Fionna's POV
= Recess =
Naiwan naman ako mag-isa dito sa classroom. Umiyak lang kasi ako nung first three subjects namin kanina...
Kahit naman kasi ang astig na katulad ko, naiyak o nasasaktan minsan.
*Blag*
Nagulat naman agad ako ng bumagsak yung mga gamit sa may cabihole namin tas may paa sa ilalim nun. Tss. Sino naman kaya tong estudyante na to? Nagtago pa talaga sa likod ng cabihole. Siguro pinagkasya niya pa sarili niya dyan.
"Lumabas ka na dyan, huling huli ka na oh. Kitang kita ko yung paa mo."
Unti-unti naman siyang lumabas dun sa pinagkakataguan niya. Tignan mo to! Nagulo pa tuloy yung mga gamit sa cabihole --
O///O
"T-teejay my loves?"
Teejay's POV
Tss, bwisit na konsensya to.
"Tsk." Bungad ko naman agad sakanya pagkalabas ko dun mula sa pagkakatago ko sa likod ng cabihole namin. Kaasar. Nagusot pa tuloy yung uniform ko kasi pinagsiksikan ko yung sarili ko dun.
Napatayo naman agad si fionna tapos patakbong lumapit sakin. "Eh anong ginagawa mo sa likod nun? Tanga ka din e noh? Tignan mo tuloy yang uniform mo, nagusot na nadumihan pa." Sabi naman niya habang inaayos pa yung uniform ko pero pinigilan ko agad siya.
"Tss. Di ka man lang ba nagagalit sakin?"
"Ha? Bakit naman?" Tignan mo tong babaeng to. Slow as ever.
"Namamaga yang mata mo oh. Halatang umiyak ka ng dahil sa sinabi ko sayo kanina."
"Ano ka ba, my loves! Okay lang yun! Nag effort ka naman na suyuin agad ako e. Hihi." Baliw talaga tong babaeng to.
"Psh. N-no, i'm not."
"Sus! Deny pa! Kaya pala may patago-tago ka pang nalalaman ha! Yieeeeee." Sinundot sundot pa niya yung tagiliran ko kaya naman hinawakan ko agad yung kamay niya para pigilan ulit siya.
"Tignan mo my loves! Hawak-hawak mo pa kamay ko ngayon. Eeeeeh. Bati na talaga tayo! Pinapatawad na kitaaaaaaa!"
N-napabitaw naman agad ako sa kamay niya tsaka napangiti ng pang-asar. "Feelingera. Haha."
"Waaah! Tumawa ka my loves! Himala na ba ito?" Tss.
Eto na naman tayo..
Fionna's POV
"Psh. Bahala ka nga maiwan dito sa room." Ay, biglang napawi yung ngiti?
"Bipolar mo talaga my loves! Sabay na tayo mag recess! Treat ko na!" Kahit maubos man pera ko ngayon para lang kay teejay my loves :')
Eh sa pinakilig niya talaga ko ngayong araw e.
Naglalakad naman na palabas ng room si teejay kaya sinundan ko agad siya tsaka hinatak pababa ng canteen.
"Anong gusto mong kainin my loves?" Tanong ko kay teejay habang natingin tingin kami ng mga ulam tska pagkain dito sa canteen.
"Tsk. I'm full, no worries. Ikaw nalang kumain." Tapos nagsimula na siyang maglakad palayo. Ano daw? Pero bat naman siya nagpahatak pa sakin papunta dito sa canteen? Lalaking yun talaga.
Pero may napansin lang ako, mukha siyang nagmamadali na ewan.
Bakit naman kaya? May gusto kaya siyang makita o maabutan sa ilang estudyante sa labas ng canteen na pabalik na ng room nila?
Teejay's POV
I admit it, gutom na talaga ko pero mas pinili kong lumabas agad ng canteen nung nakita kong palabas na ng canteen sina shane para bumalik na sa room nila.
Shane was my first love.
Magkababata kami pero para bang di niya na ko na-aalala. Not even my existence. Siguro kasi masyado pa kaming mga bata nung mga panahon na yun and nagkahiwalay din kami for almost how many years..
Buti nga nalaman ko na dito narin pala siya nag aaral. I even searched for her..
Pagkalabas ko naman ng canteen e, napatid pa ko. "Tanga mo naman pre. Haha." Tss, kaya naman pala. Pinatid ako ni justine. He's my rival since elementary. Mapa sports man yan or academics.
Di ko naman na siya pinansin tsaka ko tumayo ng maayos pero nagulat ako ng biglang may umalalay sakin para tuluyan akong makatayo ng maayos.
O//O
"S-shane?"
Fionna's POV
Pagkatapos ko naman um-order eh pinabantay ko muna kay na kuyang taga punas ng mga lamesa yung pagkain para sana hanapin ulit si teejay my loves. Alam kong gutom na din yun e. Nagpapakipot lang siguro sakin kanina.
Pagkalabas ko naman agad ng canteen eh nagulat nalang ako ng may umalalay na babae kay teejay kaya napatakbo agad ako papalapit sakanila tsaka hinatak palayo si my loves dun sa babae. "W-wait! Si shane!" Tinanggal naman agad ni teejay yung pagkakahawak ko sakanya tsaka lumapit ulit dun sa babae. S-so? Magkakilala pala sila?
Parang may sinabi lang naman si teejay nun tas lumapit na sakin ng nakangiti. "So, let's eat? Gutom narin ako e."
Seriously? Ang masungit at parang yelo na my loves ko eh, napangiti lang ng simpleng babae na yun kanina?
NAKAKASELOS HA.
BINABASA MO ANG
Ang astig kong manliligaw.
AcakSiya lang yung babaeng nangahas na ligawan ako. - Teejay.