Kakaiba

20 1 0
                                    

Mahal kita,
Minahal kita at mamahalin pa rin kita,
Minahal kita ng di ko alam kung paano o kung kailan nagsimula,
Nagising na lang ako na mahal na kita,
Maaaring nagsimula ng ika'y pinakilala,
Ng isang matalik na kaibigan na hinatid ng tadhana,
Hindi ko alam kung paano ako nahulog sa'yo,
Pero basta ang alam ko lang ay mahal kita, at yun ang totoo,
Oo, tayo'y kakaiba sa mata ng mga tao
Pero mahal ko, ang salitang TAYO ang mahalaga sa mundong ito,
At walang sinuman ang makakapigil sa kung anong meron tayo,
Hindi natin kailangang magpaliwanag sa mga matang nandito,
Sa pagkat tayo lang, mahal ko,
Kaya ko nang harapin ang mga pagsubok sa mundong ito.

Mga matang mapanghusga ang bumabalot sa ating dalawa tuwing magkasama tayo,
Ngunit wag kang mag-alala mahal ko,
Sapagkat hindi nila alam kung paano tumalon ang aking puso tuwing sinasabi mong ako'y mahal mo,
Hindi nila alam kung paano kumikislap ang mga mata ko tulad ng mga bituin bastat magkasama tayo,
Hindi nila alam kung gaano kalakas ang tibok ng puso ko tuwing magkalapit tayo,
Oo, maaaring tayo ay kakaiba sa mundong ito,
Pero mahal ko, ang salitang TAYO ang mahalaga sa mundong ito,
At walang makakapigil sa kung anong meron tayo,
Hindi natin kailangang magpaliwanag sa mga matang nandito,
Sa pagkat tayo lang, mahal ko,
Kaya ko nang harapin ang mga pagsubok sa mundong ito.

Walang matematika o siyensya ang makakapagpaliwanag sa nararamdaman ko,
Tuwing sinasabi mong mahal mo ako,
At kung susukatin lang ang pagmamahal ko sayo,
Hindi sapat ang isang kilometro upang masukat kung paano ito ilarawan,
At kung titignan mo kung gaano kalalim ang pagmamahal ko,
Baka mas malalim pa sa dagat na maaari ka pang malunod sa lalim nito,
At kung ihahambing ko ang lakas ng tibok ng puso ko,
Matatalo ko na siguro ang pinakamalakas na putok ng isang bulkan na naitala sa mundo,
At sa lakas nito ay baka maaaring mabingi ang mga nakakarinig nito,
Ngunit ang totoo,
Para itong big bang theory,
Sapagkat ito'y tahimik lang,
Pero unti unting nabuo at lumago,

Ngunit tulad ng mga bagay sa mundo,
May mga pagkukulang ka na hinahanap ko,
At simula nun ay hindi na ako naging sigurado sa salitang tayo,
Ang paghawak natin sa isat isa ay parang isang tulay na walang kasiguraduhan kung kailan guguho,
Maaari na lang masira bigla at bangin ang kahuhulugan ko,
Ngunit sa unti unti kong pagbitaw sa kung anong meron tayo,
Isang kamatayan ang naranasan ko,
Isang kamatayang hindi damay ang katawan kundi ang puso,
Kaya eto ako ngayon mahal ko,
Naghihintay at patuloy pa ring umaasa na maibalik ang dating tayo,
May mga bagay talaga na maguguho,
Ngunit mahal ko, hindi tayo isa doon,
Dahil alam ko na, ang salitang TAYO ang mahalaga sa mundong ito,
At walang makakapigil sa kung anong meron tayo,
Hindi natin kailangang magpaliwanag sa mga matang nandito,
Sa pagkat tayo lang, mahal ko,
Kaya ko nang harapin ang mga pagsubok sa mundong ito.

Mahal ko, kumapit ka, sabay tayong tatawid sa tulay na ito,
Sa tulay na gawa lang sa kawad at baging na malapit ng maguho,
Makakayanan natin to,
Isa lang itong pagsubok sa kung hanggang kailan tayo hindi maguguho,
Sapagkat tayo ay parang ang puso at dugo,
Hindi mabubuhay ang isa kong magkahiwalay tayo,
Tapos na ang pagdududa,
Alam ko na mahal ko,
Na ang mahalaga ay ang salitang TAYO,
Kaya sana'y kakapit kang muli,
Kakapit sa taling nagdudugtong sayo at sa akin,
Mahal ko, ang buwan at mga tala ay ang ating saksi,
Patawarin mo sana ako kung ako'y nagduda sa salitang tayo,
At sana'y muli mong tanggapin ang tulad ko,
Tulad ko na handa ka nang ipaglaban hangga't sa dulo,
Ikaw lang ang tanging pipiliin ko,
Mahirap kang mahalin ngunit tandaan mo kaya ko nang mahalin ang tipo mo,
Kaya ko nang tanggapin ang mga pagkukulang mo,
Sapagkat mahal ko, hindi tayo maguguho,
Sa huli, mayroon pa ring TAYO.

It's NothingWhere stories live. Discover now