Kinabukasan inagahan kong gumising dahil gusto ko mag ayos. Nag skater skirt lang ako at high top blouse. Naglip gloss at inayos ang kulot kong buhok.
"Sab be prepared ha? Kailangan maging maayos ang pag uusap nyo! Kaya mo yan! Aja!"
Kinausap ko na sarili ko para kahit papano magkaroon ako ng lakas ng loob oara mamaya.
Nagpahatid ako kay momny dahil ayoko kay Yanna. Kase pag si Yanna ang naghatid sakin JUSKO sandamakmak na asar nanaman ang matatanggap ko sa kanya.
"Oh baby take care okay? Iloveyou" kiniss ako ni mommy sa forehead bago umalis.
Pagkababa ko agad kong nakita si Yanna! Sht! Hinintay talaga ako nito? Ayoko ngang magpakita dito ei! Dafak!
"Uy besti-"
Di na nya tinapos ang pagsasalita nya dahil hinead to foot nya ko. Ako naman tinaasan ko sya ng kilay.
"Bat parang ano.. bat parang?" Tumigil sya sa pagsasalita na parang naghahanap ng tamang words. Maya maya...
"Oh my gee! INLOVE KA BESTIE!?" Oo I mean no! Bakit ako maiinlove at kanino?
"WHAT?! hoy Yanna! Tumigil ka nga! Ang ingay mo!"
Bigla na lang nya hinila ang braso ko habang nakasimangot.
"Really bestie? Mali lang ako ng pagkakakita? Pero parang hindi ei! Sure ako! SURE NA SURE!"
"DAFAK YANNA! Kung manghuhula ka? Wala kang kwenatang manghuhula"
Sabi ko sa kanya na nagpataas ng kilay nya.
"Really bestie? Tsk! Pag tong sinasabi ko totoo. Pepenglungan kita?!"
"Hahaha really Yanna? Pepenglungan huh!"
Umirap lang sya sakin at sabay naming tinahak ang daan patungong room. Hahaha lalim!
Pagpasok ko nakita ko agad si Charles. Biglang lumakas ang pintig ng puso ko. Bigla syang napatingin ng direksyon ko. Ngingitian ko sana pero nag iwas sya ng tingin. Parang may tumusok sa dibdib ko nung di nya ko pinansin! Dahek! Am I having a cancer?
Tumabi ako sa kanya pero di paden nya ko tinitignan. Ano Charles? Asan na yung ':)'mo kagabi? Tsk! Tinignan ko uli sya pero di parin nya ko tinitignan. Naiinis na ko ha? Huminga ako ng malalim at tumingin sa direksyon ni Yanna para matalikuran ko sya. Naramdaman ko naman na gumalaw sa likuran ko para maharap ako.
'I think ito na yung chance para makausap ko sya at matignan nya ko sayang naman effort ko sa pagpapaganda kung di nya mapapansin'
Lumiko ako para makaharap sya pero lumiko uli sya sa ibang direksyon! ARGGGHHH! KABWISIT NAMAN NICK CHARLES!!!
Kinuha ko ang chin nya at hinarap sakin. Sobrang magkalapit ng mukha namin. Pero hinayaan ko yun. Kailangan kong makausap sya. Tinignan ko sya mata nya. Pero nakita kong tinitignan nya ang labi ko. Sht namumula na yata ako.
"Bakit may lipstick ka?!" Sa wakas nakapagsalita din sya.
"Para mapansin mo?" Sarkastiko kong tanong
Nakatingin pa din sya sa labi ko. Nung nagsalita sya bigla akong naninagas dahil sa sinabi nya
"Can I kiss you?" Oo ay hindi! Wait bat nya tinatanong to? IM TURNING RED!

YOU ARE READING
The Perfect Match
Teen FictionPwede kayang magsama ang dalawang taong mag kaiba pag uugali at kagustuhan pati na rin pananaw? Sabrina Nicole ang babaing takot magmahal at si Nick Charles ang lalaking ubod ng kulit? Is this love story will come up into a happy ending or a broken...