Stephany's PoV
It's already midnight. Pero andito parin ako sa opisina. Zai's still inside her office. At di pwedeng iwan ko lang siya dito.
Si Ailyne tsaka si Daphne. Andun sa ground nag orient sa mga newbies.
Tinignan ko ang wall clock. Hayy, ano bang ginagawa ng babaeng yan dyan? Malamit nang mag ala una ng umaga. Di pa tapos. Pati sina Ai at Daph di pa bumabalik, kanina pa yung alas diyes lumabas.
Kanina pa ako di mapakale dito pakiramdam ko talagang may mali sa kinikilos nilang lahat.
Tumayo ako para pumasok sa opisina ni Zai, para tignan kung anong ginawa niya.
Bale pag pasok mo sa pintuan, ang unang makikita mo ay yung mga table naming tatlo nina Ai, sa kaliwang bahagi, makikita mo ang pintuan patungo opisina ni Zai, sa kabila naman pintuan patungong conference room. May iba ring pintuan na di connected sa opisina namin papasok sa conference room.
Pagbukas ko sa pinto. Nakita kong nakatulala lang siya sa shelf na pinaayos niya kay Jamaica.
Kanina pa siya ganyan. Lampas trenta minutos na siyang nakatulala. Pumasok kasi ako kanina dito. Ganyan ang sitwasyon niya kanina. Ano na naman bang problema niya?
Kung di magmumokmok, mag-aalburoto yan at galit sa lahat. Sana, di niya makakalimutan na andito kami para sa kaniya. Hayy.
"Steph, anong---"
Agad kong isinara ang pinto nang narinig ang tinig na iyon. Humarap ako saka nila at bumalik na sa upuan.
"Bumalik na pala kayo. Updates, Duex?" Tanong ko kay Ai.
Bahagyang kumunot ang noo niya. "May problema ba Steph?" Puno ng pag-aalala ang boses niya.
Yumuko ako habang umiiling. "wala naman." Binuklat ko ang mga folders sa lamesa ko. Tapos nato kanina pa. Pero kailangan kong ibahin ang nasa utak ko.
Bakit galit na galit si Zai kanina? Ano ba talagang nangyari? Biglaan pang kinuha ang phones namin. Hindi sumama si Zai sa pag orientate ng mga newbies, pinaiwan ako rito sa opisina at hanggang ngayon, nagtataka ako. Kung bakit umalis si Quizyn?
Kulang pa ba kami para sa kanya? Are we that worthless for her? Binabalewala na niya lahat ng taon na magkasama kami? Para saan pa tong friendship namin ng ilang taon kung iiwan niya lang kami bigla-bigla.
Napatingin kaming tatlo sa padabog na pagbukas ni Zai sa pinto niya.
Tinitigan ko aang walang kupas niyang galit na mukha. Pero wala akong makitang kahit anong emosyon sa mga mata niya. Kahit kailan talaga, ang hirap niyang basahin.
"Tapos na Duex?" walang emosyon niyang tanong.
Napatingin ako kay Ailyne na matamlayng tumango. "Yes, Un."
Tumango ito at lumapit samin. "call them. Pabalikin mo sa grounds. I have an important announcement to make."
nagkatinginan kaming tatlo. Tumango si Ai, kaya tumango narin kaming dalawa ni Daphne. Tumalikod si Zai at pumasok sa opisina niya.
*
"Alam kong madaling araw na, at surprisingly, walang tumakas sa inyo para umuwi at matulog. So that means consistent kayong lahat maging isa rito. Am I right?" Tinitignan ko si Zai habang nagsasalita sa harap ng platform. Napatingin ako sa humigit kumulang na 200 members. Tumango naman ito sa sinabi niya.
Bakit andami?
10 councilors - sila ang namamahala habang wala kaming mga queens.
50 trainors - sila ang mga miyembro na ayaw makisali sa mga gang fights kaya nging trainors at sila ang nagtratrain ng mga newbies
15 medics - sila ang tig gamot ng mga sugat. May sarili narin kaming mini hospital dito sa loob. How? Sponored by Zandro the great!
15 surveillance - tig masid sa mga CCTVs sa buong city at sa compound nat
20 members per Black group (black darlings at black blood) - minsan pag may konteng bakbakan, ang dalawang black groups ang pinapunta namin dun. Why? To train them more, para malaman nila kung gaano ang gang fights.
The rest, ay trainees.
BINABASA MO ANG
Cold-Hearted Princess
Misterio / SuspensoZaila Maudeen Martinez. She used to believe in fairytales, true loves, happy endings, prince charmings and happily ever afters. But someone scarred her belief. From that day, she loathe all the guys she meets or sees. That day, she became the Cold-h...