~4~

3.1K 85 0
                                    

Zai's PoV

Dalawang linggo ang lumipas. Patuloy parin ang every weekends training namin. Dalawang linggo ring hindi ako kinikibo nina Daph.

Ang sakit lang sa damdamin. Ikaw na nga tong nagbkbigay ng advice na ikabubuti ng lahat ikaw naman itong masama para sa kanila. Ang saklap!

"Miss Martinez?" Naputol ang pag-iisip ko nang tawagin ako ni Sir Albert, ang history teacher namin "Are you with us?" Tanong niya sakin habang nakakatitig sakin.

Umupo ako ng maayos at tumango "Yes sir"

Tumango rin siya at nagpatuloy sa pinagsasabi niya.

Pagkatapos nung araw na nagbreak sina Zyn at Josh. Pinasundan ko ang mga boyfriend ng mga kaibigan ko. Hindi ko talaga inaasahan ang mga nakuha na kong impormasyon. I want to tell them pero alam kong maiinis lang sila sakin at iisiping gawagawa konlang iyon.

"Zai, kumain ka na nga. Ilang linggo ka nang ka nang liit lang ang kinakain. Nag tratraining pa tayo. Pumapayat ka na oh" she pinched my arm. To prove to me that i grew thin.

Well, I'm glad na di masyado dinibdib ni Zyn ang break up at pang babae ni Josh. Even though alam kong tinatago niya lang yun sakin, atleast tuwing umiinom kaming dalawa. Inilalabas niya. I know ang babata pa namin. Pero who cares?

"Wala akong gana." Inilagay ko ang mga kubyertos sa plato ko't tinulak ko to ng mahina.

"Magiging okay lang din lahat. Tiwala lang" hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti. Kung ang kahinaan ko ay makita silang umiiyak. Pag nakita ko naman silang masaya ang kaligayan ko.

Tumango lamang ako at ngumiti ng pilit.

"Good. Kahit alam kong pilit yan. Kumain kana" nag make-face ako at umiling ulit. "Zai ang dami kayang batang nagugutom. Pasalamt ka nga may kinakain ka ngayon."

It srucked me.

Hindi dahil na konsensya ako dahil di tinapos ang pagkain ko. Matagal ko na kasing gusto tumulong sa mga batang pulubi. Pero laging nauudlot.

"Alam ko na!" Sabi ko at ngumiti ng malaki. "Feeding program tayo ngayong sabado. Walang ayawan! I'll contact dad later. Okay? Okay! Good" sabi ko't tinapos na ang pagkain. Kahit naman ganito, kailangan kong ubusin to, sayang naman eh.

The days passed like lightning. Sobrang bilis na parang halos wala kang magawa kasi laging kulang ang oras.

And lik what I and Zyn planned. Magfe-feedih program kaming dalawa! Pero iba ang gimik namin. Diba usually magtatayo ka ng stool at maghihintay ka na sila ang pupunta sayo. Well, ang saamin ay kami ang pupunta sa kanila. 

Yes, you heard it right. Papunta kami ngayon sa squatters area with some of my and her bodyguards. 

Nagcoconvoy kami ngayon. Tatlong sasakyan ang dala namin. Ang isang van, na kasalukuyang sinasakyan namin ni Zyn ay andito yung goods. Si Buyler Jones naman ang nagdridrive, Nasa shotgun seat yung isang body guard. May dalawa rin sa harap namin. Ang isa naman andun yung packed lunch. Yung last na van ay andun yung volunteers. 

Oo, may volunteers. Hindi ko alam na may sinabihan palang org si Zyn na gagawin namin to. Kaya ayun, nagvolunteer sila na sasama. Wala akong ibang magawa kundi umo-oo.

"Zai?" Kalabit sakin ni Zyn habang nakakunot ang noong nakatingin  sa labas. "Siba sasakyan yan ni Daph?" Sabi niya't tinuro ang tinutukoy niya.

Tinignan ko muna siya bago binalingann ang sinabi niya. White SUV nga ito na kapareha sa kay Daph.

"Baka kapareho lang Zyn" sabi ko at inalis na ang tingin roon.

Bakit naman sila tutungo sa South. Eh sa pagkakaalam ko wala silang kamag-anak roon. Baka nag-outing? Eh. Kung ganun isinama na sana nila si Zyn. Diba? Ay ewan ko!

"Jones malapit na po ba tayo?" Tanong ko habang dinudungaw ang dinadaanan namin.

"Opo ma'am. Sabi ho ng daddy nyo sa gymnasium po tayo ng sitio'ng ito." Sabi niya habang iniiliko ang sasakyan.

"Huh? Jones ang sabi ko ky dad. Hindi tayo sa gymnasium mag fefeeding program. Kita mismo ang pupunta sa kanila" kunot noo kong sagot sa kaniya.

Nakakainis naman kasi eh! I organized this event! Bakit pa nakikialam si daddy? Yes, I asked financial support from him, pero that doesn't give him the authority to change my plans!

"Iliko mo ang sasakyan!"

"Eh, Zai. Utos yun ng dad mo." Seryoso nyang saad.

Sino ka bang butler ha?! Psh.

"Iliko mo sabi!"

"Miss Zai andyan na po yung mga tao. Hindi na po tayo pwede pumunta sa pamamahay nila."

Pagtingin ko sa harapan. Tama nga siya. Andaming tao sa gym na ito. Hindi naman siya kasing laki ng gym namin sa school na may 6 na courts. Ito 2 lang pero, naamaze ako. Malapit na atang ma puno ang gym.

Ang maganda pa roon hindi sila nakatayo lahat and naiinitan. Talagang nilagyan ni daddy ng mga upuan at electric fans. Nakaramdam naman ako ng konsensya. Kung hindi kami tutuloy riyan at pupunta kami sa mga bahay nila eh. Gugutumin sila mag-aalas onse na kasi. Hayy.

"Iparada mo na't sabihin mo sa ibang ibaba na ang mga gamit" sabi ko sa isang malamig na tono.

Biglang ngumiti si Jones at tumango. "Yes ma'am"

The thought of helping them and making them smile. Makes my heart beat in excitement and happiness.

**

Add me on fb:
Zaila WP

Cold-Hearted PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon