Pwede bang makahingi ng kahit kaunting saglit sayo?
Pwede bang kahit sa huling pagkakataon,
Bigyan mo ako ng pansin at atensyon?
'wag kang mag-alala
'wag mong isipin na andito ako para magmakaawa.
Gusto lang kita makausap.
Kahit wag ka na sumagot,
Basta pakinggan at dinggin mo lang itong mga pangungusap
Bago mo ako ibaon sa limot.Una sa lahat,
Gusto kong sabihin at ipaalam sayo na minahal kita,
hanggang sa abot ng aking makakaya.
Nais ko pa sanang sayo ito'y ipadama
pero para san pa ba?
'di ba't ayaw mo na nga?
Pero wag nang alalahanin pa,
Dahil tanggap ko na naman noon pa.Kung hindi man totoo
ang mga sinabi mo sa akin noon,
pwes ibahin mo ako,
kasi lahat ng sinabi ko sayo
ay purong puro at totoo.
Hindi ko na gugustuhing bawiin ang mga salitang 'yon,
Sayo na, itago mo.
Ikaw na ang bahala
Kung itatago mo talaga
O susunugin nalang at itatapon kasama ang masasayang ala-ala nating dal'wa.
Ikaw ang bahala
Sayo ko na ipapaubaya
Dahil para sa'yo naman talaga ang lahat ng 'yan diba?Pasensiya na nga pala
Kung hindi ko lubos na napadama
O kung kulang pa,
o kung hindi sapat ang naipakita kong pagmamahal at pagpapahalaga.
Pasensiya na kung ako mismo yung 'di sapat.
Pasensiya na kung pinagpilitan ko pa yung sarili ko
noong panahong ayaw mo na
noong panahong nag-iba na
noong panahong napagtanto ng puso mo na siya parin pala ang hanap at gusto mo
at yung nararamdaman mo para sakin ay wala na.
Pasensiya na kung pati sa mga pangarap ko, isinama pa kita.
Pasensiya na kung sobrang pinaniwalaan ko
ang mga motibo,
ang mga pangako.
Pasensiya na kung hanggang ngayon ay ikaw parin ang gusto kong makasama
Pasensiya na kung hindi ko matulungan ang sarili kong makalimutan ka.
Hindi ko rin sigurado kung bakit ba,
pero ang naiisip ko lang,
dahil siguro minahal na nga kita ng sobra.Gusto ko rin magpasalamat sayo,
Sa oras na ibinigay mo,
Sa pag-alala noon ng kalagayan ko,
Sa paninigurado kung okay lang ako.
Pero ngayon kaya, matanong mo pa kung okay lang ako?Salamat din sa mga kwento
Na nagbigay ngiti sa mga labi ko.
Salamat sa pagpapaalam sa akin na katanggap-tanggap parin ako,
noong mga panahon na muhing-muhi ako sa sarili ko.
Salamat sa mga payo,
Salamat sa atensyon,
Salamat sa oras na iginugol mo sa akin noon.
Salamat sa mga ala-ala na ikaw ang kasama,
at salamat din sa di inaasahang muling pagtatagpo ng ating mundo na minsang pinagbukod ng tadhana.
Salamat sa muling pagdating mo sa buhay ko.
Sobrang laki ng pasasalamat ko,
kahit saglit lang ang itinagal mo,
dahil sa maikling oras at panahong ito,
naramdaman ko ang galak at saya na hinahanap-hanap ko.Sa tuwing ako'y natutulala
Naiisip kita.
At sa bawat oras na naaalala kita,
Ramdam na ramdam ko ang kirot sa pusong walang ibang sinisigaw
kundi ikaw.
Pero 'wag kang mag-alala,
'wag mo akong isipin.
Okay lang ako.
Okay lang ang lahat.
Okay na, basta masaya ka sa piling niya.
Okay lang ang lahat,
Okay na, basta ang gusto ko, maligaya ka.Hanggang dito nalang siguro ang saglit na hihilingin ko.
Sana ngayo'y tunay kang maligaya,
kaya isasauli na kita sakanya.
'wag mo sanang kalimutan,
na lumingon paminsan-minsan.
Sa dulo ng kwento nating dalawa,
sa lugar kung saan huli tayong nagkasama,
nandoon parin ako,
hindi ako lalayo.
Masaya na ako dito sa ating dulo,
Basta't maligaya ka sa pinili at desisyon mo.
Ako'y kuntento na,
na makita kang masaya sa piling niya.