"Friend ano ba?! Ano bang nagyayare sayo? May problema ka ba?" Tsk
"Oo Alyanna. Yung mga lalaki! Lahat ng lalaki! Lahat sila! Alyanna pigilan ko man mainis pero wala ei. Natroma na ko! Ayoko na kase! Ayoko nang masaktan. Sorry Yanna sorry huhuhu" niyakap nya ko tas pinunasan ang luha ko.
" Ano gusto mo Sab? Maging madre o tomboy? Di mo maiiwasan na makakilala ng taong sasaktan ka. Ganun ang buhay Dab di mo maalis yun. Malay mo may reason ang lahat. Tahan na" napatahan naman nya ko. Swerte ko talaga sa kaibigan kong to kahit lagi kong minamalditahan.
"Iopen mo na yung heart mo para sa iba. Di lahat ng lalaki pare parehas. Pano mo makikilala ying taong para sayo kung lahat ng lalaki tinataboy mo? Sa love kailangan mong magtake ng risk para maganda ang kakalabasan nito. Ngiti ka na dyan."
Ngumiti naman akk. Siguro tama si Yanna. 3 years is enough para maging okay na ang lahat. Kakayanin ko. Kaya ko to.
Di na kami pumasok ni Yanna sa 2nd and 3rd subject namin. Dumiretso na kmi sa cafeteria kase gutom na kami kaka kwentuhan.
"Friend siguro kailangan mong magsorry kay charles. Mukhang totoo naman na may gusto sayo yun tas tinataboy mo! Swerte mo na nga ei"
Magsosorry ba ko? Siguro may mali ako. Kahit na Sabrina magsorry ka.
Naglakad lakad kami para maghanap ng mauupuan. Nakita namin si moko-ay este si charles na kumakain mag isa samantalang madaming babae ang nagtitilian sa tabi."Magsosorry ba talaga ako ngayon? Pwede bang next time na lang madaming tao ei. Nakakahiya"
"Nakakahiya? Friend yung totoo? Mas nakakahiya naman nung sinigawan mo sya! Tsk tara na! Time is gold" tsk daming alam talaga nito.
Palapit na kami sa kanya nang mapansin nya kami. Ang cold ng tingin nha nakakatakot.
"Hi charles. Nandito pala si Sabrina aka Sungit para magsorry sayo" siniko ko naman sya. Isa pa sya ei nakikisungit na din.
"Mmhh sorry moko-ay este charles sa mga sinabi ko kanina atska sa pagsusungit ko sayo. Mmh may problema lang talaga ako. Sana maging okay na tayo. And sorry talaga. Di ko naman sinasadya yun sorry sorry sorry"
Tinignan nya lang ako. Ewan ko bat ako kinakabahan ei walang kwenta naman to. Ay joke. Tumayo sya at aakmang maglakad pero hinila ko sya.
"Oy! Sorry na. Bat parang cold ka paden sorry na nga ei" hala sana tanggapin nya na sorry ko. Tsk ei bat ko ba to ginagawa. Tinignan nya lang ako saka naglakad palayo. Tuamalikod lang ako at pumikit
1..2...3...
Hinabol ko sya tazhinarangan.
"Kase sorry na! Please. Nagbaba na nga ako ng pride para sayo ei. Sorry na pleeeaassee!" Nagpout na ko para effective pero mukhang hindi. Titig na titig lang sya sakin, yung parang hinahalukay nya yung kaloob looban ng katawan mo.'Shemay! Bat ayaw pa nya magsalita' bulong ko sa sarili.
Tahimik lang lahat ng biglang
"Pfftt. Hahahaha cute mo sungit! Di mo talaga ako matiis ano?" Yung mukha kong kanina pang kabang kaba nawala at napalitan ng busangot."So trip mo lang pala ako Mr. De la fuente?" Sabay taas ng kilay.
Pinisil nya ilong ko sabay akbay.
"Alam mo feeling close ka! Nagsorry lang ako noh" sabay irap sa kanya. Nabigla ako ng naglahad sya ng kamay sakin."Okay. Sungit nadala lang. So friends?" Mmhh? Pagtripan ko kaya to? Sige lets try.
"Mmhh? No!" Sabay talikod sa kanya maglalakad na sana akl nang hilahin nya kamay ko.
"Please Ms. Sungit" sabay pout. Bat ba bigla bigla akong kinakabahan?
Tinignan ko lang sya at ganun din sya sakin. Maya maya...."Okay fine" sabay hawak ko sa kamay nya upang makipag shakehands .
"I'm Sabrina Nicole Santos" sinabi ko na name ko kase di naman nya alam yun.
"I know" proud nyang sabi."Ha? How did you know?" Diba? Kakakilala ko lang sa kanya at ngayon lang ako nagpakilala and dahell kilala na nya ako agad.
"Hahaha crush mo ko diba? Kaya nga kinukulit mo ko makipagbati sayo kase crush mo ko. Ikaw ha! Crush mo ko!" Lah! Kapal!
"Dahek! Dafak! Ang kapal ng feslak mo de la fuente!" Ghad! Eww sagad pa sa bones!
"Hahaha see? Masyado ka namang affected haha syempre joke lang. Tsk halata ka naman Sabrina" he-he katawa! Lokoloko to.
"Nakadrugs ka ba? Sira ulo ka ba? Adik ka ha! Ang dami mong knows!"
"Ilong? Madami akong ilong? Okay lang. Basta yung puso ko iisa lang at para lang sayo iyon"

YOU ARE READING
The Perfect Match
Teen FictionPwede kayang magsama ang dalawang taong mag kaiba pag uugali at kagustuhan pati na rin pananaw? Sabrina Nicole ang babaing takot magmahal at si Nick Charles ang lalaking ubod ng kulit? Is this love story will come up into a happy ending or a broken...