Chapter 44
Putik
"Ha? Bakit?" tanong ko sa kabilang linya. Tumawag kasi si Ranz. Ang aga-aga lakas mang gising!
"I don't know. Basta sabi niya sa akin tawagan ka daw tas sunduin ka" sagot ni Ranz sa kabilang linya
"Uhh o-okay sige sige maliligo lang ako" napakamot nalang ako sa buhok ko.
Ano naman kelangan ng lola ni Ranz sa akin? At pina-susundo pa talaga ako kay Ranz!
Aiiiiiiisssh! sarap na ng tulog ko ehhh. Saya pa naman ng panaginip ko. Si Ranz at Ako nasa beach, naghahabulan. Tsk. Ok ok tatayo na. Maliligo na!
*Yaaaaaaaawn* huehue ina-antok pa talaga ako T__T
Pumasok na ako sa cr at mag sho-shower na. Na-isipan ko pa ngang umupo muna sa inedoro at matulog lang ng saglit kaso baka magalit pa yung lola ni Ranz kasi ang tagal ko. Naligo nalang agad ako at buti nalang at malamig yung tubig kaya nagising lalo ako sa lamig ng tubig. Pagkatapos ay nag bihis na ako. Nag jeans at white printed shirt lang ako tas nag doll shoes. Konting blower at ayos sa mukha at bumaba na ako.
Nagulat nalang ako nang makita ko si Ranz na nasa sofa na namin, kausap si mommy.
"Good morning dear" bati ni mommy with her asong ngisi. Shit! Ano na naman kaya yung pinagsasabi niya kay Ranz. Nag kiss lang ako sa kanya at napatingin kay Ranz na naka smile din sa akin.
"So pano tita, alis na po kami" naka smile'ng sabi ni Ranz kay mommy kaya ibinaling ko ulit yung tingin ko kay mommy na abot tenga din yung ngisi. Shit na ngiti yan mom! Utang na loob itigil mo.
Alam ni mommy yung tungkol sa pagpapanggap ko bilang girlfriend ni Ranz. Sinabihan ko siya nung gabing naka uwi ako galing sa bahay nila. Halos sumigaw nga siya ehh nung nalaman niyang girlfriend na ako ni Ranz. Pero nung sinabi kong nag p-pretend lang kami parang semana santa yung mukha niya. Supportive mommy whooo hahaha.
"Sige bye. Ingat kayo"
Lumabas na kami at sumakay sa kotse ni Ranz. Panay pa nga yung pagtatanong ko kay Ranz kung bakit ako pina-papapunta ng lola niya, kaso di rin daw niya alam. Nang makarating kami sa bahay nila ay dinalaw na agad ako ng kaba.
Pagpasok namin sa bahay nila ay sumalubong agad samin yung lola ni Ranz. May dalang mamahaling bag at parang may lakad yung lola niya.
"Good Morning po" sabi ko sa kanya with my confident and calm face. Kahit na sa totoo ay halos lumabas na yung puso ko sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Shit! Anong kelangan niya sa akin?
"Good morning iha. Mabuti at naka punta kayo agad dito. Perfect timing" naka ngiting sabi niya sa akin at kay Ranz. Napa tingin ako kay Ranz. Para bang nagtatanong kung anong ibig sabihin ng lola niya. Ngunit nag kibit-balikat lang ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/9944527-288-k564649.jpg)
BINABASA MO ANG
Ms. KJ meets Mr. Sungit Part 2 (A Ranz Kyle Viniel E. Fan Fiction Story)
Fiksi PenggemarNang malaman ni Ms. KJ na may hidden desire din pala yung long time crush niya na si Mr. Sungit ay halos mabaliw siya. Pero madaya nga naman ang tadahana, kasi kung kelan niya nalaman yung totoo ay tsaka pa pumunta ng states si Mr. Sungit. Ano na ka...