Chapter 16
Dito ka muna
Pumunta na kami sa rest house at hinanap na yung mga kwarto namin. 1 night kaming matutulog dito. Ok naman yung mga kwarto. No need aircondition kasi malamig na yung simoy ng hangin mula sa dagat. Sa isang kwarto may 2 bed lang. So ang problema ko nito......SINO YUNG KASAMA KO?! Hinila ko agad tong si Yndine! Hindi ko naman siya babakuran o ilalayo sa my loves niya. Gusto ko lang, siya yung kasama ko dito sa kwarto. Baka may mangyari pa pag si Kuya Oliver ang kasama ng bruhang ito. No worry kay Kuya Oliver kasi alam ko namang good boy yun pero itong si Yndine, naku! MAKATI PA SA PULANG LANGGAM!
"A-aray! Chill lang. Bakit ba?" tanong ni Yndine sabay ayos ng damit niya. Hinatak ko ka agad ehh. Hahaha
"Kasama tayo dito sa kwarto ahhh!"
O___O mukha niya
"Eeee sige na! 1 night lang naman to! Please please please! Sino ba pipiliin mo? Yung bestfriend or yung boyfriend?" nagmaka-awa talaga ako
"Nyliz naman! First time na to ohh! First time na magkatabi kaming matulog =("
"THE FUCK YNDINE! Alam ko kung ano yang nasa isip mo! Wag ka ngang maharot jan! Sa tamang edad niyo naman gawin yan! Chill ka lang!" patawa kong sabi pero nagmamaka-awa na talaga ako
"WOW! NANAY NA KITA NGAYON" -__-
Pinilit ko talaga siya. At thank God umu-o naman ang bruha. Salamat at napapayag ko naman siya. Sa kabilang kwarto ay sila Kuya Oliver at Owy. Sa kabilang left naman ay sila CAV at Biboy. Si Sheng at Sheila naman magkatabi tapos si Mich at Ella. Tapos si Ully at Reyda naman. Magkatapos naming iwan yung mga gamit doon sa kwarto ay lumabas na kami para pumunta sa cottage. Isang cottage, isang section. So bale 4 cottages lahat. Malaki naman yung cottage para lagyan ng mga pagkain. Ko-konte lang ang pwedeng umupo sa gilid nito kasi di kami kasyang lahat. Nag dasal na kaming lahat at kumain. Grabe ang daming pagkain at kanina pa talaga ako gutom kaya hindi ko na to palalampasin. Pagkatapos kung kumuha ng pagkain ay tumabi na ako kila Sheila, Sheng at Mich. Naka upo kami sa buhangin ngayon at kumakain habang naka tingin sa dagat. Ang sarap pa ng simoy ng hangin hmmmmmm. Habang yung dalawang bruha, nandun sa mga boyfriend nila. Ewan ko ba kung kumakain o naghaharutan lang. Haaay
Habang kumakain, nakita ko si Louise na kumakain din. Ay oo nga pala, classmate pala kami nung 4th yr no? He he. Tapos nandun din sa kabilang cottage si James. Na alala ko tuloy yung pangyayari sa Gym. I wanna know kung bakit ganun yung mga tanong ni Louise sa akin. Wala lang....curious lang haha. Pero let's enjoy muna. Pagkatapos naming kumain ay maliligo na daw kami. Ayaw ko pang maligo kasi tirik na tirik yung araw. Baka maging sunog na baboy ako nito. Kaya pumasok nalang muna ako sa kwarto para magpahinga. Di kasi ako nakatulog sa byahe kanina. Yung lima kung mga kaibigan ay ayun nag uunahan ng magbihis para maka ligo na ng dagat. Sinabihan pa nga nila ako ng
"AS USUAL, MS. KJ HMP!"
BINABASA MO ANG
Ms. KJ meets Mr. Sungit Part 2 (A Ranz Kyle Viniel E. Fan Fiction Story)
FanficNang malaman ni Ms. KJ na may hidden desire din pala yung long time crush niya na si Mr. Sungit ay halos mabaliw siya. Pero madaya nga naman ang tadahana, kasi kung kelan niya nalaman yung totoo ay tsaka pa pumunta ng states si Mr. Sungit. Ano na ka...