Pagkatapos naming maghugas ay tinawag na kami ng lola ni Ranz. Muntik na ngang umabot sa basaan kasi ang kulit ni Ranz. Nakaka jirits ang sarap pektusan! Alam niya namang wala akong ibang damit kaya sinimangutan ko nalang para tumigil na siya. Umalis naman kami ng di basa. Agad na kaming sumakay sa van kasi pupunta daw kami sa 'next destination' namin. Hmmm san kaya?
Nang naka-upo na kami ni Ranz ay napansin kong panay ang abot niya sa likod ng damit niya.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko
"Just wiping the dirt" sabi niya at kumuha ng panyo para punasan yung bandang may dumi sa likod niya. Ayy oo nga pala, may putik dun sa bandang likod niya. Yung hinabol ko siya tas hinablot yung damit niya.
"Ako na nga" at kinuha yung panyo para punasan yung dumi sa likod ng damit niya. Baka ma konsensya pa ako.
"Ikaw kasi ehh" naka ngising sabi niya
"Anong ako? Sino ba nanguna? Di ba ikaw?" mataray kong sabi habang pinupunasan yung damit niya.
"Chill. Wag high blood" sabay ngisi ng nakaka loko. Ang hilig niya talagang mang-asar!
Nakarating kami sa next destination namin. Pagbaba namin sa van ay sinalubong namin yung napaka lawak na farm. May mga organic plants na makikita mo at ang ganda tignan. Sinundan namin yung lola ni Ranz. May kina-usap siyang mga taong taga bantay siguro dito at pagkatapos ay pinasyal niya na kami.
May mga lettuce, cabbage, okra at iba't ibang mga gulay ang nakita namin. Sinabihan pa kaming mamitas nito. Binigyan kami ni Ranz ng basket kaya nagsimula na kaming mag libot libot para kumuha ng mga gulay.
First time ko itong gawin at nakakatuwa lang kasi kasama ko si Ranz. Siya pa yung may bitbit ng basket
ANG CUTE! Emeghed!
Nagsimula na kaming mag pitas ng mga gulay. Sinabihan naman kami kung kelan pwedeng kunin kaya gets na namin agad. Habang nagpipitas ng okra ay na-isipan kong mag tanong kay Ranz.
"Ranz, ano nga pala name ng lola mo?" tanong ko sa kanya habang binubunot yung okrang malaki at hinog na.
"Bat mo naman tinatanong?" naka ngising sabi niya. Tignan mo to, ang seryoso kong mag tanong tas siya parang joke lang yung pag tanong ko!
"Bawal ba? Ang weird naman kung di ko alam yung name niya diba?"
"Lola Helen" naka ngiting sabi niya
"Ahhhh lola Helen pala." at nilagay yung okra sa basket. Pagkatapos naming mamitas ng okra, talong at cabbage ay naisipan naming mamitas din ng kalabasa. Nakaka tuwa pala pag ganito. Agad kaming naghanap ng hinog na kalabasa at akmang kukunin ko na yung kulay green/orange na kalabasa nang.....
BINABASA MO ANG
Ms. KJ meets Mr. Sungit Part 2 (A Ranz Kyle Viniel E. Fan Fiction Story)
FanfictionNang malaman ni Ms. KJ na may hidden desire din pala yung long time crush niya na si Mr. Sungit ay halos mabaliw siya. Pero madaya nga naman ang tadahana, kasi kung kelan niya nalaman yung totoo ay tsaka pa pumunta ng states si Mr. Sungit. Ano na ka...