past

244 4 0
                                    

Maaga ako gumising dahil alam kong walang susundo sakin. Expected ko na di ako susunduin ni Yanna dahil nagpa alam sya sakin. At ayoko namang umaasa lang ako kay Charles gayong di pa naman kami.

Maaga ako natapos sa pag aayos dahil mahirap maghagilap ng taxi ngayon. Nilakad ko lang ang layo ng bahay namin hanggang palabas ng village.

Pawis na pawis ako nang biglang may tumigil na taxi sa harapan ko.

"Manong. De la fuente university lang po" sabi ko sa driver.

Tumango lang sya at nagdrive. Sobrang kinakabahan ako. Ewan ko kung bakit.

Nilabas ko ang phone dahil nagvibrate ang phone ko. Nakita ko na may tig isang text si Yanna at Charles sakin.

From: Yanna 💞

Sab di ako papasok ha? Ingat :)

May smiling face yung text ni Yanna pero alam kong may mali. Sunod ko namang tinignan ako text ni Charles.

"From : Charles the great

Yanna I can't fetch you. I'm sorry

'Sorry'

Sorry'

Sorry'

Paulit ulit pumasok sa isip ko ang sorry nya. Ewan ko pero parang iba yung nafefeel ko sa sorry nya. Parang may mali Kay Yanna at kay Charles. Pero siguro nag ooverthink lang ako. Baka may inaasikaso lang silang importante o kaya may problema lang. Diba?

Dumating na ako sa harap ng university namin. Nagbayad ako kay manong at lumabas.

Pumasok ako sa room nang magisa. Dumating na yung teacher namin pero yung isip ko lumulutang..

Iniisip ko ang mga pangyayare sa buhay nila Yanna. Kung bakit wala sila at kung bakit di nila sinasabi sakin yung dahilan.


Time flies.... Break time na namin. Ako ang huling lumabas ng room dahil inayos ko pa ang mga gamit ko. Masyado akong pre occupied kaya sa bawat paglabas ng gamit ko. Nawawala sa isip ko na ibalik yun.

Habang naglalakad ako papuntang library. Chineck ko ang phone ko dahil umaasa ako na may text sila sakin. Pero umasa ako sa wala.

"Ouch!" Napaaray ako dahil napa upo ako sahig sa sobrang lakas ng pagkakabangga sa akin.

"Sorry. Let me help you" umaayos ako ng upo habang sya ay inaayos ang gamit ko

"Here" abot nya sakin.

Kinuha ko iyon at tinignan sya. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Why of all people sya pa? Why my past?

"S-sab?" Sabi nya habang ako natulala lang sa nagyare.

Siguro ilang minuto lang ako natulala sa kanya hanggang magets ko na ang nangyare.

"N-na.. ahh N-nathan" ni isang kurap di ko na nagawa.

Bakit nakita ko pa to? what's the reason?

The Perfect MatchWhere stories live. Discover now