Grade Three

124 5 1
                                    

Mahal kong Nanay,

Ang pagmamahal ay hindi nawawala kahit dumaan pa ang mahabang panahon. Ngunit hindi ganoon ang nangyari. Oo, masasabi kong minahal ako dahil ako ang panganay pero panganay na anak ni Tatay lamang.

Wala pa akong alam noon na hindi ako tunay na anak ng aking madrasta. Ang alam ko lang ay may nanay ako at may tatay. Pero habang nagkaka-isip ako ay doon ko unti-unting naramdamang naglalaho din pala ang pagmamahal lalo na kung hindi ikaw nanggaling sa tiyan ng madrasta mo.

Oo, inaamin kong naging basagulero din ako noong nasa unang baitang pa lamang ako nag-aral. Ang mga grado ko ay hindi talaga kasing-husay ng mga matatalino pero nakuha ko naman ang ibang ribbon na isinabit sa akin - Well-Groomed, Most Punctual at Well-Behaved.

Nakakatawa po ba, hindi ba, Nay? Tawa po kayo. Kasi sinong mag-aakala na Well Behave ako noong Grade One pa lang? Ang layo kasi ng ugali ko sa paaralan. Pero alam ko namang mabait ako e. Pasaway nga lang noon kasi first year ko pa lang sa elementarya. At sa bundok pa ang lugar ng aking pinag-aralan.

Kailangan magising ako nang maaga. Kailangan maunahan kong magising ang mga tandang na alagang manok nila lolo at lola na magulang ni Tatay upang hindi ako mahuli sa klase. At dahil paakyat-pababa ang daanan tapos dadaan ka pa sa isang maliit na sapa kung saan maraming linta kapag umuulan, kailangan ko talagang magpursige. Ma-suwerte naman ako at nalagpasan ko ang lahat ng iyon.

Pagkatapos ng aking unang baitang sa elementarya ay nilipat ako sa bayan at doon na nag-aral at nagtapos. Section 6 ako napadpad noong grade two dahil sa mga marka kong pasaway hanggang sa tumuntong ako ng grade three. At noong nasa ikatlong baitang ko nga naranasan ang hindi ko malilimutang ginawa sa aki ni Tatay.

Naiwan ko ang bag ko sa loob ng silid-aralan namin dahil naaliw ako sa paglalaro pagkatapos ng aming klase. At hindi ko namalayang may naiwanan pala ako. Kaya umuwi akong pawisan, naglakad at walang dalang knapsack. Pasado alas dose na ng tanghali iyon nang marating ko ang bahay.

Nasa tarangkahan pa lamang ako nang makita ko ang galit na galit na mukha ni Tatay. Inilagay ko ang aking dalawang kamay sa likod ko upang pananggalang sa pagpalo niya sa akin. Ipinaliwanag ko sa kaniya kung bakit ako na-late ng uwi pero hindi niya ako pinakinggan. Bagkus ay naghabulan pa kami sa likod ng bahay bago niya ako mahuli at ipinasok sa loob upang saktan.

Alam niyo po ba ang ginamit niyang mga pamalo, Nay? Dos por dos na tabla, sinturon, walis tingting, at siyempre ang kamao niya. Itinapon niya ako sa katre na gawa sa kawayan. Hinubaran. Pinalo ng dos por dos sa paa. Hinatawan ng sinturon sa puwet. Hindi pa siya nakuntento ay itinali niya pa ako sa poste ng bahay namin at muling pinalo nang pinalo hanggang sa ako ay mawalan ng malay.

Sundan niyo na lamang po sa susunod na pahina, Nay ang sasabihin ko.

Miss na miss ko na po kayo, Nanay. Mahal na mahal ko po kayo.

Ang iyong nawawalang anak,

Dodoy

NanayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon