Hindi sa'yo umiikot ang mundo

57 1 0
                                    

Hindi sayo umiikot ang mundo,
Masaktan ka man tuloy pa rin ang ikot ng globo
Gagalaw ang mga sasakyan
may pasok pa rin ang mga eskwelahan,
habang ikaw umiiyak sa kwarto buong araw nakatulala,
namamaga ang mga mata,
iikot pa rin ang mundo.
Kaya matuto kang sumuko sa sakit,
Kung tinuruan ka niyang umiyak
Matuto kang tumahan sa paraan na
Ikaw lang ang nakakaalam.
Hindi pwedeng nandun ka pa rin sa
Parehong lugar kung saan ka niya iniwan
Matuto kang umusad
Kahit ang ibig sabihin nito ay
Paglimot mo sa nakaraan
Hindi sayo umiikot ang mundo,
Malamang alam mo naman to.
Na hindi sayo umiikot ang mundo
Matuyot man yang mga mata
Mo sa kakaiyak
Magkasakit ka man o
Puso mo ay mabiyak
Tuloy pa rin ang andar ng panahon
Aagos ang tubig sa ilog
Lilipad ang mga ibon
Sasayaw ang mga isda sa karagatan
At yang mga tao sa paligid mo?
Unti unti kang iiwan
Pero ganun pa man
Kailangan mong tumayo
Dahil uulitin ko sayo
Hindi sayo umiikot ang mundo
Tumumba ka man sa sakit
Hindi ihihinto ang oras para antayin
Kang makabangon ulit
Bagkus ay sasagasaan ka ng panahon
Pipilitin na ikaw ay ibaon
Yung mga tinuturing mong kaibigan
Walang pagdadalawang isip kang huhusgahan
Tatapakan ang durog na ikaw
Yung pamilya mo ?
Pakiramdam mo man ay sakit
Na tila ika-mamatay mo na
Babaliwalain nila yan at sasabihin na
Kung ikukumpara sa kanila
Walang wala yang iyong dinadala
Kailangan ko pa bang ulitin sayo
Malamang alam mo na
Kaya kung nasasaktan ka man ngayon
Kung nadapa at natisod ka
Kung pakiramdam mo bumabagal ang ikot ang mundo
Tumayo ka ulit, mag ayos ka ng damit
Maglakad at umusad papalayo
Dahil uulitin ko sayo
Hindi sayo umiikot ang mundo.

It's NothingWhere stories live. Discover now