Ailyne's PoV
Akala ko wala ng ikakaginaw pa tong si Zaila. Masaya nga kami kasi nuon ganun lang siya kaginaw. Nakakausap pa namin, tanging ekspresyon niya lang ang di namin nababasa.
Ngayon gumrabe. Puta! Di namin alam na andun pala sina tita!
Hayy, nandito kaming lahat sa condo namin. Nakatulog na kami ng nakarinig ako ng mga bagay na nabasag sa labas.
Palabas koy nakita ko siyang nagbasag basag ng mga bagay. Aawatin ko sana, pero pinigilan ako ni Stephany.
Nagtanong ako sa kanya kung anong nangyari. Kinwento niya sakin na kasama si tita sa binombahan nilang auction. Di niya sana ipapatuloy pero di na naagapan.
Ibinalik ko ang tingin ko kay Zaila. Nasa isang sulok lamang siya ngayon nagmumukmok.
**
Dalawang araw na ang lumipas, nasa kwarto lang niya palage si Zai. Di na lumalabas para kumain. Kay hirap naring makausap.
Iniimbestigahan narin ang pagsabog ruon. Madami ang nakatakas sa pagsabog. Tantsa ko, may nakaalam tungkol rito. May iba ring nasa loob. Pero di pa na identify.
Madali maiidentify kasi mahina lang na bomba ang ginamit ni Stephany. Mabuti nalang di niya sinunod ang utos ni Zai na, yung malakas na bomba ang ilagay. Tsk.
Biglang bumukas ang pintuan, iniluwa neto si Stephany nakakagaling lang sa HQ.
Humilata siya sa tabi ko, inunan ang ulo sa paa ko. Wow. Galeng eh noh? Di ko nalang siya pinansin at nanuod nalang ulit.
Nasa sala kasi ako ngayon nanunuod ng tv.
umabot siya ng popcorn sa mesa at kinain ito.
"Si Zai? Kumain na ba?" Tanong niya habang nakatuon ang paningin sa pinapanuod ko. Wildflower.
"Di pa eh."
Eto na! Malapit na sa eksenang gusto ko!!
"Tinawag mo ba?"
Aba'y! Ang ingay neto. bahala ka dyan! Di ko na siya pinansin at nanuod nalang.
"Hoy!"
Ayan na!! Pumasok na si Camia Cruz! Go mommeh! Mommy ko yan. Shh, secret lang naten.
sampalan na this.
"Yan ba yung ssinasabi mmong nanay mo? Mapagkakamalan kang yaya kung nagkakataon. Ganda oh!"
Tinignan ko siya ng masama pero di niya ko pinansin. Tse! Malapit na.
"Ayanna!"
*slap*
*slap*
"Ano? Nastress kaba Emillia?!"
"Yown! Tendengdengdeng! And the winner is Camia Cruz! And the crowd goes wild!!" Sigaw ko.
Napabalikwas sa pagkahiga si Steph. Kasi di lang sigaw yun eh.
May freebies yun. Pasuntok-suntok sa ere sabay padyak. Ganun yun mga pre. Buy one take two to!
Hinarap ko siya na may pagtataka at natatawang awra sa mukha niya. Tinitigan ko siya ng seryoso na sinuklian niya naman.
*Slap**slap*
Biglang lumaki ang mga mata niya sa ginawa ko.
"Ano?! Nastress ka ba Stephany?!" Gaya ko kay Camia.
Gusto ko nang tumawa sa ekspresyon niya ngayon. Lumaki talaga mata niya sabay hawak sa pisngi niya.
Tumingin ako sa tv ulit. Galing talaga ng nanay ko. Hayy!!
BINABASA MO ANG
Cold-Hearted Princess
Mystery / ThrillerZaila Maudeen Martinez. She used to believe in fairytales, true loves, happy endings, prince charmings and happily ever afters. But someone scarred her belief. From that day, she loathe all the guys she meets or sees. That day, she became the Cold-h...