Titanium 1:5

67 2 0
                                        

Hello guys! Katulad ng pinangako ko. Mahaba ang Epi. ngayon. :)) Gehh! Enjoy reading pooo.

-------------------------------------------------

Hexa's POV:

Andito ako ngayon sa labas ng gym, hinihintay ung pesteng bwisit na bruha na yon! Napakalandi. Kala mo naman kung sino makaasta. Ayan. ayan. Andito na siya. Inhale..... Exhale........

"Uhm, hello. Ako nga pala si Hexa Nomer." bati kong pataray

"Uhm, ako nga din pala si.." Hindi ko na inintay na makatapos siya kasi alam ko na ehh! Duh!?!? such a waste of time.

"ahh, I know your name na. Didiretsohin na kita."

"Okay, Ano bang kailangan mo?"

"Layuan mo si Ivan."

"Andito ka para sakanya? Ehh sino ka ba para sabihan mo ko ng ganyan?" Yun, ehh kasi naman ehh. Ang tagal tagal na, ayaw padin magresponse. Tuloy, hindi ko alam kung saan ako lulugar. Sino nga ba ako para sakanya? Hindi ako nakaimik.

"Sorry but I need to go and also, hindi ko lalayuan si Ivan. Magkaibigan lang kami." tama. your seducting him. I know it. Hindi ko to mapapalagpas, so nilapitan ko siya at kinompronta ko siya.

"Ano bang problema mo? Gusto mo siya? Hindi pwede, Akin lang siya, Akin lang siya." pasigaw kong sabi. Eto namang bwisit na impaktong to, sarcastic.

"Girlfriend ka ba niya?" matawa-tawa niyang sabi. Aba bwisit na to ahh!

"Ahm, kahit na!" hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nasampal ko siya with a matching tulak.

"How dare you speak to me like that? Ha? Akin lang si Ivan, akin lang!" sa hindi inaasahang pagkakataon, andun si Ivan.

"Hexa ano ba! Walang ginagawang masama sayo yung tao. Ano bang problema mo?" hindi ko to mapaniwalaan. Sarili niyang bestfriend nasigawan niya ng ganon.

"Alam mo kung anong problema ko? ikaw! kasi napakamanhid mo! Ako na nga tong nanliligaw hindi mo pa napapansin. Ilang beses kita tinulungan dati kapag may kailangan ka. Pero pag ako na ang may kailangan, wala na. Ignorance ang nangunguna." malungkot kong sabi. Napaluha ako dun.

"Hexa, hindi kita pinapaasa. Hindi ko rin sinabi na ligawan mo ko. Dati palang sinabi ko na sayo na hindi kita gusto, na tigilan mo na to kasi wala rin namang hahantungan to ehhh." sabi niya ng medyo galit.

"Pero Ivan.. Mahal kita. Mahal na mahal." napaiyak kong sabi

"Hexa, look. Hindi lahat ng mahal mo ipinaglalaban. Minsan kailangan mo din isipin kung maaabutan mo pa ung taong hinahabol mo. Hindi sa iniinsulto kita pero, ano bang nangyare sayo? simula nung naging kaibigan mo sila Lara at Lia naging ganyan kana. Ano bang isinaksak nila sa Bestfriend ko?"

"Ipinahiwatig nila sakin na dapat kung sayo ang isang bagay, ipaglaban mo. Wag kang magpaapi." medyo galit kong sabi. Sila na nga lang dalawa ang totoo kong kaibigan, huhusgahan pa ni Ivan.

"Pero Hexa, hindi ako sayo. Isa pa, Hindi kita girlfriend." medyo malungkot na sabi sakin ni Ivan.

"Pero ano yung sinabi mo sakin na.. Gusto mo ko?" napapaluha nanaman ako.

"Hindi mo ba naaalala Hexa? Sinabi ko sayo na Gusto kita, gusto bilang kaibigan. Hindi bilang girlfriend."

Imbis na sumagot ako, nagwalk out na lang ako. Humanda sakin yang Britiny na yan!

Britiny's POV:

May isang babaeng lumapit sakin, ang kapal. Layuan ko daw si Ivan? ni hindi nga siya ung girlfriend makareact naman.  Tinulak ba naman ako? Buti na lang dumating si Ivan. Hindi ko naman talaga gusto na masira ang friendship nila, at wala din akong balak na agawin sakanya si Ivan. Ang gusto ko lang,maging magkaibigan kami. Mahal ko si Ford. Siya lang. Lalapit sana si Ivan, kaso biglang dumating si Ford. Hindi niya ako kilala. Ehh kasi naman, nung pagkatulak sakin, hindi man lang ako itinayo ni Ivan. How ungentleman naman diba? How unromantic. Buti pa si Ford na di ako kilala tinulungan ako.

"Uhm, thank u." sabi ko habang kinikilig. Oma oma! ang cute.

"Ok lang, bakit ka ba kasi nahulog diyan? Hindi naman ata bagay sa isang napakagandang babae ang nakapahiga diyaan."

"Ahh. Tinulak lang ako ni Hexa."

"Wag mong i-lang un. Kakaiba kasi talaga un si Hexa kung magmahal."

"huh? anong ibig mong sabihin?"

"Ginawa na rin niya sakin yan.Halos magpakandarapa siya. Madami ang may ayaw sakanya dito sa school. Kesyo, plastic daw, feeler at higit sa lahat... manloloko. Minsan kasi, sa sobrang kahibangan niya sa mga mahal niya, nagagawa niyang manggamit ng ibang lalaki para lang mapagselos ung mahal niya, kahit hindi naman talaga nagseselos. Pero kahit na pinaglalaruan lang niya ung lalakeng yun, over kung makareact."

" Ah.. kaya pala."

Biglang sumulpot si Ivan.

"Uhm, Bea. Hindi ka ba pinayuhan ng nanay mo na don't talk to stangers?"

"Ano ka ba! Hindi siya stranger. Kilala ko siya."

"Pwede ka ba mamaya?"

"oo, baket?"

"labas tayo."

"gehh. Tayo lang?"

"bakit? ayaw mo?"

"may sinabi?"

"Hindi naman sa epal ako ahh. Sige Bea, una na ko." Ford.

Oma! Oma! Oma! Kinindatan ako ni Kuya Ford! Im gonna die. Waaaahhhh!!!

Tring!!!!!!!!Tring!!!!!!! Classes na! Balik na lang ako sa inyo guys pag lunch na! gehh. ;)

Titanium (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon