Habang nasa gitna kami ng daan malayong malayo sa mansion, na sa tingin ko'y south border ng Leonore, bigla kaming napatigil.
Napapitlag kaming lahat at nagulat sa sumunod na nangyari.
"Manong Carding, ano pong nangyari?" Tanong ni Ms. Gabriela.
"Ms. Gabriela-- mechanical error po ata or naflatan." Sabi nya at bumaba.
Lahat kami ay dumudungaw pero laking gulat namin sa sumunod na nangyari.
"Baba!" Sigaw ng lalakeng may dalang baril na nakatutok sa amin.
Naramdaman ko ang kaba at takot. Nilalamon ako nito.
Sobrang takot ako at nanginginig ang tuhod ko.
Naramdaman ko na ang pagbabago ng anyo nila Ate Lucine at narinig ko rin ang growls nila Mr. Callisto at nila Ms. Gabriela't Ms. Martina.
Sinugod agad ni Ate Lucine ang lalakeng kani-kanina lang nakatayo.
Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ko ang pagtalsik ng dugo ng lalake.
Suddrnly, I heard something. It's a cracked bone.
Dinilat ko ang mga mata ko at nakita si Ate Lucine na pinagkaka-kalmot ang mga scoundrels.
Nasa labas na rin si Ms. Martina at Mr. Callisto while Ms. Gabriela, she's protecting me.
Ng sugurin kami, hinila agad ako ni Ms. Gabriela at tumakbo palabas.
Nakikipaglaban sya sa lalakeng sumugod while ate Lucine, napatay nya ang lalakeng kalaban nya.
"Lucine, Celena—Run!" Sigaw ni Ms. Gabriela.
Nagtama na ang mga paningin namin.
"RUN NOW!'' Sigaw nila.
"Let's go now Celena." Sabi ni ate Lucine.
Naramdaman ko na lang ang hanging dumasagupa sa amin.
Hawak ako ni ate Lucine at doon mabilis tumakbo.
Sobrang bilis kaya halos wala na akong marinig dahil sa hangin na sumasalubong sa amin.
Huminto kami sa isang lugar malayong malayo sa road na hinintuan ng sasakyan kanina.
"Ate Lucine?" Sabi ko at pinakalma sya.
Bumalik na ang natural nyang itsura at doon huminga ng malalim.
"We got ambushed Celena. Wala tayong magagawa kung hindi tumakas." Sabi nya.
"Pero saan tayo pupunta?" Sabi ko.
Nangangatog ang boses ko dahil sa pagpipigil ng hininga.
"Hindi ko rin alam.'' Sabi nya.
I saw her crying.
"Babalik ba tayo ng mansion?" Tanong ko.
"Hindi. Dahil nakakalat na ang mga scoundrels ngayon. At malayo ang north border.'' Sabi nya at hingal na hingal na kumapit sa tuhod nya.
'' I can sense them now. Papalapit na sila.'' Sabi nya at tumayo muli.
"Let's go.'' Sabi nya.
Ganun muli ang nangyari pero ngayon— mas nalilito sya kaya hindi gaano kadiretso ang tinatahak namin.
Hanggang sa napadpad kami sa isang cliff.
Ito na ang pinakamalayong lugar na napuntahan namin sa loob ng kakahuyan.
Masyado itong natatakpan ngunit may mga part pa rin na nakikita dahil sa liwanag na dala ng buwan.
"This is the only place I know where we can escape." Sabi nya.
"Pero paano?" Tanong ko.
Dumungaw sya sa baba.
"Nakita mo yang ilog na humihiwalau sa South border at West border? Yan ang dapat nating iwasan. Tatalunin natin yun!" Sabi nya at tinuro ang isa pang cliff na nasa dulo.
Halos malula ako sa sinabi nya.
Napalunok ako ng mariin at humarao sa kanya.
Parang natuyuan ako ng lalamunan sa sinabi nya.
"Alam kong takot ka Celena. Pero yun lang ang paraan para makatakas." Sabi nya at hinawakan ang kamay ko.
Nanlamig ako sa paghawak nya.
Desidido na talaga syang talunin iyon. Walang problema sa kanya dahil alam kong naturuan sila sa mga ganitong bagay ng mag isa. Pero ang sitwasyon ngayon ay dala nya ako. At maaari syang manghina o mabigatan at mahirapan dahil na rin sa mga sugat nya sa braso at iba pang parte na dala ng mga sangang nakaharang sa aming daanan kanina.
"Now we need to do this." Sabi nya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
Parang yakap nya ako sa posisyon namin para makatakas.
Ng pumosisyon na sya ng pagtalon, biglang may isang bagay na nakapigil sa amin.
Bumagsak si ate Lucine sa grounds kasama ko pero hindi naman kami nalaglag. Nanatili lang kami sa lugar namin.
Napabagsak sya sa mga kamay ko.
"Aah!" Sigaw nya.
I saw something. A silhouette of a man.
"Caught you craps!" Sabi niya at humalakhak.
Naramdaman ko ang pamamasa ng kamay ko at ng likod ni ate lucine.
Dugo. Isa itong kumakalat na dugo.
"A-ate?" Sabi ko.
"Don't worry, pampatulog lang yun. Hindi yun totoong bala. It's a medicinal sleeping pills bullet. Sleep well Crap.'' Saad nya at tumawa.
"Hayop kayo! Mga demonyo kayo!" Sigaw ko at tuluyang umiyak.
"Shut up crap. Ikaw kase eh. Pag ibig ka pa eh. Yan tuloy." Sabi nya sa nakakaasar na tono ng pananalita.
Apat na lalake ang sumundo sa amin.
Ang isa ay binuhat si ate Lucine at ang tatlo pati ang lalakeng kausap ko kanina ay nakabantay sa akin.Suddenly, may tumakip ng panyo sa ilong at bibig ko.
Napansin ko na lang si ate Lucine na nakatulog na.
A few seconds then, everything seems to blur. My vision is distorted.
I am trapped with this shitty scoundrels.
----
Mansion
Wala pang sumusugod ngayon at wala pang update ang head quarters.
Bigla na lang tumunog ang telepono at agad naman napukaw ang paningin ng lahat sa telepono.
Agad itong sinagot ni Trevor.
"This is from head quarters. We just want to inform you that scoundrels are leaving the west border and now leaving leonore. An ambush happened a few minutes back near the west cliff. the van ehose being ambushed is from the north border. Scoundrels are about to leave the Leonore. Thank you." Sabi nito at ng end call.
Natigilan si Trevor at naibagsak ang telepono.
Lahat ay napatingin sa kanya.
"Trevor what happened?" Tanong ni Charles.
'' The scoundrels are leaving the Leonore. An ambush happened a few minutes back." Sabi nito at parang natulala.
"What the--" sabi ni Charles.
"Kaya pala kanina pa tayo hindi inaatake. Pero sandali--- bakit sila aalis? At sino ang inambush nila?" Tanong ng isang member ng alliance.
"Ce-celena!" Sabi ni Charles.
Lahat ay napapitlag.
"Hindi maaari." Sabi nya at nilapag ang basong iniinuman nya.
"Alliance! To the west border. Half of the alliance, diretso sa camp field ng Scoundrels!" Sigaw ni Trevor.
*****
BINABASA MO ANG
THE HELLION'S CRAVES✔
Hombres LoboThe Hellion's Craves. [Conquer your Fears and Learn to Fight] ©All rights reserved. Werewolves/Hybrids/Romance/Action/Mystery/Fantasy MoiSelle_Unicorn's Fantasy Collection. Date started: February 25,2017 D ate Ended: March 13,2017