Hanggat kaya
Gigising sa umaga raramdamin kung tumitibok pa
Ang puso kong alam ko kagabi lang linunod ko ng luha
Kung humihinga pa, kung nakakaramdam pa,
Kung kaya pa bang bumangon at kumapit sa pagasaBaka bukas ngingiti na uli ako
Baka bukas magkaroon ng pagbabago
Baka bukas mayron nanaman tayo
Baka bukas mahal na uli nya akoMagpaparamdam tapos maglalambing
Aasa na mahahagkan, mahahalikan at makakapiling
Ngunit di pa man bumabangon sa pagkakahimbing
Manlalamig, magbabago nanaman ang ihip ng hanginKalimutan mo na siya nagmumukha ka ng tanga
Ikaw na lang sa inyong dalawa ang tanging umaasa,
Alam nya kasing mahal na mahal mo siya
Kaya pinaglalaruan ka na lamang nyaSaglit lang kakapit ng mahigpit
Sa puso kong ni minsan di man lang natutong magalit
Konti na lang, konti pa ang tanging sambit
di na maintindihan ng utak kung bakitHanggat kaya pa mamahalin kita,
Hanggang sa huling sakit, pait hanggang sa huling luha
Umaasa na isang araw mapapagod at bibitw na
Papatawarin ang sarili, at sa wakas, makakalaya"