Fionna's POV
Pero ang tunay na astig, hindi dapat pinapapansin o pinapahalata na nagseselos siya. Tsktsk. Bawas astig points e.
Para namang tanga na nakangiti habang nakain to si my loves. Tsaka himala, tinanggap niya yung pagkain na libre ko. So it means na, nagpapaligaw na ba talaga siya? :""">
Is this for real? :')
"Waaah!" Nagulat naman si teejay sa pagsigaw ko. "Kinain mo yung libre ko. So it means na nagpapaligaw ka na! Waaah! My loves! You give me a chance!"
Tila naman napawi yung ngiti niya tsaka napalitan na naman ng dakila niyang, POKER FACE. Ganyan talaga pag mga pakipot sa mga manliligaw. "Tsk. Gutom lang talaga ko ngayon." Sabay subo niya ulit ng spagetthi. Hihi. Ang cute niya :>
May sauce pa sa gilid ng labi niya kaya naman kumuha agad ako ng tissue at pinunasan agad yun.
Halata naman na nagulat siya pero imbis na itabig yung kamay ko na kadalasang ginagawa niya e, hinawakan niya pa >//< "S-shane?" T-tapos, tapos..
"WAAAAAAH! Teejay my loves!!!"
Bat naman siya biglang hinimatay? O.O
Teejay's POV
*blink blink*
Tss.
Where am I?
Puti?
O_______o
"F-fionna?" Nahatak ko naman agad yung kamay ko palayo sa kamay niya.
Tsk.
Kapal talaga ng babaeng tong hawakan pa yung kamay ko.
Nagising naman agad siya mula sa pagkakahatak ko ng kamay ko mula sakanya. "Waaaaaaah! Teejay my loveeees!" Yayakapin naman na sana niya ko pero umiwas agad ako at pinigilan siya.
"You're insane. Psh."
"Pakipot mo talaga my loves! Eh ikaw nga tong hinimitay nung pinunasan ko lang yang bibig mo ng tissue eh. Kilig na kilig ang loko! Yieeeee." What the?! Ako? Hinimatay? "K-kaya lang.." Bigla naman napawi yung mga ngiti sa labi niya.
"Kaya lang?"
"Shane yung binanggit mo na pangalan. Sino ba yung shane na yun?" Naalala ko na! Kaya pala ko hinimatay. Tss. Bakla pakinggan.
"N-nakita ko kasi yung mukha niya mula sayo.."
"Ha? Ano? Magkamukha ba kami?"
Oo nga noh. S-she actually looks like shane. Bat ngayon ko lang napansin yun?
"Tss, oo nga. Una na ko." Makabalik na nga lang ng room.
Fionna's POV
Sino ba kasi talaga yung shane na yun?
Ex ba siya ni my loves? G-girlfriend o mas malala,
FIANCEE??! Kagaya nung mga nababasa ko sa stories O____O
*pak*
Natauhan naman agad ako ng batukan ako ni ramona. Kaibigan kong bakla. Kahit naman ang mga astig na katulad ko, nagkakaroon ng kaibigan. Hahahaha nag umpisa nga muna kami ng magka-away ng bakla ba to bago kami maging ganito ka close. Tignan mo nga oh, ang sakit ng batok sakin. "Aray naman baks!"
"Eh kasi naman baks, kanina pa ko salita ng salita dito pero waley pa din! Di mo ko pinapansin at medyo floating in the water ka. For short, lutang na lutang ka!" With matching hampas at taas ng kilay pa yan ha -_-
"Eh kasi baks! Waaaah! Sino ba yung shane na yun?"
"Transfer student yun, tanga."
"Kabatch natin?"
"Hindi. Thirdyear palang yun. Nag ibang bansa kasi kaya nagrepeat pero dapat kabatch natin siya."
"Ahh kaya naman pala."
"Bat naman ata naging interisado ka sa babaeng yun baks? Alam mo, magkamukha nga kayo eh!"
Bigla ko naman naalala si teejay. Tss. Baka nga type niya yung babae na yun. "Tss."
"Ay baks! Ano to? Nahawa ka na sa nililigawan mo? Ngumiti ka naman." Sabi naman ni bakla habang sinu-sundot pa yung tagiliran ko.
"Tss. Wala komg oras makipagbiruan baks."
Pero imbis na tigilan ako ng bakla na to eh mas lalo pa kong inasar -_- "Sus. Sungit sungit ka pa dyan baks. Ang beauty at brain cells ko naloloka na kakaisip kung ano bang problema mo. You make kwento na kasiii!"
Psh. Isang isang na lang talaga. Baka mahambalos ko na to si ramona. "Baaaks --"
"Eh sa nagseselos nga ko baks eh!" Halos pasigaw ko naman na sabi kaya halos lahat ng attention ng classmates namin eh, nasa amin na naman. Buti free time kami ngayon tsaka wala kaming teacher.
Ngumiti nalang naman na ko tsaka nag peace sign. "H-hehe. Sorry." Tss. Nakakahiya. Pati si my loves napatingin. Pero chance ko na to. "Tsaka kasi, nagseselos lang talaga ko. Teejay my loves naman kasi ehh! Yung shane na yun? Type mo noh? Eh halos magkamukha lang naman daw kami nun. Bat di nalang ako? Tagal tagal ko ng nanliligaw sayo.."
Halata naman na nagulat si my loves pati nadin yung iba king classmates. May mga natawa pa nga.
Sino pa nga ba, edi ang mean girls.. "Haha. You're pathetic!"
"Bat kasi ikaw pa ang nanliligaw?"
"Eh bakit kasi hindi nalang ako fionna?"
"Oo nga. Kami nalang fionna! Sasagutin ka agad namin." Tss. Isa pa tong mga ugok na to e -.-
Natigilan naman sila nung nagsalita si teejay. "Tss. Will you shut the f*ck up?!" Nagulat naman ako ng tignan ako ni my loves. "And fionna, please. Just get over me. Ayoko sayo at kahit kailan hinding hindi kita magugustuhan. Simple as that."
Teejay's POV
Natahimik naman lahat ng classmates ko lalo na si fionna. Tss. Napasobra na naman yata ako. Nakakairita naman na kasi eh.
"Masakit, oo. Pero di parin ako sususko. Liligawan parin kita sa ayaw at sa gusto mo." Pagkatapos naman sabihin ni fionna yun eh patakbo na siyang lumabas ng classroom tapos sinundan din agad siya ng classmate namin na bakla. Tch. Iiyak na naman ba siya ng dahil sakin?
Kinokonsensya na naman tuloy ako..
BINABASA MO ANG
Ang astig kong manliligaw.
RandomSiya lang yung babaeng nangahas na ligawan ako. - Teejay.