Zai's PoV
Nung sabado ko pa talaga iniisip kung kanino galing ang letter na yun.
Yung unang letter na nakuha ko ay may nakalagay na 'Gray hunters', pero ba't yung pangalawang papel ay may 'HB'?!
"Ah! Shit!" Nabato ko ang ballpen ko sa harapan. Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa inis.
"Miss Martinez, why did you shout? We're in the middle of the class." Napatingin ako sa nakakunot noong propesor namin.
Kitang-kita na ang wrinkles niya. Pft, signs of aging.
"Nothing." Tinignan ko lang siya sa mata niya. Glaring. "Proceed, Merced."
Lumunok muna ito, bago inalis ang tingin sakin.
Tch, tiklop agad. Halos lahat ng mga propesor ay takot sakin. Hindi lang pala sila, pati ang mga estudyante. I don't know why. Lage lang nilang sinusunod ang gusto o sinabi ko. Weird, isn't it?
Pero, I don't mind. Buhay na nila yon.
I shook my head para mailabas ang letter na iyon. Mamaya ko nalang iyon iisipin.
Pero----
Tumayo ako at lumabas na ng silid aralan. Hindi ko talaga mapigilan. I need to know the person behind HB. Kailangan kong malaman kung sino ang pumatay ky Sam. They need to pay.
Oo, aware kaming lahat sa pinasok namin. May mamamatay sa ayaw't sa gusto namin. Pero ito pa ang unang beses na nangyari to! Sa dinami-dami ng natalo namin. Ngayon pa ito nangyari.
Kaya hindi ko ito agad matatanggap.
Nang makita ko ang motosiklo koy agad akong sumakay at pinaharurot ito.
Ang burol ni Sam ay nasa light funeral chapels. Covered lahat ng BQC. Hindi ko alam kung sinabi ba ni Sam, sa pamilya niya ang pagsali niya sa gang.
Kasi, parang alam na nila na mangyayari ito.
Bumisita kami duon kahapon. We did not see anyone mourning. Parang, walang nangyari. Normal lang talaga, na parang nag reunion lang. Which is really weird.
Pagbaba ko sa motor koy dumiretso ako sa opisina ko sa HQ. Kailangan kong malaman kung sino ang namamahala at ano ang HB.
May isang pribadong website kaming mga gang. High-end gangs. Inopen ko ang account namin.
As usual. Andaming death threats na natanggap namin. Pero walang niisang tinangkang gawin iyon.
In total of 59,765 gangs/community ang nakaregister. The hell! Pano ko sila mahahanap neto?!
I pressed the letter H para lumabas lahat ng gangs na nagsisimula sa letrang H.
Total results: 674
This will take me for hours!
Hunks
Hovert
HTC
H.O.U.R.T.
Hogs
Hokings Vikings
Scri-noll down ko pa pababa, pero wala talaga! Amputek!
Ugh! Baka local lang to na gangsters? But how did they afford a bomb, kung local lang sila? Fudging shiz!
Maybe they're new sa organization? Pero, pano nila nakilala kami?
Ginulo ko ang buhok ko sa inis at pagod.
Nag type ako ng 'B' hoping na makikita na. Hayy. Srsly, this will take me for years!
BINABASA MO ANG
Cold-Hearted Princess
Mystery / ThrillerZaila Maudeen Martinez. She used to believe in fairytales, true loves, happy endings, prince charmings and happily ever afters. But someone scarred her belief. From that day, she loathe all the guys she meets or sees. That day, she became the Cold-h...