Dinapuan ng Sakit

163 7 0
                                        

Mahal kong Nanay,

Dinapuan po ako ng sakit na akala ko ay wala nang lunas. At ang sakit na ito ay tinatawag na tigdas. Iyon ang hindi ko malilimutang nangyari sa akin kahit sabihin pa nating ikinuwento lamang ito ng nanay ng aking madrasta na siyang kinilala ko namang Lola.

Nasa Maynila ako nang panahong iyon. At sa hindi malamang kadahilanan ay nagkasakit nga ako. Ilang araw at gabi din akong nakaratay sa ospital puro naka-dextrose pa at maraming aparatus na nakatusok sa akin. Nay, mukha daw akong kalansay. Buto't balat. Maliit at malaki ang tiyan. Minumuta at naghihingalo. Ganoon ang pagkaka-describe sa akin.

Akala nila wala na talaga akong pag-asa pang mabuhay sa mundo. Pinagtiyagaan naman nila akong alagaan. Sabi pa nga raw ng doktor ay 50/50 na ang kalagayan ko. Kaya inuwi nila ako sa bayang kinalakihan ng aking madrasta at doon ko nakilala si Lola - ang tumayong Lola ko noong mga panahong iyon.

Mabait siya at inalagaan niya ako. Pinakain ng mga prutas at iba pang healthy foods. Patag ang lugar. May ilog. May daanan pa nga ng riles ng tren pero hindi tren ang dumadaan kung hindi isang uri ng sasakyang hila-hila ng kabayo na kung tawagin ay "bagonita".

Lumipas ang dalawang taon ay gumaling ako. Nagkalaman at nabuhay. Malaki ang pasasalamat ko sa lola na nag-aruga sa akin. Hindi siya bumitaw sa paniniwala niyang mabubuhay pa ako. Iyon ang simula nang aking buhay sa mundo ng pamilyang kinagisnan ko.

Ngunit, ang akala kong magtutuloy-tuloy na kasiyahan kong iyon ay hindi pala dahil inuwi naman ako sa lugar kung saan lumaki si Tatay.

Paki-buksan ang susunod na pahina, Nay.

Mahal na mahal ko po kayo, Nanay.

Ang iyong nawawalang anak,

Dodoy

NanayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon