Ramona's POV
Gaga talaga tong bakla na to. Iiyak-iyak na naman ngayon dito sa may rooftop ng school namin. Hay nako! Mini-make sayang nga ang kanyang beauty ng dahil lang kay teejay! "Oh ano na baks? Tapos ka na ba dyan?" Sabi ko habang hinihimas himas pa yung likod niya. Humahagulgol na siya eh. Astmathic pa naman tong babaeng to.
"A-ang sakit baks eh *sobs* Bat nagagawa niya kong pahiyain ng ganun? *sniff* Alam mo naman na kahit ang astig na babaeng katulad ko, n-nasasaktan din naman diba? *sobs*" Sagot naman niya habang may pa singhot singhot pa sa sipon niya kaya binigay ko agad sakanya yung panyo ko. Halata nga na nasaktan siya masyado sa sinabi ni teejay. Gagang bakla to. Kundi ko lang to bestfriend.
"Gaga ka kasi baks! Bat ka nagpapakatanga ka kay teejay? Hinayaan ko na nga lang yang kayibangan mo na ligawan siya eh. Pero ngayon? Tama na baks. Isipin mo din yung sarili mo.."
Natahimik naman agad siya sa sinabi ko tsaka natulala sa kawalan.
Tss. Ano naman kaya nasa isip ng bakla na to? "A-alam ko na baks!" Nagulat naman agad ako kay fionna. Oh bat nakangiti na tong bakla na to? Moodswings?
Pinunasan naman agad niya yung luha niya tsaka suminga sa panyo ko. "Eew! Sayo na nga yan baks!"
"Hahahahaha. Lalabhan ko nalang baks. Pero thankyou nakatulong yung sinabi mo.." At talagang ngumisi pa ang gaga. "Mag aayos na ko ng sarili ko at magpapakababae kagaya nung shane na yun para magustuhan na din ako ni my loves! Kasi diba sabi mo isipin ko din yung sarili ko? Hihi! Sa ganung paraan, magugustuhan niya na din ako. Waaah! Thankyou talaga baks! Thankyouuu! Tara cutting na tapos mag mall tayooo!"
O____O
Hay. Isa nalang masasabi ko sa gaga na to, Abnormal na slow pa -.-
Fionna's POV
Ano ba to si ramona. Imbis na tulungan akong mag shopping nag boys hunting pa ang bakla! "Waaah baks! Ang gwapo nun oh!" Hinatak naman agad ako ni bakla para magpapicture sa lalaki na yun.
Ay oo nga, gwapo si koya. Pero syempre mas gwapo si my loves :')
"Picturan mo kami baks! Daliiii!" Tss, ginawa pa kong photographer ng bakla na to -.-
After naman ng halos isang daan na lalaki na nilandi ng bakla na to eh sa wakas, nakapagshopping na kami.
Kaya lang di ako sanay sa mga pinagpipili nito ni bakla para sakin. Puro mga dress tsaka see through. "Tara na baks! Salon naman tayo tapos suotin mo na yang mga pinamili natin." Hinatak naman agad ako ni bakla sa isang salon.
"Yes mam? Haircut po?" Tanong naman agad samin ni ateng nasa counter.
"Ay hindi ate, v-cut. Naghahanap kami ng v-cut. Gutom na kami eh. Malamang, salon to diba? Hair and Make-up ate. Haha ikaw naman kasi.." Pabirong sabi naman ng bakla na to! Hahaha gaga talaga to!
"U-uhm sige po sir. 500 po."
Kumuha naman agad si bakla mg 1,000 sa wallet niya. "Oh ayan, keep the change." Eto gusto ko dito kay bakla eh, gallante :')
Napangiti naman agad si ate sa counter. Malamang, 50% din yung kita niya dun sa binigay ni baks. "Hahaha kala mo naman may change ate. Syempre magpapaayos din ako. Haha tara na nga baks!" Hahaha paasa din tong bakla na to ba.
May mga lumapit naman agad samin na bakla tsaka kami inayusan. Grabe. Parang ang dami rin nilalagay mukha ko ha. Tapos yung buhok ko na hanggang bewang na eh, nilagyan ng stlye. V-shape daw tapos kinulayan na din ng medyo brown na gold.
After,.asdfghjkl three hours naman eh. Natapos nadin kami ayusan ni bakla.
Napatingin naman agad ako sa salamin.
O_____O
S-seriously? A-a-ako ba to?
Teejay's POV
"Excuse me. Nakita mo ba si err. Tss. S-si fionna?" Tanong ko sa isa kong classmate. Uwian na rin kasi pero di parin nabalik sina fionna pati yung bestfriend niyang bakla na si ramona.
Psh. Don't get me wrong. Di ako concern. Baka nga nag cutting lang yung dalawa na yun.
But, I-it's just that. I hate this, "konsensya" thingy..
Napaiyak ko namana si fionna eh. Me and My big, big mouth -.-
"Hindi eh. Malamang nag cutting na yung mga yun. Sige, una na ko." Sagot naman ng classmate ko.
"Surething."
Tch. Asan na kaya yung babae na yun? Sa mall kaya malapit dito sa school? Nah. I hate to say this but, I need to find and apoligize right now to her.
Justine's POV
Habang nagikot-ikot naman kami ng pinsan kong si kyle dito sa mall eh nakuha agad ng atensyon ko yung babaeng naglalakad na papalapit samin ngayon.
God.. S-she's beautiful. Ngayon lang ata ako natulala ng ganito sa tala ng buhay ko. "Oy pre! Ano ba yan! Bat ka natulala dyan?"
"Ang g-ganda."
Napatingin naman din si kyle sa direksyon na tinitignan ko. "Pft -- Sino si ramona? HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHA."
Nawala naman agad yung ngiti ko at nabatukan ang ugok na to. "Tanga! Yung kasama niya!"
"Makabatok ka naman! Eh si fionna lang naman yun. Nag ayos lang."
What the --
Si fionna? Yung babaeng nangahas na ligawan yung lokong teejay na yun?!
Bigla naman akong napangiti ng nakakaloko dahil sa naisip ko..
Para sayo to teejay. *smirk*
Fionna's POV
"Baks talaga! Dapat pala di na kita pinaauyasan. Halos lahat na ng atensyon na sayo eh!" Sabi naman ng bakla na to habang naglalakad lakad kami dito sa mall. Tss. Medyo iritable kasi ako sa skirt na binili nito ni bakla para sakin kaya binaba ko din ng binaba kasi feeling ko minamanyak na ko ng mga nakakasalubong namin ngayon -.-
Nagulat naman ako ng may lunapit samin ni bakla tsaka may pinaikot sa bewang ko na jacket para di na ko masilipan O//O
Ngumiti naman siya ng nakakaloko sakin. "J-justine?!"
BINABASA MO ANG
Ang astig kong manliligaw.
RandomSiya lang yung babaeng nangahas na ligawan ako. - Teejay.