag- ikot ko ay tumambad sa akin ang mukha ng nakangiting si Yael.

" Ay Kalabaw!" gulat na sambit ko. Napatakip naman ako sa bibig ko. Hindi lang dahil sa nasambit ko kundi dahil hindi pa ako nakakapag- toothbrush. Yah know, morning breath.

Lumayo siya sa akin. " Grabe ka talaga, Miss. Sa gwapo kong ito? Talagang kalabaw? Hindi ba pwedeng ' Ay gwapong prinsipe!' " sabi pa niya while mimicking my voice.

Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi dahil sa sinabi niya kundi nahihiya talaga ako.

" Ewan ko sa'yo, Yael! Tabi ka muna! Maghihilamos ako sa banyo..." sabi ko sa kanya. Tumabi naman siya sa dadaanan ko. Pero habang naglalakad ako ay sinusundan naman niya ako.

" Bakit ka ba nakasunod?" baling ko sa kanya.

" Sinisigurado ko lang na walang aaligid sa iyo. Mahirap na baka maunahan pa ako..." mahinang sabi niya.

" Ano?!" Kunwari hindi ko narinig pero ang totoo, malinaw na malinaw kong narinig ang sinabi niya. Gusto ko lang ulit marinig.

" Wala. Sabi ko bilisan mo diyan..."

Napanguso ako sa sinabi niya. Hindi man lang inulit. Di ba le na. Walang makakaagaw sa akin, Yael. Sa'yong- sa'yo lang ako.

Pumasok na ako sa banyo samantalang siya'y nagpaiwan sa labas. Habang naghihilamos ay naririnig ko siyang magsalita. " Bakit kasi kailangan mo pang maghilamos? Pwede namang hindi na..."

Napatigil ako sa ginagawa ko. " Manahimik ka, Yael. Baka gusto mong hindi kita sagutin?"

Napatawa naman siya. " Grabe ka naman, Miss. Gusto ko lang namang sabihin, kahit hindi ka maghilamos, kahit na magulo ang buhok mo. Kahit na ano pa man ang maging itsura mo. For me, you're still beautiful..."

Napangiti ko. Hype na Yael! Umagang- umaga. Pinapakilig este binobola ako.

" Mambobola..." komento ko. Pero hindi ko maitatago ang pagngiti ko dahil sa mga sinabi niya. Pumasok na ako sa loob ng banyo at saka isinara ang pinto subalit hindi ko iyon ini- lock.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto. " Hindi kaya kita binibola, Miss. Kasi kahit na ano pa man ang itsura mo... hindi magbabago ang katotohanang mahal kita..."

Natahimik ako bigla. Napaiwas ako ng tingin. Leche ka, Yael! Winisikan ko siya ng tubig. " Doon ka na nga sa salas. Dami mong alam!"

Ngumiti siya at iiling- iling akong iniwan. Isinara kong muli ang pinto ng banyo. Humarap ako sa salamin. Gosh! Pulang- pula ko!

Paglabas ko ng banyo ay nakasalubong ko si Arnie. Huminto siya ng makita ako. Sinulyapan niya ako saglit at pagkatapos ay nilagpasan niya ako. I know she's mad at me. Sinabi niyang gusto niya si Yael. And now, yung taong gusto niya ay siya namang nanliligaw sa akin. Oo, nagalit at nainis ako sa kanya pero kaibigan ko pa rin siya.

Bumalik muna ako sa kwarto at nagsuklay. Pagbaba ko nakita ko si Yael at Lolo na nag- uusap. Tumikhim ako kaya napatingin sila sa direksyon ko. Ngumiti si Lolo. " Andito na pala ang apo ko. O siya sige, maiwan ko na kayo. Suyuin mo muna iyang apo ko bago mo gawin ang mga ipapagawa ko sa iyo..." Iyon lang at iniwan na kami ni Lolo.

Nakita kong may dala- dalang kahon si Yael. Lumapit ako sa kanya. Nginitian ko siya at gayon din naman ang ginawa niya. " Ano iyan?" usisang tanong ko.

Ibinigay niya sa akin ang kahon. Nangingiti kong tinanggap iyon. Ano kaya ang laman nito? Roses and chocolates?

Binuksan ko ang kahon at bumungad sa akin ang isang kahoy. Hindi siya ordinaryong kahoy dahil nakaukit roon ang pangalan ko. Hindi lang simple, dahil maganda ang pagkakaukit nito. " Ikaw ang gumawa nito?" manghang tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin at napaiwas siya ng tingin sa akin. " Oo, sa totoo lang. Matagal ko ng ginawa iyan. Balak ko sanang ibigay iyan kapag naging nobya nakita. Pero mukhang medyo matatagalan pa kaya ibinigay ko na..."

Muli kong tinignan yung kahoy. Oh my gosh! Naiimagine ko siya habang ginagawa niya iyon. Grabeng, effort!

Pagtingin ko sa kanya. Ay inilahad niya sa harap ko ang isang bungkos ng santan, tatlong haney at isang saging. Pfft... napatawa ako. What the hell!?

" Oy, huwag mo akong tawanan. Kumpara sa rosas at mamahaling tsokolate. Mas may meaning pa yung bigay ko." nangungusong sambit niya dahil sa naging reaksyon ko.

Napahalakhak ako. " Wala naman akong sinasabi , ah? Tsaka ano bang meaning niyan? Bakit santan? Tatlong haney? At bakit may saging," tanong ko.

" Ang pagmamahal ko sa iyo ay parang santan, kasi hindi mo magagawang bilangin kung gaano karami ang kaya kong gawin para sa iyo. Para ka ring haney, kahit na gaano karaming tsokolate ang iharap sa akin. Ikaw lang ang ang pipiliin ko, hindi gaya ng iba, mas gusto ko ang lasa mo. Not that too sweet at may bonus pang mani..."

Hinampas ko siya. Wengya okay na sana yung unang banat niya, eh. Bakit pa kasi sinamahan pa niya ng mani. Iba tuloy yung naisip ko.

" Eh para saan yung saging?"

" Ah wala lang. Naisip ko lang dalhin..."

Inambahan ko siya. " Joke lang. Saging, syempre ikaw kahit na gaano pa karaming prutas diyan. Saging yung pinaka- masarap. At huwag kang mag- alala. Ikaw lang ang makakatikim ng saging ko...." sabi niya sabay kindat sa akin.

Hindi ko na napigilan at nahampas ko na siya. Napahalakhak siya. Hinuli niya ang mga kamay ko at hinila niya ako papalapit sa kanya. Napasubsob ako sa dibdib niya. Naramdaman ko ang pagpulupot ng kamay niya sa bewang ko, niyayakap ako ng mahigpit. " That's what you called Ligaw 101 Yael's version. Naughty but sweet..."

Kinurot ko siya. Daming alam, eh. " Mukhang kailangan ko na atang maghanda. Mukhang magiging battered boyfriend ako ng isang Lorraine Fuego."

That Naughty ProbinsyanoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon