Pinakain ako ni Charles at pina inom ng gamot. Nakatulog ako pero di sya umalis sa tabi. I'm so lucky to have him. Hinawakan ko ang kamay nya habang nakahead down sa gilid ng kama.
"Charles!" Ginigising ko sya para patabihin sakin. 7:30 na at mukhang di pa sya kumakain
"Hey Sab okay ka na ba? May masakit pa ba sayo? Yung ulo mo?"
"I'm okay Charles. Kumain ka na ba?" Umiling sya bilang sagot.
"Bat di ka pa kumakain baka ikaw naman ang magkasakit nyan."
Pinisil nya ang kamay ko at ngumiti
"Okay lang magkasakit basta ikaw mag aalaga sakin."
Sht! Kung nakakamatay lang ang kilig kanina pa ko namatay.
"Tse! Masyado kang keso! Kumain ka na! Wait kukuha ako ng pagkain mo"Hinila nya ako at ayaw nya akong paalisin sa tabi nya. Bigla nya akong niyakap at nilagay nya ang ulo ko sa dibdib nya at hinayaan nyang gawin kong unan ang braso nya.
"Dito ka lang sa tabi ko. Forever. Bawal umalis. Ayokong umalis ka."
Yumakap ako sa kanya pabalik
"Di naman ako aalis ei. Kukuha lang ako ng pagkain mo. Pambawi sa pag aalaga mo."
"Okay na ko sa yakap mo"
"Tse! Isa! Papasaan kita dyan Nick! Chansing ka ha? Di pa nga tayo may payakap yakap ka na dyan." Tumawa lang ay at kumalas sa pagkakayakap.
Pumasok ako sa cr para makapaghilamos. Kadiri ka Sab! Di ka pa naliligo nagpapayakap ka na kay Nick. Eewwtothebones Sab.
Pagkababa ko. Nakita ko si Charles na nagbabati ng itlog.
"Huy Nick ano yan?" Natawa na lang ako kase hapunan yung kakainin namin tas itlog yung niluluto.
"Umm itlog?"
"Itlog? Anong gagawin mo sa itlog?"
"Lulutuin. Di naman kase ako marunong magluto ei. Itlog lang kaya ko."
Tumabi ako sa kanya at hinila sya palayo sa kusina.
"Ako na nga kase magluluto. Magrelax ka na muna"
"No! Ayoko! Gusto ko ako ang magluluto para sayo. For once hayaan mo munang pagsilbihan kita. Nanliligaw nga ako diba?"
Tinaasan ko sya ng kilay "Really nick? Nanliligaw huh? Pano si Daisy"
"Wtf Nicole! Daisy? Pinsan ko yun! Atska kaya hinawakan nya buhok ko kase natutuwa sya sakin kase nagseryoso na daw ako." Tumigil sya at hinawakan ang kamay ko.
"Sinabi ko kase sa kanya na may nililigawan ako at sana magustuhan mo ko. Pero ang sabi nya sure daw na maguhustuhan mo ko kase pogi daw ako" sabay nagpogi sign sya. Hahaha cute talaga nito
"Tapos hinawakan na nya buhok mo?" Tanong ko sa kanya.
"Yup! Kaya dapat wala kang dapat ipagselos dyan"
"Selos your face Nick! Assuming ka dyaan!"
Tumawa lang sya ng tumawa habang naglalakad kami papuntang kitchen ang kulit kase nito ayaw akong paglutuin.
"Dyan ka lang stay put. Just watch your handsome suitor" kinindatan nya ako. Ako naman natawa lang. Minsan pala may pagkacorny to si Nick hahaha
Nagluluto na sya nang biglang may nagdoor bell.
"Oppss! Dyan ka na lang Nicole. Ako na!"
"Wtf Charles! Di ako pilay. Di ako pilantod. Kaya ko na!"
"Nope Sab! Wag matigas ang ulo"
"Ei ikaw matigas ang ulo ei!" Natatawa talaga ako dito
Nawala ang ngisi ko nang makita ko ang kanyang nagulat.
"What?!" Pataka kong tanong
"Hahaha ulo ko matigas? Wag ganyan Sab! You such a Brat. Beautiful pervert!" Kinurot nya ilong ko habang sinasabi nya yon.
"Ang green nito! Dafak Charles! Kadiri ka!"
Nagtatawanan lang kami ng may umubo.
"EHEM! EHEM!"
Paglingon ko nakita ko si Yanna sa may sala habang nakatingin samin ni Charles na magkahawak ng kamay. Agad kong inalis yung pagkakkahawak ko sa kanya.
"Jusko ha? Na haggard ako sa labas kakaantay ng may magbukas ng pintuan. Yun pala naghaharutan lang kayo dito? Jusmiyo! "
Nagkatinginan kami ni Charles at bigla kaming nagtawanan. Oo nga pala! Hahaha yun pala yung pinag aawayan namin kanina hanggang nawala na yung topic haha bwisit kasw tong si Charles ei. Napakadaming alam! Parang google lang!
YOU ARE READING
The Perfect Match
Teen FictionPwede kayang magsama ang dalawang taong mag kaiba pag uugali at kagustuhan pati na rin pananaw? Sabrina Nicole ang babaing takot magmahal at si Nick Charles ang lalaking ubod ng kulit? Is this love story will come up into a happy ending or a broken...