distance

299 5 3
                                    

"Saaabbbb!" Mmhh sino ba to? Ang sarap ng tulog ko ei.

"Umh" tanging pag ungol lang ang kaya kong isagot.

"Sab! Bestie wakey wakey naaa!!! Malalate na tayo!" Tumayo ako at tinignan ang orasan ko.

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko

"Ghad Yanna. Late na tayoooo!"

Dali dali kong kinuha ang towel ko at nagmadaling maligo. Syet at its finest! Nagpuyat ka pa kase Sab! Sa walang kwentang dahilan.

"Girl dali naman! Kanina pa ako sa baba" reklamo ni Yanna habang nagsusuklay ako.

"Malay ko ba? Ei di ka naman nagtext sakin. Di ka nga nagparamdam maghapon ei" sabi ko sabay irap

"Whatever. Hintayin na lang kita outside" kinuha nya ang bag nya at lumabas.

Nagpowder lang ako at kinuha ko na ang gamit ko.

Pagkababa ko nakita ko si Yanna na nasa loob na ng sasakyan nya. Pumasok ako sa passenger seat.

"Bestie sorry di kita natext kahapon. I'm just busy" sabi nya habang pinapa andar ang sasakyan.

"Its okay. Alam ko namang busy kayo" nakatingin lang ako sa labas ng nagtanong si Yanna.

"Kayo?" Halata sa mukha nya ang pagtataka.

"Yup! Kayo! Kayo ni Charles. Mag isa lang ako maghapon. Walang kasama."

"Wala? Hala SHIT!" anong nagyare dito?

"Huy bakit? Anong meron?"

Umiling sya bilang sagot. At biglang pinaharurot yung sasakyan nya. Jusmiyong babaita to!

Pagdating namin sa parking lot agad agad syang bumaba pero tumigil sya para harapin ako.

"Mauna ka na sa room Sab. I just need to fix something" sabi nya sabay alis.

Nakatingin lang ako sa kanya ng nakakunot ang noo. Ano naman problema noon? Masyadong nagiging professional si Yanna ha.

Dumiretso na ko sa room. Nagsimula na ang klase pero wala pa si Yanna. At pati si Charles? Nakinig lang ako at tinuon ang pansin sa harap.

2nd subject na ng pumasoj si Yanna. Naka kunot ang noo. Dali dali syang tumabi sakin.

"San ka galing aber?" Tanong ko sa kanya

"Listen Sab. From now on. Tigilan mo na yang kurimaw na charles na yan ha? Tigilan mo na!" Seryoso nyang sabi.

Napakunot ang noo ko at maiigi ko syang tinignan.

"What are you talking? Bat mo naman ako pinapalayo?" Nagtatakang tanong nya

Umiling lang sya at nagmartsa palabas. Sht lang! Anong kadramahan itoooo?

The Perfect MatchWhere stories live. Discover now