Chapter 31
Everything's gonna be alright
Alam kong dadating talaga yung time na to. Alam kong masasaktan talaga ako. I know this is coming pero masakit pala talaga pag sa personal mo na nakita. Parang dinudurog yung puso mo. Parang ang tanga mo para tignan lang sila. Wake up Nyliz! Wag ka ngang tanga. May crush siya sayo noon pero noon lang yun. Wag kang gago para mag assume na hanggang ngayon crush ka parin niya. CRUSH big word at masakit na isipin na ang ibig sabihin lang niyan ay "Pag hanga"
"You ok?" sabi ni Azi na ikinagulat ko
"Uhh y-yes. I should go" sabi ko sabay alis at tinalikuran siya para pumunta ng cr.
Ohhh God! Ang tanga ko. Ang bobo ko. Ang assuming ko! Humagulgol ako sa loob ng cr nang naka harap sa salamin. Binuhos ko ang kanina ko pang pinipigilan na mga luha. Parang may bukol sa lalamunan ko at ang gusto ko nalang gawin dito ay umiyak at sumigaw. No. Hindi dapat ako umiiyak. Dapat ay masaya ako kasi may iba ng nagpapasaya sa kanya. Kitang-kita ko sa mata niya kanina yung saya sa kanyang mukha habang hawak yung bewang ng babae. Ang sakit isipin. Ang sakit. Sobra. Parang ang hina ko para iyakan lang ang isang bagay na hindi pala sa akin. He was never mine. Alam kong sa simula't sapol, hindi ako ang may-ari sa kanya. Shet ang sakit. Sobra. Ganito pala yung feeling ng mga taong nag iinarte sa tv? Yung mga ganitong eksena na akala mo ay ang o-OA ay na e-experience ko na. Ang OA ko na ba masyado para iyakan ang isang taong inakalang may gusto pa rin sa akin?
Umiyak lang ako ng umiyak. Ayaw kong umiyak kaso di talaga mapigilang lumabas yung mga luha sa mata ko. Naghilamos nalang ako para di masyadong mahalata na umiyak ako ngunit kita parin ang pula ng mga mata ko. Halos 30 minutes ako sa CR at sigurado akong hinahanap na ako ng mga barkada ko. Dapat di nila malaman na umiyak ako. Kalma Nyliz. Everything's gonna be alright. Kalma lang. Suminghap ako at lumabas na ng cr. Bumungad sa akin ang kanina ko paring hinahanap
"Owy?" gulat na sabi ko. Tinutukan niya lang ako na para bang ine-examine yung mukha ko. Ohh my! Sana hindi niya mapansin na umiyak ako. Pinandilatan ko siya kaya natigil siya sa kaka titig sa mukha ko
"What happen to your eyes?" tanong niya gamit ang mga nanlilisik niyang mata.
"Uhhh-
"Umiyak ka ba?" pinutol na niya agad ako at tinanong ulit. Kinakabahan ako. Parang nasa Lie detector test ako ngayon. Sana di niya malaman na umiyak ako. Sana may maipalusot akong sagot
"Uhhhh k-kasi. Ang sakit ng mata ko sa mga usok doon sa dance floor" mabuti nalang at may naipalusot ako. Pero hindi parin nawawala yung mga nakaka kabang titig niya. Yun bang parang sinusuri niya talaga kung totoo ba yung mga sinabi ko. I can't breathe. Parang tutulo na yung mga pawis mula sa ulo ko papuntang mukha ko. Jeeeeez! Ngayon ko lang to naranasan ahhh!
"I-ikaw o-owy? San ka ba galing? Bat ngayon lang kita n-nakita?" na-uutal kong tanong na ikinakaba ko ulit. Fuck. Wag niya sanang mahalata.
![](https://img.wattpad.com/cover/9944527-288-k564649.jpg)
BINABASA MO ANG
Ms. KJ meets Mr. Sungit Part 2 (A Ranz Kyle Viniel E. Fan Fiction Story)
FanfictionNang malaman ni Ms. KJ na may hidden desire din pala yung long time crush niya na si Mr. Sungit ay halos mabaliw siya. Pero madaya nga naman ang tadahana, kasi kung kelan niya nalaman yung totoo ay tsaka pa pumunta ng states si Mr. Sungit. Ano na ka...