Trinity's POV:
Andito pa rin ako sa stadium. Inabutan ako ni Seth ng tubig.
Sa hindi inaasahang pagkakataon. Pumunta si Hexa dito at may dalang pagkain.
"Ivan!! Seth!! Lester!! JC!! Kats!! Halikayo dito!! May dala akong pagkain." masayang sabi niya.
Napatigil naman siya nang makita niya ako.
"Anong ginagawa mo dito?" mataray niyang tanong sakin habang pinapatong niya yung dala niyang pagkain sa table.
"Hindi ba dapat ikaw ang tinatanong ko niyan? Ano namang pumasok sa kokote mo at naisipan mong pumunta dito?" mas tinarayan ko pa ang pagkasabi ko.
"Ha? Anong pinagsasasabi mo?" medyo matawa tawa niyang sabi.
"Wag ka na magma-ang maangan. Alam ko na ang lahat."
She just rolled her eyes.
"Hindi pa ba sapat sayo si Ford??"
"Hindi." sabi niya
"Ano bang kailangan mo at ginagawa mo to?" tanong ko sakanya.
"Kailangan ko? Kailangan kong gumanti at saktan ka. Diba nagtagumpay naman ako?" Hexa
"Kung sa tingin mo nagtagumpay ka sa plano mo, pwes nagkakamali ka. Hindi ba parang mas masakit pakinggan sa ibang tao na hindi ka makatiis sa isang lalake?"
"As if I care?"
"Heartless."
sasampalin sana niya ko kaso napigilan ko siya at pinilipit ang kamay niya. Aba! Nag karate lesson ata to!
"Subukan mong sampalin ako. Hindi lang muka ang mamamaga sayo." pinilipit ko yung kamay niya
"Aray!! Ano ba?!?"
"Hexa!! Umalis ka na nga!!" Ivan
"Tandaan mo Trinity, umpisa pa lang to. Wala pa ko sa kalahati."
"Pake ko sayo!! Sa susunod, higpitan mo yung pagkaturnilyo mo sa ulo. Para kasing lumuluwag minsan ehh. Ok?"
She just rolled her eyes at kinuha yung pagkain na dinala niya.
"Wow!! Trins, palaban ka na." Lester
"Nakakapanibago" Seth
"Ikaw ba yan Trinity?" Kats
"Anyare?" JC
"Ano ba kayo?? Ako pa rin naman to. Tandaan niyo lang to. My attitude is base on the way you treat me. If you treat me bad, be ready cause I'll treat you worse."
"Nosebleed" Kats
"Haha!!" Ivan
"Tara na nga!! Kain tayo." sabi ko sakanila
"Ayoko busog pa ko." JC
"Oo nga busog pa ko ehh" Seth
"Sige! Mauna ka na!" Kats
"Sige lang. Busog pa kami ehh."
Si Ivan.. nilapitan ko.
"Ikaw Ivan? Gusto mo kain tayo?"
"Ah sige." tipid na sagot niya
"Kayo ayaw niyo talaga kumain?" huling tanong ko sakanila.
Umiling lang sila.
"kahit na my treat?" tanong ko
"Ahh!! Gutom na gutom na pala kami. Diba seth??" Lester
"Oo nga. Tara!" Seth
"Mga mokong!! Ang kuripot niyo. Tara na!! Oiist!! palasamat kayo kay Trins!" Ivan.
"Salamat Trins!!" sabay sabay nilang sabi sakin.
"NP! " sabi ko.
BINABASA MO ANG
Titanium (KathNiel)
Teen FictionHiii . Titanium is a story about friendship and love. High School life's a mess for Bea Trinity Flores. By the way, trinity is the leader of Infinity Charms. Medyo beachy pero mabait. Minsan, sa sobrang daming nangyari hindi niya alam ang gagawin...