Pagkalabas ko. Di ko na mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Oo nagugustuhan ko na si Charles. Mahirap,mahirap pigilan pero hindi ei. Ayoko! Bat ba kase kailangan may masaktan? Pwede bang maging masaya na lang? Sino ba kase nag imbento ng problema?! Letseng pag ibig yan oh. Ang hirap maniwala. Ang hirap iparamdam kase baka sa huli di naman masuklian. Putcha ang sakit.
Naglakad lang ako papunta sa garden kung saan lagi kaming nakatambay ni Yanna. At kung saan ko inang nakilala ang unang lalaking nagpatibok at nanakit sa puso ko.
Umupo lang ako sa ilalim ng puno. Maraming ala ala dito. May masaya may malungot at may masakit.
Pumikit ako para kahit papano gumaan pakiramdam ko
"Hey Sab. I'm sorry if I hurt you. I'm sorry. I don't know your past. Si Alyanna lang nagsabi sakin na may past issues ka. Do you want to talk to me?"
Nakapikit padin ako. Kilala ko kung sino to. Boses pa lang nya tumitibok na puso ko.
"Sab ple-"
"Pwede ba tigilan mo ko? Ayoko nang masaktan. Ayoko na parang awa nyo na. Parang awa mo na. Yang pagiging sweet mo tigilan mo na din. Ayoko na please. Pagod na ko ayoko na."
Umiiyak nanaman ako. Kelan ba mauubos luha ko? Niyakap nya lang ako. Habang pinapatahan may binulong sya.
"Hindi lang ikaw ang may problema sa mundo" bumitaw sya at inangat ang ulo ko para matignan ko sya sa mata.
"Pero kailangan mong maging matatag. Alam mo ba yun? Hindi mo maiiwasan ang problemang yan. Sa nakikita ko? Malakas kang tao. Kaya mo yan Sab"
Nakatingin lang ako sa kanya. Ang pogi nya. Brown ang mata. Matangos ang ilong at pulang labi. Ngayon ko lang na appreciate ang appearance nya.
"Look sab, you can trust me. Promise"
"Okay. But promise me one thing" I think this is the right time.
"NEVER LEAVE ME"

YOU ARE READING
The Perfect Match
Fiksi RemajaPwede kayang magsama ang dalawang taong mag kaiba pag uugali at kagustuhan pati na rin pananaw? Sabrina Nicole ang babaing takot magmahal at si Nick Charles ang lalaking ubod ng kulit? Is this love story will come up into a happy ending or a broken...