Chapter 8: Offer

10.8K 261 0
                                    

Ng mag uwian na, hinanap ko na agad sa office si trevor para magpaalam. Ganun rin kay charles.

Pinuntahan ko muna si charles sa office.

"Charles. Uuwi na ako ha. Wag mo na ako ihatid. Maabala pa kita." Sabi ko.

"Sure ka? Oh, alam mo naman ang daan hindi ba? Call me if you are home. Take care." Sabi nya.

A sudden hug warmed me up.

Lumabas na ako ng office niya at tinungo ang office ni Trevor.

"Trevor." Tawag ko sa pangalan nya. He is reading a book.

Nakita nya ako at ngumiti.

He gestured his hands saying 'c'mere'

I came in front of him then I looked around his office. Napakalaki rin nito. All is carpeted. There is a book shelf, some paper works scattered and many other stuffs which an office contains.

"Uuwi na ako eh. Gusto ko lang magpaalam baka kase hanapin mo ako sa classroom. Tapos na klase ko." Paalam ko.

"Aah." He coldly replied.

Sabi na eh, minsan at napaka seldom lang sya magkaroon ng pake.

"Stay first. Di ka naman nagmamadali hindi ba?" Sabi nya.

I nodded and sat down to a chair facing him.

"Ikaw lang ba nasa bahay nyo?" Tanong nya.

I nodded.

"Delikado ka pala." He said.

Ano namang delikado roon? Tsh.

"Not really." Sagot ko naman.

"I will offer you something." Sabi nya.

"Para sa safety mo na rin, alam ko ang nangyari sa classroom nyo kanina. Iniiwasan at pinagbabantaan ka nila hindi ba?" Tanong nya.

"Wala yun." Pagpapaliit ko sa sitwasyon.

"No. Anyways, ang inooffer ko sayo ay ang pagtira mo sa mansyon ng Norcross. You will stay there as long as safe ka." Sabi nya.

"No. Hindi na kailangan. Mas ayos lang ako sa kinasanayan kong bahay. Atsaka hindi naman nila alam ang address ko." Sabi nya.

"Pwede ka nilang matrace. pwedeng dahil sa physical contact mo, pwedeng sinusubaybayan ka nila and whatsoever. Now, titira ka sa bahay ko as long as you are safe and as long as I want." Sabi nya.

"No answers needed." He said with finality.

Ano pa nga bang magagawa ko?
As usual, susundin ko sya.

"Kailangan kitang proteksyunan laban sa well tamed na galit sayo. Hindi ko sila pinamamahalaan at hindi ko sila pwedeng pakialaman. Wala akong control sa kanila. And to tell you, mas mabilis man silang maka cope up at catchy sila pero more than what you know, mas mabilis sila makaramdam ng galit, selos, inggit, at iba pang negativities. Kaming mga uncontrolled ang more violent and harassing pero mas prinoprotektahan namin ang kung sinong gusto naming proteksyunan. Nagkakataon lang na minsan, hindi namin nacocontrol ang aming emotions and temper. We are sometimes unpatient and violent pero mas ligtas kaming kasama." Sabi nya.

Kaya ba ganun na lang sya? Dahil yun ang characteristics ng mga uncontrolled? Dahil yun sila?

"So to top it all, sinasabi mong meron kayong monster side at controlled side." Sabi ko while I am crossing my hands near my chest.

He nodded and looked at the time.

"Sigurado ka bang pumayag ang lolo mo?" Tanong ko.

He nodded.

"Sandali, paano ang mga damit ko at iba pang mga gamit?" Tanong ko.

"Pinakuha ko na sa tauhan ko yung mga yun." Sabi nya.

So talagang pinaghandaan nya ito.

"Let's go now." Paanyaya nya.

Sumakay na kami sa sasakyan nya at pinaparada ang sasakyan ko sa car park nila.

Habang nasa byahe kami, tahimik lamang sya at diretso ang focus sa pagmamaneho.

"Kamusta si ate Lucine?" Tanong ko.

"She is fine. Dealing with the people in Cilantro." Sabi nya.

"Bakit sya nasa cilantro?" Tanong ko.

Noong bata pa sila, hindi sila pinaghihiwalay ng lugar. Ang ate nya ang nagiging sandalan nya pag wala ako o si charles.

Ilang taon na ang lumipas,
Ang parents namin ay sabay sabay na namatay dahil sa trahedya nuon. Isang pagligtas sa mga tao sa Florence. Kailangan nilang tumulong nun dahil isa itong unity project ng buong buong nasasakupang mga barrio ng bayan ng Dorothy. Sa hindi inaasahang pangyayari, ang intruders ay nanamantala at pinasabog ang building na kinatatayuan ng mga opisyales ng buong bayan na saklaw ng dorothy.

"Dahil isa syang opisyales ng buong bayan ng Dorothy. Pero umuuwi sya pag may libre syang panahon." Sabi nya lang.

How I missed Ms. Lucine.

"Is she married or what?" Tanong ko.

Napailing lang siya na para bang sinasabing 'hindi'

Ng makarating na kami sa bahay nila, naroon na naunang pinarada ang sasakyan ko.

"We're here." Said he.

Pinarada na nya ang sasakyan sa parking lot nila at bumaba. Pinagbuksan nya naman ako ng pinto at duon ihinanda ang kamay niya.

"No need for that." Sabi ko at lumabas na.

Pumasok na kami sa mansyon nila at naroroon si Senior Javier na nakaupo at hawak ang tungkod bilang suporta.

"Trevor and Celena!" Bati nito sa amin.

"Hello po Senior Javier!" Bati ko.

Just like yedterday, nagmano ako atsaka nag bow.

"manang esmee, pakituro kay Celena ang kwarto nya. Mag uusap lang kami ng apo kong si Trevor." Utos nya sa mayor doma na si manang esmee.

Umakyat na kami sa taas at ng tignan ko si Trevor, his eye hue gazed at me.

Ng makarating na kami sa second floor, ang kwarto malapit kay Trevor, binuksan na ito ni manang esmee.

Nagulat ako sa porma at ayos nito. Napaka satisfying. Ang sahig ay carpeted. It looks like a self cleaned one. Ang mga gamit na puti lahat. Ang kurtina na floral old rose na terno sa kama. Ang ganda rito. Parang palasyo.

"Eto ho ang magiging kwarto nyo. Isa po itong guest room atsaka po, pag may kailangan kayo—tawagin nyo lang ho ako." Sabi niya.

I smiled then nodded.

"Sige ho, mauuna na ako." Sabi nya at ngumiti.

Sa galaw o kilos ng mga kasambahay rito, sila ay mga normal na tao tulad ko.

Naroroon na ang mga gamit ko sa cabinet. Ang mga damit at paintings ay maayos na nakasalansan.

I dived my tired body into the bed and stared at the ceiling.

Naaalala ko lang ang kiss na binigay ni Trevor. Maybe it doesn't matter so why should I think of it?

I rest my eyes and fell asleep.

*****

THE HELLION'S CRAVES✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon