Trina Lucine Norcross's POV
Kailangan ko syang matulungang makumpirma ang totoong feelings ni Celena sa kanya at sa ganoon, malaman namin ang totoo. Ayoko syang mabigo at masaktan. Lalo na si Celena pa ang Other Half nya.
Ng mga bata pa sila, si Celena na ang nariyan para kay Trevor. Lagi nyang tinutulungan at sinesermonan. Minsan, si Celena na rin ang sumusuporta kay Trevor sa mga school groupings. They cannot be separated until the War happens.
Nagkagulo nun at namayapa ng sabay sabay ang mga magulang nya, magulang namin at ni Charles. Ang mga opisyales ng buong Leonore noon.
Simula nun, pinakupkop si Celena sa tita nya dun sa Asthmery. Simula rin nun ng pag trigger ng Breed symptoms ni Trevor at Charles.
Kay charles, wala akong masyadong maalala dahil hindi kami ganoong close pero kay Trevor, marami. Halos lahat.
Ng umalis si Celena, kinukulong nya na ang sarili nya sa kwarto. Ayaw nyang dinadalaw sya ni Charles kaya sinasabi na lang ni Senior Javier na wala sa mabuting kalagayan si Trevor.
Lagi syang malungkot at parang laging may hinanakit. Hindi tuloy namin malaman kung ano ang kalagayan nya.
Ng lumaki na kami, umalis ako ng Leonore para maging representative o opisyales ng Cilantro. Bago ako umalis, nagwala si Trevor. Halos galit sya sa lahat. Akala nya iiwan ko sya na parang ginawa ni Celena.
At ngayon, heto ako bumalik ako at nalaman ko na ganito ang kinahinatnan ng lahat.
Si Celena na pure human ay destined na maging Other Half ni Trevor na Uncontrolled Hybrid. Ironic.
Isang bagay lang naman ang alam ko eh. Pwedeng ikapahamak ng sitwasyon nila ang lahat ng naririto. Pwedeng sa isang iglap, we will woke up in a Blood floods. Pero dahil sa tiwala ko at pag asa na kakayanin ni Trevor ang maaaring consequence nito.
Tinawagan ko kaagad ang babaeng once ng naging parte ng buhay ni Trevor. Ang kaibigan nya sa school nun. Siya rin ang pumuno sa lungkot na nararamdaman ni Trevor. Kaso nasa Florence sya pero I know I can count on her.
Fiona Sweetzel Winster.
⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕
Celena Dawn Cadwell's POV
Ng makababa na ako sa living room galing pagtulog, nakita ko si Ms. Lucine na Malalim ang iniisip. Since dumating sya rito, lagi syang may malalim na iniisip.
"Ayos lang po ba kayo?" Tanong ko.
Napangiti sya sakin at ibinaba ang iniinom.
"Oo ayos lang naman. Eh ikaw? Kamusta ka na pala? We haven't talked for almost 9 years." Sabi nya at tila binilang pa kung ilang taon.
"Oo nga po eh. Eto, ayos lang. Surviving through hardships of a college student." Sabi ko.
"Good. Eh si trevor? How is he this past few days?" Tanong nya.
"ayos naman po. Busy sa pamumuno atsaka malimit ko na lang po syang nakikitang inaatake ng symptoms nya." Sabi ko.
"Aah. Ganun ba? Eh si Charles? Si Mr. Hummington hindi ba?" Sabi nya.
"Aah, parehas rin po kay Trev. Busy sa pamumuno atsaka sa iba pa." Sabi ko lang at ngumiti.
"How about your friendship? Ganun pa rin ba?" Interesado nyang tanong.
"Sa parteng yan po, hindi okay at imposibleng maging okay." Sabi ko.
Hinalo nya ng wala sa sarili ang kape.
"Can I ask you something?" Sabi niya.
Ms. Lucine has always been like that. More precised and well mannered considering na lumaki sya sa pamilya ng Hellions from their great grand father.
"Of course Ms. Lucine." Sabi ko.
"Gaano kahalaga sayo ang katulad ni Trevor? Isang hellion ng uncontrolled breeds. Wild, dangerous and violent. What makes you feel confident to guide and guard him?" Tanong nya.
"Of course napakaimportanteng tao ni Trevor para sakin. He was there when I need someone to talk to. He is there when I need a savior. He saves me all the time. He is there for me always. Kaya no words to say. He is very important for me. He is." Sabi ko.
"Kung ganon, ingatan mo sya. Para ng pag ingat nya sayo." Sabi nya lang at ngumiti.
She said it all.
Tumayo sya at ngumiti at unti unti ng nawala sa paningin ko dahil nagpunta na sya ng kitchen.
She left me breathless of the things she said.
🔴 🔴 🔴 🔴 🔴 🔴 🔴 🔴 🔴 🔴 🔴 🔴
Trina Lucine Norcross's POV
Tinawagan ko na si Fiona at kinausap. Kailangan na ako na mismo ang gumawa ng bagay na pwedeng makapag confirm ng bond ni Celena at Trevor. I wanna know kung gaano ito kalakas.
Siguro bukas darating na sya. Hindi ko alam. Maaaring mamayang madaling araw at maaaring bukas.
---
*Midnight*
Iniintay ko pa rin si Fiona. Tulog na sila lahat. Ako at ang guards na lang ang gising.
Nasaan na kaya sya?
Suddenly, I heard a knock. Ibinilin ko sa guards na papasukin na sya pag dumating.
Pagbukas ko, si Fiona nga ito.
"Ms. Trina!" She said.
"Oh hi! Kamusta? Pasok ka." Sabi ko.
"Ayos lang po." Sabi nya. Tila hinahanap nya si Trevor.
Dati pa syang may gusto kay trevor pero hindi ko alam kung gusto nya pa rin si Trev hanggang ngayon.
"Tulog na sila. It's better kung bukas na natin pag usapan ang lahat. Ikaw? Matulog ka na rin. Dun ka muna sa room ko." Sabi ko at hinatid sya sa taas.
Ng mailapag nya na ang mga gamit nya, ngumiti sya.
"Look. Hindi kita ginagamit or what hah. I just want to ask for your help. Naikwento ko naman na sa iyo hindi ba?" Tanong ko.
"Opo. Alam ko po." Sagot nya lang.
"Oh sya, magpahinga ka na dahil gabi na rin." Sabi ko.
Ng makatulog sya, lumabas ako ng balcony.
Tinignan ko ang paligid. Napaka mahangin at tahimik. Kalamado ang aura nito, considering na werewolves ang halos nakatira rito.
Naisip ko lang si Celena At Trevor. Wala akong balak na saktan ang isa sa kanila or whatsoever stuffs. Hindi ako tumututol sa ugnayan nila. I ship them instead. Ayoko silang magkahiwalay dahil yun ang nakabubuti para kay Trevor at Celena. Pero naiisip ko rin na sa kabilang banda—hindi na maiiwasan ang consequences na haharapin nila. Haharapin ng bayan rather. Kayanin kaya nila? Kayanin kaya namin?
I sighed and went back inside. I went to sleep and prepared myself for tomorrow.
*****
Author's Note:
Hi emFire!!! Kamusta ang pagbabasa? Sorry kung cheesy nor sweet or what ang pagsasama nila Celena at Trevor. How about charles? And wait. Sino si Fiona sa buhay ni Trevor? Sounds interesting. Let's see then... hmm, I just want to inform you na try to read of course the Stellar Academy. Just keep on supporting and VOTE VOTE VOTE guys. Lovelots!
Fb: MoiSelle Unicorn WP
IG: Moiselle_Unicorn02P.S. sa fb ko po, beware of posers. Then yung mismong pagkakaspell po at pagkaka capitalize, yun po yung username ko sa Fb. Support guys!
-Moiselle_Unicorn

BINABASA MO ANG
THE HELLION'S CRAVES✔
WerewolfThe Hellion's Craves. [Conquer your Fears and Learn to Fight] ©All rights reserved. Werewolves/Hybrids/Romance/Action/Mystery/Fantasy MoiSelle_Unicorn's Fantasy Collection. Date started: February 25,2017 D ate Ended: March 13,2017