[1]

1.2K 27 2
                                    

Teejay's POV

"Timothy James F. Mariano!!!!"

Psh.

Para talagang taga bundok tong ate ko na to. Daig pa si mommy sa ingay ng bibig.

"Gumising ka na teejay. May pasok ka pa. Bangooooon!"

Napabalikwas naman agad sa kama ko. Mabibingi pa yata ako ng wala sa oras -_-

"Oh di ayan, gising na ang napakagwapo kong kaptid! Hahahahahaha. Tsaka mahiya ka nga sa girlfriend mo sa baba. Kanina pa yun naghihintay sayo."

O______O

What the! Ano daw? Girlfriend?

"G-girlfriend?"

"Oo, Fionna daw pangalan. Inferness ha, ang ganda niya at mukha rin astig kagaya ko. Hahaha. Babae ba naman mismong magpakilala sa pamilya ng boyfriend niya diba? Haha. Kaya ikaw, kilos na."

The heck! W-what is she doing here??!

--

"Teejay my loveeeeees! Good Morning!" Tss. Wala na bang ikakasira pa yung umaga ko?

Dumiretso naman agad ako sa dining room para kumuha man lang ng sandwich tapos dire-diretso na kong lumabas ng bahay.

"Ay! Wait lang loveeees!" Pigil niya sakin habang palabas na ko ng gate.

"Tss. Problema mo?"

"Akin na yang bag mo. Ihahatid na kita." Nagulat naman ako ng bigla niyang agawin sakin yung backpack ko. Bwisit na babaeng to.

Inagaw ko naman agad yun pabalik. "Tss, ayoko."

"Ay! Pa hard-to-get pa!"

Di ko naman na siya pinansin tapos sumakay agad ako ng tricycle pero tumabi agad siya sakin sa loob. Problema nito?!

"San po kayo sir?" Tanong ni manong driver.

"Manong! Richfield Academy po!" Tsk. Bungangera talaga.

"Sige po mam. Girlfriend po ba kayo ni sir?"

"Nope."

"Manliligaw niya ko! Haha." Tch. Hanggang dito ba naman sa tricycle?!

Pagkadating na pagkadating naman namin ng school eh bumaba agad ako ng tricycle. Si fionna na daw kasi sagot sa pamasahe namin. Babaeng to talaga. Bahala siya magsayang ng pera para sakin.

Nung nasa bandang gate naman na ko eh inagaw agad ni fionna yung bag ko. Tss. "Ano na naman?" Naiinis na ko. Napapasigaw na tuloy ako ng wala sa oras.

"Manliligaw mo ko diba? Trabaho ko to my loves. Haha!" Tignan mo to, di man lang natakot eh napagtaasan ko na nga siya ng boses.

Wala naman na kong nagawa. "Psh. Fine." Magkaklase din kasi kami kaya hinayaan ko nalang din siya. Bwisit na babae to. Halos lahat ng atensyon tuloy na samin na. Madami din kasing nagkakagusto kay fionna. I admit it, she's beautiful. Pero hindi yung mga ganitong tipo ng babae yung gusto ko.

Actually, i'm inlove with someone else. Sa babaeng kahit kailan, hindi pa napapansin yung existence ko..

Pagkarating naman namin sa classroom eh, nagdasal na din muna kami bago magstart ng klase. Wala pala kaming flag ceremony ngayon kasi may friday mass sa baba yung second year and first year. Sayang, di ko man lang siya makikita.

"My loveeees!" Natauhan naman ako ng narinig ko yung sigaw ni fionna.

Tsk, eto na naman tayo.. "Bat ka nakasimangot na naman? Namiss mo agad ako noh? Yieee. Umamin ka."

Di ko naman na siya pinansin pero nagulat nalang ako ng bigla niyang paalisin yung katabi ko na weirdo namin classmate. "Alis ka nga dyan pido! Susuyuin ko lang yung loves ko!" Para namang bata si pido na napasunod niya agad. Tsk. Isa pa to si ms. gina di man lang napansin na nakipagpalit ng upuan to si fionna.

"Tss. Bumalik ka nga sa pwesto mo." Bungad ko naman agad sakanya.

"Ayoko! Gusto na ulit kita maging seatmate e! Re-request ko nalang sa adviser natin mamaya." Tigas talaga ng babaeng to ba. Ako na nga mismo nagpalipat dito sa dulo para nga maiwasan man lang siya e.

"No. Di ako papayag." Matigas ko naman na sabi.

"Papayag ka sa ayaw at sa gusto mo."

"Psh. Ayoko nga e."

"Eh sa gusto ko eh!"

"Bat ba ang tigas mo? Ayoko nga!"

"Gusto nga kita katabi!"

"Pwes ako, ayoko. Can't you see? I hate girls like you.." Pagkatapos ko naman sabihin yun eh natahimik si fionna tapos lahat din pala ng mga kaklase naman na samin na yung atensyon pati narin si Ms. Gia.

Tss. Makalabas na nga lang muna ng classroom..

Fionna's POV

Natahimik naman agad ako sa sinabi ni teejay..

A-ang sakit lang.

Lumabas naman agad siya agad ng classroom ng di man lang nagpapaalam kay ms. gia kaya natanong agad ako ni ms. gia kung bakit nag walk out si teejay. "Is there any problem Ms. Vergara? May ginawa ka ba kay Mr. Mariano?"

"W-wala po miss. Baka naiihi lang po siya."

"Sus! Ang sabihin mo, pinipilit mo kasi yung tao na makatabi ka."

"Eh ayaw niya nga daw sayo diba? Bat mo kasi pinagpipilitan yung sarili mo?" Sabat naman ng mga mean girls na to sa classroom na nasa harap lang namin ni teejay kanina at sabay sabay pa na nagtawanan. "Hahahahahahahahahha! Buti nga sa gold digger na kagaya mo!"

Sinaway naman agad sila ni ms. gia. "Hannah! Rebecca! Olive!"

Natahimik naman agad sila pati yung ibang classmates ko na pinagbubulungan din ako kanina.

At isa lang ang masasabi ko,

Nagmukha na naman akong tanga sa harap ng mga tao ngayon..

Ang astig kong manliligaw.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon