TUNAY NA PAG-IBIG

13 1 0
                                    

"Mahal.
Masasabi nga bang mahal kung ang tanging pag-patak ng iyong mga luha ang palagi mong binibitawan?
Masasabi nga bang mahal kung ang mga peke mong ngiti ang palagi kong pinagmamasdan?
Wala nga pala akong karapatan na mag reklamo
Sapagkat ako ang nagkamali at ako ang nag bago.

Pinili ko ang mga bagay na gusto ko
Hindi ko inisip na hindi ka masaya sa mga ito.
Ngunit kahit hindi ka masaya sa mga naging desisyon ko.
Sinuportahan mo pa din ako hanggang sa dulo,
Kahit na alam ko
Alam ko, nasasaktan ka na ng todo todo.

Hindi mo ako sinusukuan.
Kahit na ako na mismo ang sumuko at kusang bumitaw
Hindi ko maaitim na makita ka pang nasasaktan.
Kaya mahal, mas ginusto kong ikaw ay bitawan.

Bigla ko naalala ang sinasabi ng karamihan
Na kapag nahanap mo na Siya, kailanma'y hinding hindi ka na mag iisa.
Tunay na pag-ibig
Pag-ibig na hindi ka susukuan
Pag-ibig na handa kang ipaglaban
Pag-ibig na tatagal magpakailanman

Ngunit posible nga ba?
Posible nga ba?
Na may isang tao na handang gawin ang lahat, makasama ka lang magpakailanman?
Sapagkat parang napaka-ganda nito pakinggan para paniwalaan.

Hinanap ko ang tunay na kahulugan ng pag-ibig.
Ilang tao na din ang pinagtanungan ngunit iisa lang ang kanilang bukambibig.
Sa dinami-rami ng librong aking binasa.
Natatanging sa nag iisa ko lang pala mahahanap ang tunay na kahulugan ng ""Mahal kita.""
Sa dinami-rami ng tao sa mundo,
Natatanging ikaw lamang ang nakapag-patunay nito.

Hindi ako karapatdapat sa pag mamahal na binibigay mo
Ngunit palagi mong sinasabi na, ako'y karapatdapat para Sayo.
Wala akong nagawang tama,
Ngunit para Sayo ako'y isang perpektong obra.
Nakikita mo ako sa paraang hindi ko maintindihan kung paano
Nakikita mo ako bilang isang perpektong taong nakilala mo.

Ang dami mong nakikitang mga positibo sa pagka-tao ko.
Ngunit wala akong makita sa sarili ko kundi pero negatibo.
Itinuring mo akong Prinsesa
Kahit na ang nararapat sakin ay ituring bilang isang basura.

Unti unti, nagkaroong linaw na ang mga bagay bagay.
Handa na akong magpatangay.
Magpatangay sa pag mamahal mong walang sawang binibigay.

Sa aking pag babalik,
Ako'y handa nang muli, yayakapin kita ng buong pagka-sabik.
Hindi na muling sasaktan,
Hindi na muling bibitawan.
Papawiin lahat ng sakit na aking idinulot.
Bawat piraso ay ako ang pupulot.
Hahawakan kita ng buong puso
At magpakailanma'y hindi na muling mag babago.
Hindi na muling pakakawalan.
Mananatili akong andito aking mahal."

It's NothingDove le storie prendono vita. Scoprilo ora