Fionna's POV
Pagkatapos naman namin dumaan sa puntod ng lolo't lola ni my loves e, sinama niya ko pauwi sakanila.
Enebe, baka ipapakilala niya na ko sa parents niya kasi kilala na ko ng ate niya diba? :""""">
Papasok naman na kami ng bahay nila my loves ng bigla kaming sinalubong ni --
"S..shane?"
A-anong ginagawa niya sa bahay ni my loves? :((((
Teejay's POV
Tsk.
Laki ko talagang tanga. Ano ba pinagsasabi ko kanina?
Na, naiinlove na ko kay fionna?
Psh. Teejay! Hindi ikaw to (_ _")
Sinama ko nalang din naman si fionna pauwi ng bahay ng bigla kaming sinalubong ni shane.
Tss, ginagawa ng babaeng to sa bahay namin? -.-
Psh, naalala ko na. May dinner nga pala kami kasama sina dad.
Si ate nga mismo nagplano na isama ko si fionna sa dinner na to. Ewan ko ba pero sana nga makaalis na din ako sa arranged marriage na to -.-
"Ow! Fionna, right?" Maarte naman tanong ni shane kay fionna. "Omy! Totoo nga yung sinasabi nila, kamukha kita! Hihi." In-offer na din naman niya yung kamay niya kay fionna. "Anyways, I'm shane. Fiancee ni teejay." Nagulat nalang din naman ako sa sinabi niya.
"Fiancee?" Nagtataka naman tumingin sakin si fionna kaya nahalata ko din na nasasaktan siya.
Shit. Di ko kaya to kasi alam kong si fionna yung laging nandyan sa tabi ko.
A-ang hirap na makita siyang nasasaktan ng ganito. Shit lang talaga.
A-ano na ba talaga nangyayari sakin?
Maglalakad naman na sana palayo si fionna ng bigla ko siyang pigilan. "No, she's not. She's not my fiancee." Natigilan naman agad si fionna pati na rin si shane na nagulat sa sinabi ko. "At ikaw yung fiancee ko ngayon. Wala ng iba." Hinawakan ko naman agad sa kamay si fionna na hanggang ngayon e, shock pa rin sa pangyayari at namumula dahil sa mga sinabi ko. Tss. Magfefeeling na naman to pero mas okay nalang din to kesa tuluyan na kong mafixed marriage kay shane. "If you'll excuse us. Ipapakilala ko lang si fionna my loves kay na dad." Nanlaki din naman yung mata ni shane tsaka namin siya nilagpasan ni fionna.
S-sana lang maniwala sina dad sa plano kong to..
Psh. Ang hirap maipit sa ganitong sitwayson -_____-
Fionna's POV
Hinatak na din naman na ko ni my loves papuntang dining room nila.
D-di pa rin ako makapaniwala na pinakilala niya kong fiancee kanina :""""> enebe! Hihi.
Pagkapunta naman namin ng dining room e, sinalubong agad kami ng parents niya.
B-bigla naman akong kinabahan lalo na sa tatay ni my loves na biglang naging seryoso yung mukha lalo na nung nakita ako.
"Oh teejay! Good evening anak! May I know who is she?" Nakangiti naman na tanong ng mommy niya.
Waaaah, ako yung kinakabahan sa ganito e >////<
"She's fionna. My fiancee." Pormal naman na pakilala sakin ni teejay my loves at mas lalong nanlaki ang mata ko ng magsalita ang dad niya na napatayo pa sa gulat.
"WHAT THE?! SI SHANE ANG --" Pinutol naman niya agad yung sasabihin ng dad niya.
"I quit. Ayoko ng arranged marriage dad. Hindi siya ang tunay ng mahal ko. This girl beside me is the truly one I love, nobody else." Hinigpitan naman lalo ni my loves yung pagkakahaway niya sa kamay ko. Kyaaah! Kulang nalang himatayin ako dito :""""""""">
Di naman agad nakapagsalita yung daddy ni my loves ng bigla din tumili si ate mia, ate ni my loves. "Kyaaah! Totoo yun dad! She's teejay's girlfriend and soon to be his wife. Di naman po kailangan maipit ni teejay sa arranged marriage right?" Nawala naman yung ngiti at kilig ko ng biglang nagdabog yung daddy ni teejay. Waah! Ayaw siguro sakin ni father-in-law!!
"DI PWEDE! MATUTULOY ANG KASAL NIYO NI SHANE NO MATTER WHAT HAPPENS!!" Galit naman na sabi ni father-in-law. Huhuhu ano ba meron kay shane? Bat dun siya boto? T.T
Napabitaw naman ako kay my loves pero binawi niya ulit yung kamay ko at sinagot ulit yung dad niya. "No dad! Ayoko ipakasal sa taong di ko naman talaga mahal!! At sawang sawa na ko sa pagsunod sa mga kagustuhan mo. I'm sorry dad. Kung di niyo matanggap si fionna, aalis nalang din ako ng bahay na to." A-ano daw? O///O
Hinatak naman agad ako ni my loves palabas ng bahay nila tsaka kami dire-diretsong sumakay ng sasakyan niya. Ni hindi na nga siya nagpadrive sa personal driver nila. Pero teka!! "Waah my loves!! Marunong ka magdrive?" Napatingin naman agad siya sakin pero kunot pa din ang noo.
"Tss, obvious naman diba?" Waaah. Ang moody ni my loves T___T
"S-sabi ko n-nga.." Umiwas na din naman na ko ng tingin.
Huminga naman siya ng malalim. "Look fionna, I'm really sorry. Nadamay ka pa kanina." Napangiti naman ako ng palihim. Ehkeshenemen pinaglaban niya ko sa daddy niya. K-kaso yung mommy niya halatang nag-aalala din kanina at nagulat sa inasal ni my loves.
"Eeeh -- ay ibig kong sabihin! Ano ka ba my loves! Wala yun, hihi." Kyaaah dapat di ako kinikilig kasi seryosong usapan to pero bakit di ko mapigilan :""">
"Haha. Kinilig ka lang eh." Tinapik naman niya ko sa noo. "But I'm still worried.. about my parents. Alam kong galit na galit sila ngayon lalo na si d-dad.." Napatingin naman ako sa labas habang patuloy pa rin sa pagdridrive si my loves.
"Pero pinaglaban mo lang naman yung karapatan mo diba? P-pinaglaban mo lang din ako. Hihi. Ikaw talaga my loves!!"
"Feeling talaga, tss." Napangiti naman siya ng bahagya. Hahahaha kinikilig lang talaga ko :">
"San na nga pala tayo pupunta nito?"
"Sa bahay niyo muna." Cool naman na sabi ni my loves :')
O M G.
MAMANHIKAN NA BA SI MY LOVES? '"""""> KASO SI M-MOMMY NGA PALA NASA BAHAY.. WAAAAH. ANO NG GAGAWIN KO? MAY PAGKA-OA PA NAMAN SI MOM T______T
"Oh? Bat parang nagulat ka? Ikaw nalang naman mag isa sa bahay niyo diba. Tsaka wag ka assuming. Di naman kita tatabihan sa kwarto at wala kong balak na masama sayo, tss." Napansin ko naman na nasa loob na din ng village namin yung sasakyan ni my loves.
"Waaaah!! S-si mommy kasi!!" Napatigil naman si my loves pero saktong nasa tapat na din kami ng bahay kung saan naghihintay si mommy sa tapat ng gate. Waaah. Bat ba kasi ang bilis magdrive ni my loves T____T
Sabay naman kami lumabas ni my loves sa sasakyan niya ng agad na magsalita si mommy. "Fionna! San ka galing, aber?!" Napatingin naman agad si mommy kay my loves.
"A-eh.. mommy. Sa bahay po ni --" Di ko naman na natuloy yung sinasabi ko ng biglang sumingit si my loves.
"Goodevening tita. Ako po yung reason kung bakit medyo ginabi ng uwi si fionna. I'm sorry." Napatakip naman ng bibig si mommy na parang ang lalim pa ng iniisip.
"A-ano ka ng anak ko iho?"
"I'm teejay. Fionna's fiancee." Cool pa na sabi ni my loves habang ako eh halos mapaihi na dito sa kaba. Waaah!!
Nanlaki din naman yung mata ni mommy. "F-fiancee?" Di naman nakapaniwalang tanong ni mommy tsaka unti-unting hinimatay. WAAAH!!
"MOMMY/TITA!"
___
A/N: Ayan kasi teejay! Fiancee pa more hahahaha :') Sorry for the late update guys!
BINABASA MO ANG
Ang astig kong manliligaw.
RandomSiya lang yung babaeng nangahas na ligawan ako. - Teejay.