Fionna's POV
Dinala naman ako ni teejay my loves sa may church ng subdivision nila.
Omoooooo :"""")
"Magpapakasal na ba tayo my loves?"
Pinitik naman niya agad ako sa noo. "Tss, baliw as ever."
"Eh bat tayo nandito? Hindi naman sunday, so walang mass. Kung kasal naman, hindi ka pa nga nagpo-propose sakin --"
Di ko naman na natuloy yung sasabihin ko kasi hinatak niya agad ako sa may holy water tsaka kami nagdampi ng konti sa noo nun at nagsign of the cross.
Umupo naman kami sa may bandang unahan. "Let's pray together."
"H-ha?"
"Ipagdasal mo nalang na hindi na kita sungitan at gumaling na yang sprain mo. Open kasi tong church namin araw-araw kaya lagi rin akong napunta dito in case na may ipagdadasal ako and something good happen to me, kahit din pag may problema ako.. Cause God hears us. And nothing is, impossible with Him. So let's silently pray together, okay? :)"
Literal naman akong napangaga kay my loves. Huwaw. Kahit pala masungit to si my loves e, maka-Diyos naman siya :') Iba pa rin yung lalaking may malakas na faith :)
Lumuhod naman na kami parehas and nagstart na magpray. Nagpasalamat na rin ako and nagsorry sa lahat ng kasalanan ko. At syempre, kasama din si my loves sa prayers ko :)
After naman namin magdasal ni my loves e, bumalik na ulit kami sa mansion niya. Gusto niya lang daw bumawi sa pagkakaroon ko ng sprain at wag ko daw bigyan ng malisya yung pagdala niya ulit sakin dito sa bahay nila. Pero, pwedeng kiligin? :""""""""""""> HIHI.
Pumasok naman kami sa parang sinehan. WAAAH ANG LAKI NG SCREEN DITO AT PARANG SINEHAN TALAGA. Ano to, may sinehan mismo si my loves sa loob ng bahay nila? *O*
Tsaka, totoo ba to? Para kaming nagda-date at nanunuod ng sine ni my loves. At take note, sa bahay pa mismo nila :') enebe eng serep hemeteyin x)
"Tss."
Napatingin naman ako kay teejay na ang sama na naman ng tingin sakin. Kanina lang okay na kami tsaka pinagdasal ko naman na wag niya kong sungitan. Bipolar talaga to si my loves! :') "Haha oh bat ang sama ng tingin mo sakin my loves?"
"Ano bang gusto mong panuorin?" Tanong niya. Nandito na kasi kami sa cinema room pala nila. Bigtime ni my loves noh? Haha. Hindi niya na kailangan pang pumunta ng mall para lang manuod ng sine kasi nga gaya ng sabi ko sa inyo kanina, may sinehan na rin mismo sila sa loob ng bahay nila etse, mansion nga pala.
"Ikaw bahala.." Sagot ko naman sakanya habang nakain ng popcorn. Hahahahahaha kaya nga trailer palang ata ng mga showing o ipapalabas sa sinehan, ubos ko na agad popcorn ko e.
"Psh, takaw." May pinindot lang naman siya sa gilid niya tapos nagstart na yung movie. Waaah buti wala na yung mga trailer chuchu.
"WAAAAAAH! DIARY NG PANGEEEET!!!"
Binatukan naman agad ako ni my loves. "Tss. Eh kung wag nalang kaya natin ituloy yung panunuod?"
"Elibs lang ako my loves kasi showing palang yan diba?"
"Psh. We have are own cinema, engot."
Natawa naman ako sa pagiging conyo niya. "Haha big time kayo e."
"Psh. Let's just watch the movie and shut your mouth, okay?"
"O-okay." Pinagpatuloy ko nalang muna yung panunuod tsaka pagkain ng popcorn.
Nagulat naman ako ng tumawa-tawa to si my loves pero halatang pinipigilan niya lang. "Eh?" Nagtataka ko namang tingin sakanya tsaka siya natawa ng malakas. Akala ko ba, 'Let's just watch the movie and shut your mouth' pero siya tong tatawa-tawa na parang ewan.ngayon. Minsan talaga, ang hirap intindihin ng mga lalaki -________-"
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA." Seriously?! Anong nakakatawa? "Your like eya. Hahahahahaha."
Hindi ko alam, pero kinilig naman ako kay my loves. "Basta ba, ikaw si cross. Hihi. Enebe my loves!!"
Sumeryoso naman agad yung mukha niya. "Tss, sabi ko lang magkamukha kayo. Hindi magkaparehas ng lovestory."
"Eh kasi, iba yung lovestory natin. Ano ka ba, my loveeeeeeeees!" Kinikilig ko naman na sabi with matching hampas pa sakanya pero, hampas with love yun syempre :""""">
"Ano ka ba, wag mo nga kong hampasin!"
"Sus. Kinilig ka lang din e!"
"Tss. Never."
"Pakipot!!"
"Kambal ni eya! Haha."
"Cross ng buhay ko! Hahahahahahahahaha."
--
Para naman kaming tanga na buong movie na nag-aasaran. Kung minsan nga, bangayan na -____-
Ayaw kasi magpatalo e!! Diba mas bagay si cross tsaka eya? :"""") Para sakanya naman daw, si chad yung mas bagay kay eya. "Eh para kay lorie nga si chad e!!" Sagot ko naman kay teejay. Ayaw kasi tumigil. Tapos na nga yung panunuod namin ng DNP tsaka nandito na kami sa may dining room nila para magdinner. And guess what? Ipagluluto lang naman kami ng sister-in-law ko para sa dinner namin. O diba, ang lakas ko lang sakanya? Muahahaha. Ganyan talaga pag astig na nga, maganda pa :')
"Psh. Basta, kay chad ako boto."
"MAS GWAPO NAMAN SI CROSS!"
"SI CHAD KAYA YUNG MAS GWAPO."
"HALA SIYA. BAKLA KA BA? HAHAHAHAHAHAHA TALAGANG PINANAGUTAN MO YUNG PAGTATANGGOL KAY CHAD HA. PERO WAG KANG MAG-ALALA DI AKO MATUTURN-OFF SAYO. IKAW PA DIN ANG LOVES KO."
"BAKLA KA DYAN. MAS GWAPO NGA KO DUN SA DALAWA NA YUN. KAYA KA NGA TINAMAAN SAKIN NG GANYAN EH. HAHAHAHAHA."
"WAAAAAAAH! ANG HANGIN NA NGA ANG KAPAL PA!"
"PSH. LOLA. HAHA."
"LOLA?"
"MUKHA KA NA KASING MATANDA. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA."
"AHH GANUN. PWES IKAW, LOLO!!"
"LOLO?"
"YUNG KAHIT GANYAN KA KALOko. IKAW PARIN YUNG, LOve ko. BENG! HAHAHAHA."
"WHAT KIND OF PICK-UP LINE IS THAT? HAHAHAHAHA."
Natawa nalang din naman ako kay my loves. Grabe :""""""") Parang sulit naman yung pagkakaroon ko ng sprain kasi ngayon lang nakitang tumawa ng ganito si my loves. And feeling ko, komportable na rin siya sakin kahit papano :)
Teejay's POV
Natigilan naman ako sa pagtawa ng marealize ko na natahimik na si fionna na nakatingin sakin ngayon, titig pala to be exact -.-
"Tss. What are you staring at?"
"K-kasi.." Naiyak naman na siya. What the?! Ano namang iniiyak niya ngayon e, kanina lang nakikipagbangayan pa siya sakin. "WAAAAH! MY LOVES KASI EH! NGAYON LANG KITA NAKITA NG GANYAN KASAYA. ANG SARAP SA FEELING!" *sobs*
Facepalm.
Seryoso? Nagawa ko ba talagang pakisamahan ng halos ilang oras tong babaeng to? -________-"
Tss.
_____
A/N: HAHAHA natatawa ko sa kasungitan ni my loves ay este -- teejay :""""") Anyways, sorry for the late update guys. Busy din kasi ako sa book two ng story ko na, 'Kahit na panget ka, Akin ka ;)' Hihi. Sa mga hindi pa nakakabasa, basahin niyo na siya! Completed at May book two na rin siya guys :)))) Hahahahahaha wagas lang maka-promote e noh? xD Hahahaha ayun lang. Nobela na ang aking author's note e xD Haha. Godspeed <3
BINABASA MO ANG
Ang astig kong manliligaw.
RandomSiya lang yung babaeng nangahas na ligawan ako. - Teejay.