May mga 3in1 na kape na huling huli yung panlasa ko.
Di mo na kelangan mag effort masyado.
Buksan mo lang yung sachet, ilagay sa baso.
Lagyan nang sapat na dami nang tubig, at presto!
Isang mainit na kape na sakto sa panlasa ko.Pero hindi ka ganun.
May kape naman na talagang dinadayo.
Di lang dahil sa mismong kape kundi pati na din sa pangalan neto.
Samahan mo pa nang magandang ambiance, yung amoy nang kape sa buong paligid, at mababait na crew.
Isang Mocha Frap, grande. To go.Pero hindi ka ganun.
Minsan ko na din natikman yung pinakamahal
daw na kape.
Nung minsang mapabisita kame malapit sa
pagawaan sa Cavite.
Wag mo na lang tanungin kung paano sya inaani.
Mejo mabaho kasi yung kwento kung idedetalye.Mahal daw sya kasi masarap, yun ang sabi.
Pero nung natikman ko sya, parang di ko naman mawari.
Di naman sa masama yung lasa nya, o nakakadiri.
Siguro sadyang wala lang akong nakitang espesyal sa lasa nang kape.Pero, dahil mahal nga, sosyal ka pag yun ang kape mo.
Di man ganun ka sarap, rich kid naman ang dating mo.
Pang social status lang kumbaga.
Eto yung kape mo, kung gusto mo hangaan ka nang iba.Pero hindi ka ganun.
May mga kape naman na andun na daw lahat.
7,8,9,15,36 ingredients in 1.
Pinagkasya na ata lahat nang halaman.
Kesyo, nakakapagpapayat daw, nakakaganda nang kutis,
Nakakapag paganda at nakakapag pa kinis.
Pinipilit nila pagmukaing kanais nais.
Na cocompromise na tuloy yung taste.Pero hindi ka ganun.
Kung ihahambing kita sa isang uri nang kape, ikaw yung kape na kelangan pang timplahin.
Kelangan na tantsahin yung sapat na dami nang kape, asukal at creamer.Di ka laging sakto sa panlasa ko.
Minsan sumosobra sa pait, sa tamis o di kaya'y matabang.
Kelangan pa nang trial at error para makuha yung timplang gusto ko.Pero di tulad nang 3in1, kaya mong magpabago bago.
Umaayon ang timpla mo sa pangangailangan ko.
Tumatamis, kapag malungkot ako.
Pumapait kapag yun ang kailangan ko.
Pero kadalasan, eksakto.Di ka rin maihahambing sa Starbucks o Coffee Bean.
O yung mga kapeng dinadayo, pero minsan lang marating.
Pag nagkaayaan lang o naisipan.
O nag crave ka lang kaya gusto mo ulit matikman.Ikaw yung kape na pang araw-araw.
Ikaw yung kapeng bumubuo nang araw.
Yung alam mong pag wala e may kulang.
Na kahit di nainom sa umaga ay ihahabol sa tanghalian, merienda o kahit sa hapunan.Malayong malayo ka din sa pinaka mahal na kape.
Di dahil sa presyo o sa lasa.
Ikaw kasi yung kape na pang masa.
Kahit san ilagay, kayang makisama.At kahit di kasing dami nang ibang kape ang
kaya mong ibigay.
Kahit 3 ingredients lang ang iyong taglay.
Di na ko maghahanap pa nang iba.
Dahil, para sakin, kumpleto ka na.Di ka kape.
Boyfriend kita.
Pero kung magiging kape ka,
Ikaw yung paborito kong timpla.
Kape tayo?