vbnj

210 2 0
                                    

Pre occupied ang isip ko habang nakaharap sa black board. Simula nang lumabas si Yanna sa room at dumating ang teacher namin. Di na uli pumasok si Yanna. Di ko alam kung pano ko haharapin si Yanna gayong pinapalayo nya ako kay Charles ei sya naman ang nagtulak sakin para maging close ni Charles. Hay! Ang hirap naman intindihin ni Yanna.

Inayos ko na ang gamit ko dahil dismissal na. I want to go home na. Baka sumabog na yung isip ko kakaisip sa problemang to. Di rin nagpaparamdam si Charles simula kanina at di rin sya pumasok sa klase. Ghad! I hate my life.

Chineck ko ang phone ko dahil umaasa ako na may nagtext sakin kahit papaano.

Wala akong nakitang text ni Yanna at ni Charles pero may nakita ako unknown number

From:09*********

Hi sab. This is Nathan. Can we talk?

Napairap na lang ako sa nabasa ko. Still hoping huh! Well you shit! Get lost. Bahala ka sa buhay mo.

Nag aabang ako ng taxi sa tapat ng school namin nang nakita ko si Charles sa Parking lot. He is waiting for someone. I think? Pero diba di sya pumasok? Bakit andito sya?

Pupuntahan ko na sana sya sa pwesto nya nang maglakad sya at may sinalubong na babae. Napakunot ang noo dahil nagtataka ako bakit di sya pumasok tas may susunduin pa sya.

Nakita ko kung paano akbayan ni Charles yung babae at halikan ito sa noo. Wow! As in wow! Di lang pala sakin sya sweet madami pa ata. Tss nagsawa ba sya sakin dahil hard to get ako? Well fuck him! Fuck!

Nakitingin lang ako sa kanya. nang nagtama ang tingin namin. Mukhang nagulat sya dahil nakita ko sya pero ningisihan ko lang sya at tumalikod.

Now tell me? How can I trust someone again kung paulit ulit na lang ako niloloko. Tss bwisit

Tulala ako habang nakasakay sa taxi.

"Kuya sa frappe cafe lang po" sabi ko sa driver.

Dumiretso si kuyang driver dun at nagbayad na ako. Bumaba ako at pumasok para makapag order. Pumwesto ako sa pinakalikod.

Pagkaupo ko. Saka ko lang maramdaman yung kirot ng puso ko. After all those years ngayon na lang uli ako nasaktan. Pero FUCK! This one hurt me so much. Mas masakit to.

Sabi nila that love is all about risking. Pero mali pala. Kailangan mo rin pala maging selfish para di masaktan. Now i get it. I fuckin get it.

But i dont get it why all of those people. Why me? Bakit ako laging nasasaktan. Bakit ako ang pinipili nilang saktan!

Yung kanina ko pang pinipigilang luha ay bumuhos na. Sht i hate crying. Dahil pag umiiyak ako nagiging mahina ako. Naging mahina na ko.

Yumuko ako sa desk saka umiyak ng umiyak. Its better pala na dito ako sa likod pumwesto. Umiiyak lang ako nang may naramdaman akong humawak sa kamay ko. Pagtingala ko nakita ko si Nathan.

Ngumiti sya sakin pero yun yung ngiti na hindi man lang umabot sa tenga.

"Why are you here?" Tanong ko sa kanya habang pinupunasan ko ang luha ko gamit ang kamay ko.

"Here" may inabot sya sakin na panyo. Tinignan ko lang ang panyo at tinignan ko sya. Pabalik balik ang tingin ko sa kanya at sa panyo.

"Alam mo bago mo pa mapunasan yang luha mo tuyo na yan" pabiro nyang sabi aakin. Kinuha ko yung panyo at pinunasan ang luha ko

"Pwede mong singahan yan" nakangisi nyang sabi.

Inirapan ko lang sya at uminom ng frappe ko. Tahimik lang kaming dalawa. Siguro mga 25 min na kaming tahimik. Ni walang naglakas loob na magsalita samin.

Nakatingin lang ako aalabas ng nagsalita sya.

"What's your problem?" Napakunog ang noo ko sa sinabi nya.

"Anong klaseng tanong yan?" Tanong ko sa kanya.

"Tanong ng isang taong nag aalala?" Sarkastiko nyang sabi.

"Wala ka na dun kung may problema ako. Wala ka din namang matutulong." Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa labas.

"Is it about Charles?" Nagulat ako sa tanong nya.

Should I tell him my problem? I dont know what to do anymore

The Perfect MatchWhere stories live. Discover now