Xhaun's PoV
Ang ingay ng babaeng to! kaya nga andito ako sa loob ng opisina nila kasi ang ingay sa labas. Matutulog na sana ako ng pumasok siya at dumadaldal.
-.-'
ipinikit ko na ang mga mata ko ng biglang bumukas ang pintuan. Akala ko lumabas na siya pero nakita kong kakapasok palang nina Axel kasama si ZM. At umeksenang ihihinto na ang community nila.
"Bakit ZM? Kung related to sa nararamdaman mo. Wag naman sana. Isipin mo ang mararamdaman namin kung gagawin mo yan." Malungkot na sabi ni Ratatat.
Para kasing baril bunganga niya -.- pinangalangan ba nman akong Multo. Kala niya ha.
"Just." Bumuntong hininga ulit si ZM. Di ba 'to napapagod pagbuntong hininga? "Just follow what I said. Ibabalik ko agad."
Tinignan ko si Ratatat. Kumunot ang noo niyang nakatingin kay ZM at bumuntong hininga't tumango.
"Ako na ang sasabi sa iba." Sabi niya at tumayo na't binuksan ang pintuan ng biglang magsalita na naman si ZM.
"Xhaun, samahan mo."
O.O
"What?! NO! Matutulog muna ako."
"Just Follow Madson." May diing sabi pa ni Axel.
Kaya't wala akong choice kundi sumunod na lamang.
"Hoy! Ratatat!" Tawag ko sa kanya pagkalabas ko sa opisina. Nakayuko siyang nagpatuloy sa paglalakad na animong walang narinig. tss.
Itinakbo ko ang distansya namin at hinila ang braso niya.
"Hoy Ratatat! Ba't di ka lumingon? Hindi ko ugaling humabol-habol. Ka---"
"kung ganon. bakit mo ko hinabol?" lingon niya sakin at ngumiti ng nakakaloko. "at hindi Ratatat ang pangalan ko, Multo!" Patuloy niya pa.
"Pake mo ba kung gusto kktang tawaging Ratatat. Tinawag mo nga akong Multo."
"Kung ganon, bakit pahawak hawak ka pa sa braso ko at pahabol-habol pa ang eksena mo. HA? MULTO?"
Napatingin ako sa kamay ko kaya agaran ko ring binitawan ang pagkakahawak ko sa braso niya.
"Ahh-- Tsk."
Tumalikod siya sakin at nagpatuloy ng maglakad. Wala akong choice kundi sundin na lamang siya.
Axel's PoV
"Nung nakaraan, may bumaril sakin." Sabi niya habang may hinahalungkat sa drawer niya. Inilabas niya ang isang gusot na tissue. "Ito ang bahagi ng bala na tumama sa balikat ko. Nakita namin to sa labas. Kaharap sa aking bintana. Malapit sa isang puno." Inilabas niya ang isang kakaibang bala. Kumunot ang noo ko ng makita ito. "After the gunshot, agad akong nawalan ng malay. Pero alam ko na ang rason kung bakit ako nahimatay agad. Hindi iyon dahil sa Gunshot na iyon. Ang nakakataka lang sa ibaba ng balang yan, may initials. BBR."
kinuha ko ang balang iyon at tinignan ang sa ibaba niyon. BBR. Paarang BBQ. Tss. Kulay itim ito, malalaman mo agad na customized dahil sa silver lining sa ibaba.
"Anong plano mo?"
Kinuha niya ulit ang bala pagkalapag ko nito at ibinalot ulit.
"Paiisipin natin silang titigil na tayo. Kasi tanging pumasok sa isipan ko ay nagagalit sila satin dahil malalakas tayo at sa pagdaan ng panahon ay mas lumalakas tayo." Inilagay niya iyon sa drawer niya ulit. "Babalik tayo pag hindi na sila nagpapadala ng kahit na ano."
Third Person's PoV
"Boss. Buhay pa ang lintek!"
"GAGO! Alam ko. Mag inutil!"
Sigaw ko at ibinaba ang tawag. Tss, Simpleng bagay di magawa! Ampuch!
"Boss, umalis raw lahat ng mga tauhan nila sa community nila, walo lamang silang natitira." Sambit sakin ng lalaking kanina ko pa hinihingi ang isang impormasyong kailangang ko pero di mabigay!
Walo? Diba't apat lang sila?
"Walo?"
"Opo sir."
tss. "Start the timer."
"Yes boss."
Tata! Zaila. HA! HA! Sabi ko sayo Zandro, sakin parin ang huling halakhak.
TOO SHORT? MASYADONG MASABAW? NAKAKALITO? AS MUCH AS POSSIBLE, GUSTO KONG MAKAKA-UD. PERO SENSYA NA'T ANG IKLI. BAKA SA SUSUNOD MAHABA NA. DI KO MASTATE KUNG KAILAN AKO MAG-UUD. PERO SANA, SANA LANG. HINTAYIN NYO ULIT SILA. ;)
SARANGHAE! :*
BINABASA MO ANG
Cold-Hearted Princess
Misteri / ThrillerZaila Maudeen Martinez. She used to believe in fairytales, true loves, happy endings, prince charmings and happily ever afters. But someone scarred her belief. From that day, she loathe all the guys she meets or sees. That day, she became the Cold-h...