Chapter 24

929 12 3
                                    

Chapter 24
Flappy bird

 

Pagkalabas namin ng mall ay binitawan na niya yung kamay ko. Siya yung unang naglakad habang ako ay parang buntot na sunod ng sunod lang sa kanya. Ang gulo-gulo na talaga ng isip ko. Di parin nag sink-in sa utak ko yung ginawa niya. Nang makarating na kami sa parking lot ay pinagbuksan niya ako ng pinto at agad naman akong pumasok. Pumasok na rin siya at eto na naman tayo, awkward silence. I really hate this moment. Yun bang tahimik lang kayo? Seryoso yung mukha niya habang nakahawak sa manibela. Hindi pa niya pina-andar yung kotse niya. Tahimik lang kaming dalawa yung para bang may hang-over? Yung ganun. Shit!

"Sorry kung hinawakan ko yung kamay mo" sabi niya na ikinagulat ko. Diretso lang yung titig niya sa labas

"H-huh? O-okay lang" nahihiya kong sabi

"Galit ka ba sa ginawa ko?" tanong niya at tumingin sa akin

"B-bat naman ako magagalit?" tanong ko kasi di ko na talaga alam kung ano ang sasabihin ko

"So di ka galit?"

"Bat mo ba kasi hinawakan yung kamay ko?" di ko sinagot yung tanong niya. Instead, ako yung nagtanong "tsaka ano yung sinabi mong una at huli" 



Nagkibit balikat lang siya at pina andar yung sasakyan niya. Hindi niya sinagot yung tanong ko. Nakaka inis naman. Sinandal ko nalang yung ulo ko sa may bintana at tumingin sa mga sasakyan sa labas. 

"Hindi muna kita e uuwi sa inyo ha" biglang sabi niya kaya napatingin ako sa kanya

"H-huh?" wala sa isip kong sagot kasi yung laman ng utak ko ay yung pag ho-holding hands namin sa mall kanina

"Di ba nga sabi ko may pupuntahan pa tayo" simpleng sabi niya

"Ay oo nga pala. San ba kasi tayo pupunta?"

"Secret nga. Kulit mo rin ehh"

"Tsss" at pinaglaruan ko nalang yung phone ko. San kaya kami pupunta?

Tahimik lang kami sa byahe. Minsan siya lang yung nagsasalita kasi busy ako sa nilalaro kong game dito sa phone ko. Nakaka jirits tong larong Flappy Bird na to! Kung pwede lang ibalibag tong phone, ehh kanina ko pa ginawa. Napapa ngisi nalang si Owy sa ginagawa ko. Pano ba naman kasi, para akong timang na sumisigaw lalo na kapag nababangga ako sa walang hiyang pipe na yun! Aliw na aliw ako and at the same time inis na inis sa larong ito. Huminto si owy sa pagmamaneho. Nandito na siguro kami kaya hininto ko na rin yung paglalaro ko at nilagay sa purse ko yung phone ko.

"Nandito na tayo" naka ngiting sabi niya. Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto

Ms. KJ meets Mr. Sungit  Part 2 (A Ranz Kyle Viniel E. Fan Fiction Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon