"Nung araw na tumalikod ka, nanatili akong nakatayo habang dahan dahan kang lumalakad papalayo; nagbabakasaling ikaw sanay lumingon at bumalik kung san ako naroroon.
Kasabay ng unti unti mong paglaho, ramdam ko ang kirot at hapdi sa bawat tibok ng puso. Pumasok lahat ng imahe na naroon ka. Alam kong ito na yong katapusan, bukas alaala kana.
Hindi naging makatotohanan ang mundo. Lumingon ako sa bandang wala ka. Inisip na sana di ka na lang nakita. Parang nawala isang iglap ang kapwa nating pinangakong pangarap.
Pansamantala akong di naniwala sa Araw at buwan. Pinalitan ng malakas na ulan Lahat ng sumisimbulo kung gaano kaganda ang kalawakan
Sinubukan kong tumayo ng di ka kasama. Ngunit, datapwat, subalit, sa pagkakataong gusto kong mapag isa; may mga bagay akong nadadaan na nagsasabing nandon ka.
Sa mahigit pitong bilyong tao sa mundo, alam kong di pa ito huli.
Magmamahal ako ulit. Masasaktan at matututo hanggang sa makita ko na sya.Ang dahilan kung bakit di ka lumingon, di ka bumalik at di tayo nagkatugma."