Nilagay ni Yanna yung mga pagkain sa Plato.
"Akala ko kailangan ako dito. Yun pala hindi" Yanna
"Ei bakit ba andito si Charles in the first place? Diba nga ikaw pa nagsabi na may sakit ako?" Tinaasan ko sya ng kilay
"Sinabi ko lang naman pero di ko naman sinabi na pumunta sya dito. Buti na nga lang at pumayag si tita na si Charles ang magbantay sayo?" Naiiritang sabi ni Yanna habang tinuturo si Charles.
"Hahaha oo nga ei! Baka nga kamo rapist to si Charles at pinapasok ni mommy" tinignan ko si Charles na ngayon ay nakakunot ang noo
"Hoy kayong dalawa ha? Porket nananahimik ako kung ano ano na sasabihin nyo!"
Bigla akong lumapit sa kanya at binatukan sya.
"Sinisigawan mo ba ko?!" Pananakot ko sa kanya.
"Ha? Hindi ah? Si Yanna yung sinisigawan ko!"
"Anong ako? Gusto mo palunon ko sayo tong mga plato?!" Pati si Yanna nakisigaw na din
"Ha? Hindi ikaw Yanna yung nasa Tv yung artista doon. Nananahimik yung bida laging inaaway. Yun oh! Maganda yung palabas. Kayo kase ei. Masyado kayo! Kakain na ba?" Pag iiba ng topic ni Charles. Siraulo talaga to kahit kailan. Di mo din talaga maiisip na itong pinakasakat sa school namin ang magkakagusto sakin at gugustuhin ko din.
"Oh Yan na couple! Kain na tayo at ikaw Yanna! Uminom ka na ng gamot at ikaw naman Charles uwi ka na! Wala ka bang bahay?" Wow! Yanna ikaw ba yan?
"Oh asan na yung makulit na Yanna?" Natatawa kong tanong.
"Andun sa labas ng bahay nyo naghihintay syang pagbuksang nyo ng pinto!"
"Sorry na Yanna! Kase ang kulit ni Sab ei! Sabi ko ako na magbubukas ng pintuan pero ayaw nya pumayag" pagsisingit ni Charles
"Ako pa makulit? Ikaw nga tong green minded kaya nawala sa isip natin na may nagdodoor bell!"
"Ikaw kaya yun Sab kung ano ano kase pinagsasasabi mo malay ko bang iba pala yun"
"OOOOYYY! Yan nanaman kayo ei! Kaka away nyo may nakakalimutan kayo."
"Sorry Yanna nakalimutan naming andito ka" natatawang sabi ni Charles kaya siniko ko sya
"SIRAULO! yung pagkain yung sinasabi ko! Kumain na nga tayo! Iniinit nyo ulo ko!" Nang gagalaiting sabi ni Yanna
"Wtf Yanna may ulo ka din?" Sht ka Charles! Ang green minded mo talaga!
"Batuhin kaya kita ng kutsilyo sa ulo? Nang tumino ka?" Hahaha itong dalawang to.
Kumain lang kami at pagkatapos non. Nagprisinta si Yanna sya na lang daw yung maghuhugas.
Nakaupo kami ni Charles sa couch habang nanonood.
"Pwede ba kong matulog dito?" Pagtatanong ni Charles
"Bakit pakalat kalat ka na ba? Wala ka na bang bahay? Naghihirap ka na ba?" Sarkastiko kong tanong
"Hindi! I mean gusto pa kitang alagaan" nakangiti nyang sabi. Namula naman ako sa kasweetan nito
"Okay na ko Charles. You better go home. Baka hanapin ka ng magulang mo"
Nakita ko namang nalungkot sya sa sinabi ko."Wala namang maghahanap sakin sa bahay. Wala naman silang pake" nakita ko ang pangungulila nya. Kaya niyakap ko sya.
"Okay you can stay"
YOU ARE READING
The Perfect Match
Teen FictionPwede kayang magsama ang dalawang taong mag kaiba pag uugali at kagustuhan pati na rin pananaw? Sabrina Nicole ang babaing takot magmahal at si Nick Charles ang lalaking ubod ng kulit? Is this love story will come up into a happy ending or a broken...