DDLAP.#KAMANYAKAN10

17.2K 98 0
                                    


YUMI's POV

Nasasaktan na naman ako.

Sa pangalawang pagkakataon, nasaktan na naman ako.

Tama si Renz, mahina ako.

Nagkamali ako.

Mali ang desisyon ko.

Ngayon lang naisip ko na, WALA PA LANG KAMI.

Anong aasahan ko?

Wala akong panghahawakan, kasi walang kami ni Renz.

Nahihiya na ako sakanya.

Siguro iniisip na niya ngayon na ang babaw at ang bobo ang tanga, ang gaga lahat na.

Okay lang.

Tanggap ko.

Pero sa totoo lang, namimiss ko na talaga siya.

Hinahanap-hanap ko siya.

Di niya na ako pinapansin simula nung nag usap kami.

Nasasaktan ako at naduduwag na naman ako.

Kaya, tatakbuhan ko na naman ang problema ko.

Pero di na tulad ng dati, ayoko na ulitin yun

Aalis na ako, at magtatrabaho ng maayos.

Wala din namang pake si Renz kasi wala namang kami kaya sino ako para problemahin  at isipin niya?

Isa lang akong babaeng handang ipatikim ang katawan ko sakanya.

Kahit na gustong-gusto ko na sabihin sakanya ang mga salitang, Mahal kita.

Oo mahal ko siya.

Nahulog ako kaya talo na naman ako.

**

Alas 4 na ng hapon at naayos ko na lahat ng gamit ko. Aalis na ako.

Iiwanan ko na ang mga alala namin ni Renz dito. Ayoko na umasa, ang kapal ko na masyado.

Pero gusto ko lang itanong sakanya, pwede kayang mahalin niya ako?

Renz, Hanggang dito nalang ba tayo?

Di ba pwede mahalin mo ako? Di ba pwede kausapin mo ako?

Pero hanggang dito nalang nga. Hanggang imahinasyon nalang ako.

How Pathetic I am right? Tsk!

Inayos ko na ang maleta ko at lumabas na ng kwarto. Nakapag paalam na ako sa may-ari kaya wala ng problema.

Nakayuko ako habang naglalakad. Dala dala ang maleta ay naglakad ako hanggang sa nakita ko ang dalawang pares ng pamilyar na sapatos.

Tumungo ako at nakita ko si Renz na nakayuko.

Aalis na sana ako at lalagpasan ko siya ng hawakan niya ang braso ko.

"San ka pupunta? Hindi mo nadin ba nakaya at tatakbo ka ulit? Hanggang kailan mo tatakbuhan ang problema mo? Bat ba ang hina mo!" di siya nakatingin saakin, mahina lang ang pagkakasabi niya pero masakit at madiin.

Totoo naman kasi.

"N-nahihiya na kasi ako sayo Renz. Para matigil ka na at malimutan mo na ang katulad ko, na bobo, tanga, lahat na. Hiyang-hiya na ako. Kasi dahil lang dun, dahil sa ex na yun naging ganito ako!"

"Wag na wag mong sisihin ang ibang tao sa pagkakamali mo Yumi, dahil kung sana nag isip ka ng mabuti? Di yan mangyayari sayo. Pero nagpapasalamat ako dahil sa katangahan mo, nakilala kita, at natuto akong -- MAGMAHAL"

Pagkatapos niyang sabihin yun ay hinila at niyakap niya ako.

Ano raw? O.O

"Ano yung sabi mo Renz?" tanong ko pa.

"Sabi ko, Mahal kita Yumi" sabi niya ulit sabay ngiti at hinagkan ako sa noo.

"Kung natatakot ka, may kasama ka na, kung di mo na kaya andito ako, kung iniwan at pinagpalit ka ng ex mo, wag ka mag alala nandito ako kasama mo di kita iiwan Yumi. Ang tanga ko pag iniwan kita. Hayaan mo na ako ang pumuno ng pagkukulang ng ex mo. Tuturuan kitang mag move on" sabi niya pa sabay ngiti.

"Sus. Pero Renz, wag mo akong mahalin dahil nakatikim ka na sakin, mahalin mo ko kasi mahal moko. Hindi libog kundi mahal mo talaga". sabi ko pa

"Aba! Pinagdududahan mo ko Yumi? Eh sino ba unang pumasok sa kwarto ng may kwarto na naghu---asgssgs" di ko na siya pinatapos magsalita at hinalikan ko na. Ang daldal eh.

"So, tayo na ba Renz?" nakangiti ko pang tanong sakanya.

"Eh? ano ka, sineswerte? Ligawan mo muna ako noh!" sabi niya at nag cross arms pa. Ang cute ng gago! Haha.

"Hala! May pa ligaw-ligaw ka pa, inuna na nga natin yung honeymoon natin nung ---@&#*$" pinutol niya ang sasabihin ko ng isang halik.

Grabe lang, di ako makapaniwala.

Sana ito na Lord, wala an akong mahihiling pa Lord.

"Ehem! So, pwede na ba kami pumasok? Overtime na eh! Hahaha
Grabe na yung teleserye Hahahaha"

Napatigil kami sa paghahalikan ng marinig namin ang mga kasama namin sa boarding haus na nasa labas nanunuod lang pala.

Umayos kami at ngumiti nalang.

"I love you Yumi" bulong ni Renz sa tenga ko kaya nakakakiliti

"I love you too Renz" bulong ko din pabalik sakanya.

- End of Chapter 10

Dingding lang ang pagitanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon