Chapter 25: The talk

4.7K 102 0
                                    

Celena's POV

Plinano kong kausapin silang mga naiwan rito. After all, gusto kong mag thank you dahil isasakripisyo nila ang sarili nila para sakin.

Sinimulan ko kay Ate lucine na hinahalo ang kape nya.

Umupo ako sa harap nya at ngumiti.

"Why?" Sabi nya.

"Wala lang po. Gusto ko lang mag thank you dahil lagi ka pong nandyan para tumayong ate ko.
Nung mga bata pa tayo, lagi kong iniisip—someday, I want to be as successful as you. As gorgeous and kind hearted like you. I never knew na mas magiging close tayo pero here it is. Salamat dahil handa kang magbuwis ng buhay para sa amin. Para sa pamilya natin." Sabi ko sa kanya.

"Your welcome dear. Hindi ako nagsisisi na naging in law kita. After all, kilala natin ang isa't isa noon pa." Sabi nya at yumakap sa akin.

I received her hug and hold it tight.

Sumunod ay kay Thadeus. Ang co-Hellion ni Trevor or Second in position.

"Thadeus. Nagpapasalamat pala ako
dahil kahit stranger lang ako dito sa leonore, handa kang magbuwis ng buhay. I never knew na hahantong ang sitwasyon sa ganito pero still, nariyan kayo. Nagpapasalamat ako sa pagiging isang kaibigan at tagapagtanggol ko at ng pamilya namin. You deserve a recognition after all." Sabi ko at ngumiti.

"Walang anuman Lady Celena. Hindi naman malalayo ang kalooban ng breed namin sa inyo ng pamilya mo dahil once and for all, ng tanggapin mo si Hellion bilang ka-mate mo, tinanggap mo ang buong breed namin at ganun din kami sa iyo. This won't be the last. Magkikita pa tayo dahil alam ko po na makakaligtas tayo." Sabi nya.

Ng titigan ko naman ang well tamed breed na naiwan, si Charles at Dominic.

Hindi ko alam pero parang may trauma pa rin ako sa nangyari noon na gulo sa amin ni Dominic.

Yes, natitignan na namin ang isa't isa. Pati ang breed ng well tamed pero hindi maipagkakaila na masama ang unang nangyari noon.

Pero that isn't appropriate for anyone. Kailangan ko pa rin syang pasalamatan.

Lumapit ako at nakita ko syang nakatingin.

"D-dominic." Tawag ko.

"Ano iyon Lady Celena?" Tanong nya.

"I just want to say thank you dahil kahit galit kayo sa akin, handa pa rin kayong magsakripisyo para sa amin. Salamat." Sabi ko.

Tumango lang sya at bumalik sa ginagawa.

I proceed to charles.

"Charles." Sabi ko.

"Lady Celena." Sabi nya at ngumiti.

His smile is so delightful. It enlightens my sad mood always.

"I want to talk to you." Sabi ko.

Lumapit sya at humarap sa akin.

"Salamat." Sabi ko. Medyo nahihiya akong kausapin sya kaya inuunti unti ko ang mga sasabihin ko

"Hah? For what?" Sabi nya at tumawa ng kaunti.

Napakamasiyahin nya kahit alam ng lahat na nasasaktan sya sa loob.

"Salamat sa lahat. Alam kong nasaktan kita at naging hard ako para sa iyo pero nandyan ka pa rin. Nandyan ka bilang best friend ko, bilang nagpapasaya sakin, bilang napakamasiyahin kong kaibigan at bilang tagapagtanggol ko. Salamat dahil kahit naman naging malayo na ang agwat ng pagkakaibigan natin, nandyan ka para maipagtanggol ako." I said then cleared my throat.

"As years pass by,mas naaalala ko ang mga memories ng friendship natin. Nung buo pa tayo. Nung tayo nila trevor ang naglalaro sa gubat. Nung tayo nila trevor yung nagbabatuhan ng putik sa farm ni Ms. Aruzwell. Yung mga oras na kakatok kayo sa bahay ng 6:00 ng gabi para maglaro tayo ng board games. Yung mga oras na pinapaiyak nyo ko ni Trevor dahil sa mga laruan ko. Pinuputol nyo pa nga mga ulo ng manika ko nun eh. Pero kahit anong memorya pa yun, hindi na matatago na nagkawatak watak na tayo. Ako na lang ang koneksyon ng friendship na iyon. Salamat dahil kahit papaano, kahit nasaktan ka, kahit winasak kita, kahit anong mangyari—nandyan ka para sa akin. Nandyan ka bilang lahat na. Kaibigan,tagapagtanggol,comedian,
Schoolmate at marami pa. Pero isa lang naman ang gusto kong iparating sayo—you will always be my bestfriend no matter what. You will always be the Charles Hummington of my life." Sabi ko at niyakap sya.

Nakita ko ang mga pagbagsak ng luha sa mata nya. Naramdaman ko rin ang mga pagpatak ng luha ko.

"Lady Celena, Celena, Celena Dawn, Celena Doll, Dawn, Celie and whatsoever na tawag ko sayo. Kahit ano ka pa, you will always remain in my heart. Hindi yun magbabago at never kitang kakalimutan. Hinding hindi kita papabayaan. I'll give everything just for your happiness and safety And you will always be my best friend." Sabi nya.

"Mag ingat kayo ha. I know you will survive. I know you can." Sabi ko at
Niyakap ko sya sa huling pagkakataon at sumunod kay Trevor.

Tinignan ko muna ang mga taong naging tagapagtanggol ko.

Si Ate Lucine na busy sa paglalabas ng mga sandata. Si Thadeus na nagkakape. Si Dominic na nakabantay sa labas at si Charles na tinititigan akong palayo.

Ilang oras na lang bago mag madaling araw.

Maya maya pa ay aalis na sila rito at ang tanging maiiwan ay ang dalawang look out ng mansion, ang council, si Ms. Lucine at ako.

I sighed and faced trevor.

"Trevor Dale Norcross or The hellion. My other half, mate and companion. I just want to say thank you for everything. You completed me. You completed my life. Created my world and fixed every shattered pieces of mine. Salamat. Salamat sa lahat. Alam ko na pinangako mo sa akin na magiging tagapagtanggol kita and you even said na you will risk everything just to protect me. And now you are carrying our family's responsibility. Sobrang saya ko dahil dumating ka sa buhay ko. You will always be mine and I will always be yours. I know you will survive this. We can survive this." Sabi ko at niyakap sya.

"Alam kong makakaligtas kami. tayo.
Papakasalan pa nga kita eh pero always remember, ipaglalaban kita kahit kamatayan ko pa ang katumbas
para lang mailigtas ko kayo. Hinding hindi ako magsisisi kung sakali mang mapahamak ako. Mahal namahal kita. Mahal na mahal ko kayo ng anak natin." Sabi nya at humalik sa aking noo.

---

I checked the time and it's already 7:00 late. Kailangan na ng update sa head quarters.

"Calling everyone's attention." Sabi ni Ms. Lucine.

"Gusto ko lang ipaalam na may update na ang head quarters. Ang alliance daw ay nasa respective places na. Nagsisimula na rin daw pumasok sa toll gate ng Leonore ang hukbo ng hunters.12:00 late will be the tentative hour of war. I just want to say na habang nasa daan pa ang hunters, mas maganda kung makalabas na kayo ng Norcross bound dahil umaasa pa ang alliance sa pagdating nyo." Sabi niya.

Nangatog na ang mga paa ko at tinignan silang lahat.

"Everyone, gusto kong magpasalamat sa pagsasakripisyo nyo. I promise na magtatagumpay tayo. Kakayanin natin lahat." Sabi ko at ngumiti.

Tuluyan ng tumayo ang mga paalis at doon nagpaalam.

"Mag iingat kayo." Sabi namin lahat.

Kakayanin namin lahat.

We will survive this bloody flood.

We will survive this tragedy.

*****

THE HELLION'S CRAVES✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon