Mahal kong Nanay,
Umusbong ang talino at kakayahan ko sa akademiko sa paaralan noong elementarya. Kaya naman kahit nasa last section ako ay hindi ako pinanghinaan ng loob. Matataas na marka ang nakuha ko. Paborito ko ang Heograpiya at Kasaysayan noong elementarya maging ang Sibika at Kultura.
Nang makapagtapos ako sa elementarya ay nakakuha naman ako ng mga awards gaya ng Most Punctual at Most Diligent. Kahit iyon lamang ang nakuha ko ay masaya naman ako dahil napagtapos ako ang anim na taon sa elementarya at naiangat ko ang aking mga grado. Iyon nga lang ay wala po kayo noong araw na umakyat ako sa entablado upang kunin ang diploma ko, Nay. At ako lang yata ang masaya pero hindi si Tatay. Ang madrasta ko naman ay masaya siya pero mukhang iba ang kasiyahang nakaukit sa kaniyang mukha.
High school days. Libre pa noon ang pag-aaral sa hayskul at miscellaneous lang ang babayaran ng mga magulang. Pero ako nag-aplay ako ng scholarship. Kahit na hindi pinalad sa first year at second year na maging scholar, nakapasa naman ako sa entrance exams at hindi na section 6 ako. Nasa section one na ako. Kaklase ko ang mga matatalino.
Noong una ay hiyang-hiya ako kasi ang bag ko na gamit pa noon ay gawa sa pandan o buri. Mukha akong estudyanteng galing isang tribo. Iyon ang lalagyan ko ng mga notebook at iba pang mga gamit. Hiyang-hiya ako noong unang araw ko sa klase. Pero nang sumunod na mga araw ay hindi na. Kasi kahit mga anak mayaman sila ay mababait sila. At wala akong naging problema sa mga kaklase ko. Kaya na-engganyo akong mag-aral pa.
At sinong mag-aakala, Nay na itong anak niyo ay mapapasama sa Honor Roll. First Grading Top 10. Second Grading, Top 8. Third Grading, Top 5 at Fourth Grading, Top 3. Gulat na gulat ang mga kaklase ko sa akin. Hindi nila inakala na may ibubuga rin daw pala ako maging ang aming mga guro ay namangha sa akin.
Sunod-sunod ang naging tagumpay ko sa akademiko hanggang sa tumuntong ako ng second year, third year kung saan naging scholar na ako tapos nang mag-fourth year ako ay na-maintain ko iyon at naging kaklase kong muli sila. Mahirap nga lang ang nangyari nang nasa huling year na ako sa hayskul kasi halos kalahating porsiyento ay kukunin sa academics at sa extra-curricular activities.
Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko nang hindi naagrabyado ang academics ko at scholarship. Sumali naman ako sa ibang extra-curricular activities pero piling-pili lang. Kaya pagdating ng ranking noong fourth year, ako dapat ang nasa rank 10 ng With Honors pero natalo ako sa extra-curricula activities.
Pero okay lang, nakatanggap naman ako ng awards. Best in Araling Panlipunan at Scholar. Marami sana akong awards pero talo talaga ako. Kaya sabi ko sa sarili ko pagdating ng College, pag-iigihan ko pa.
Masaya na ako at nakapagtapos sa elementarya at high school. At ito nga ay magiging College Students na ako.
Mas magiging masaya sana ako kung naroon din kayo, Nanay. Kayo ang dahilan kung bakit nagawa kong makapagtapos sa kabila ng matinding kalungkutang ikinukubli ko sa masayang mukha ko.
Nagtataka nga lamang po ako, Nay kung kanino ko minana ang karunungang mayroon ako. Sana sa inyo po ako nagmana.
Nasasabik ako sa iyo, Nanay. Mahal na mahal ko po kayo, Nanay.
Ang iyong nawawalang anak,
Dodoy
BINABASA MO ANG
Nanay
Non-FictionIkaw ang nagbigay ng buhay. Sa iyo ako ay nanggaling. Namumukod-tanging alaala ko. Pinaka-inasam-asam na makita. O, aking mahal na Ina. Hango sa tunay na buhay.