Achievements

84 4 0
                                    

Dear Nanay,

Ipagpapatuloy ko po ang nais kong malaman ninyo sa pamamagitan ng liham na ito.

Napagtagumpayan at nairaos ko ang tatlong taon sa kolehiyo sa tulong ng scholarship at maging ng aking pagiging working student ko sa University.

At hindi ko po ipagkakailang Dean's Lister ako from first year to second year hanggang third year. Nang sumapit ang ikaapat na taon ay running for Cum Laude po ang anak ninyo. Natutuwa po ba kayong malaman, Nay?

Siyempre, oo kasi sa inyo yata ako nagmana ng katalinuhan e. Working student at the same time ay scholar. Ipinasok pa akong Staff Writer sa isang School Paper Magazine sa unibersidad. Kaya naman, isang pagkakataon din iyon para sa akin na maipamalas ang iba ko pang kakayahan.

Hindi po madali ang pagiging isang Dean's Lister dahil grado mo ang nakasalalay dito upang makapagtapos ko. Pero nagawa ko po lahat iyon kahit pa ang Community Immersion at pagiging Student Teacher.

Heto na nga, graduation day. Masaya akong nagmartsa papuntang bulwagan kasama ang madrasta ko at si Tatay na hindi ko alam kung masaya ba talaga o hindi dahil nakapagtapos na ako? Out of 12 Cum Laude candidates from different courses ay nag-top 6 pa ako, Nanay.

Gusto kong sabihin sa inyo na nakuha ko ang medalya ko bilang Cum Laude ng batch naming tapos ay nakakuha din ako ng isa pang medalya sa Golden Harvest School Paper namin. Pati ang sertipiko bilang iskolar ay natanggap ko rin.

Walang pagsidlan ang kasiyahang nadarama ko. Kung sana ay naroon kayo ay triple marahil ang saya ko. Kaso wala e. Sana nga naroon kayo kasi lahat ng pagod at pagsusunog ng kilay ko ay inaalay ko iyon sa iyo.

Lumipas ang ilang taon at nakapagtrabaho ako. Pero hindi sa propesyon ko kung hindi sa isang BPO Industry o mas kilala bilang Call Center. Kahit ganoon ang naging trabaho ko ay nagawa kong lagpasin iyon. Kahit puyatan ay kinaya ko dahil sa akin umasa ang madrasta ko at si Tatay na punan ang pang-araw-araw na pangangailan ko at nila.

Subalit, hindi ko naman aakalaing babalik na naman ang sakit sa baga ko at three months na naman akong na-diagnose sa sakit na iyon. Kahit ganoon pa man ay nagpatuloy pa rin ako sa pagtatrabaho at the same time ay continuous ang treatment ko. Isa ngang malaking dagok iyon sa akin pero sa tulong ng panalangin ay nalagpasan ko rin iyon hanggang sa nagdesisyon nga akong pumunta ng Maynila dahil nakatanggap ako ng balita na naroon ka raw.

At gustong-gusto ko na makita kita Nanay. Alam mo namang matagal kong inasam na makilala ka. Sa susunod na pahina ay ikukuwento ko naman ang naging karanasan ko sa Maynila.

Ang iyong nawawalang anak,

Dodoy

NanayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon